Maraming consumer ang gumagamit ng kanilang mga smartphone, tablet, at iba pang mobile device bilang mga mobile wallet para sa pagbabayad ng mga produkto at serbisyo, kung saan ginagamit nila ang mga app upang magsagawa ng mga online at aktwal na pagbili. Kasabay ng tumataas na paggamit natin ng mga serbisyo ng pagbabayad sa mobile, nadaragdagan din ang pangangailangang protektahan ang mga mobile device, app, at nauugnay na data mula sa pagnanakaw at mga pag-atake sa cyber.
Paano iingatan ang iyong mobile wallet
- Huwag kailanman iwan ang iyong smartphone sa isang pampublikong lugar o huwag itong iwan nang nakikita sa sasakyang walang tao.
- Isaalang-alang ang iyong paligid at huwag gamitin nang lantaran ang iyong smartphone o mobile device.
- Huwag kailanman gumamit ng mga serbisyo ng pagbabayad sa mobile sa pamamagitan ng hindi secure na Wi-Fi network. (Tingnan ang aming gabay sa consumer: https://www.fcc.gov/consumers/guides/mga-tip-na-pangseguridad-para-sa-mga-wireless-bluetooth-na-koneksyon.)
- Pumili ng mga natatanging password para sa lahat ng iyong mobile app.
- Mag-install at magpanatili ng software sa seguridad sa iyong smartphone. Magagamit ang mga app upang:
- Hanapin ang iyong smartphone mula sa anumang computer.
- I-lock ang iyong smartphone upang paghigpitan ang access.
- I-wipe mula sa smartphone mo ang sensitibong personal na impormasyon at mga kredensyal ng mobile wallet.
- Magpalabas sa iyong smartphone ng malakas na tunog ("sigaw") upang matulungan ka o ang pulis na mahanap ito.
- Mag-ingat sa paggamit ng mga social networking app, na maaaring magdulot ng panganib sa seguridad at payagan ang hindi kanais-nais na access sa personal na impormasyon kabilang ang iyong data sa pananalapi ng mobile.
- Subaybayan ang mga account sa pananalaping naka-link sa mga mobile app para sa anumang mapanlinlang na pagsingil. Suriin ang mga kasunduan sa serbisyo ng mga account na ito upang malaman ang mga hakbang na gagawin kung mawala, manakaw, o ma-hack ang iyong smartphone, at kung anong mga singil ang maaaring responsibilidad mong bayaran.
- Maaaring kailanganin ng pulis ang natatanging impormasyong nagpapakilala ng iyong smartphone kung manakaw o mawala ito. Isulat ang gumawa, numero ng modelo, serial number, at natatanging identification number ng device - alinman sa numero ng International Mobile Equipment Identifier (IMEI) o Mobile Equipment Identifier (MEID). Ipinapakita sa ilang telepono ang numero ng IMEI/MEID kapag na-dial mo ang *#06#. Makikita rin ang IMEI/MEID sa label na nasa ilalim ng baterya ng telepono o sa kahong pinaglayan ng telepono.
Ano ang gagawin kung mawala o manakaw ang iyong mobile device
- Kung hindi ka sigurado kung nanakaw ang iyong smartphone o mobile device, o kung nailagay mo lang ito kung saan, subukang hanapin ang smartphone sa pamamagitan ng pagtawag dito o paggamit sa GPS locator ng software sa seguridad.
- Kung nag-install ka ng software sa seguridad sa iyong smartphone, gamitin ito upang i-lock ang device, i-wipe ang sensitibong personal na impormasyon, at/o i-activate ang alarm.
- Iulat kaagad sa iyong wireless carrier ang pagkanakaw o pagkawala. Kung ibibigay mo sa iyong carrier ang numero ng IMEI o MEID, magagawa ng iyong carrier na i-disable ang iyong smartphone at mga app sa pagbabayad sa mobile, at i-block ang access sa iyong personal na impormasyon at sensitibong data. Humiling ng nakasulat na pagkumpirma mula sa iyong carrier na naiulat mo ang pagkawala ng smartphone at na-disable na ito.
- Iulat sa pulis ang pagnanakaw – kung saan kabilang ang gumawa at modelo, serial number at numero ng IMEI o MEID sa iyong ulat. Ang ilang provider ng serbisyo ay nangangailangan ng katibayang nanakaw ang smartphone at maaaring gamitin ang ulat ng pulisya bilang dokumentasyon.
- Kung hindi mo ma-lock ang iyong nanakaw o nawalang smartphone, palitan ang lahat ng iyong password para sa mga app sa pagbabayad sa mobile at anumang account sa bangko o credit card account na na-access mo gamit ang iyong serbisyo ng smartphone, pagkatapos ay makipag-ugnayan sa mga institusyon sa pananalaping iyon tungkol sa pagkawala o pagkanakaw.
Para sa higit pang impormasyon tungkol sa dapat gawin kung mawala o manakaw ang iyong mobile device, at para din sa impormasyon sa pakikipag-ugnayan ng mga provider ng serbisyo, pumunta sa: https://www.fcc.gov/consumers/guides/protektahan-ang-iyong-mobile-device.
Mga Kahilingan para sa Alternatibong Format
Maaaring humiling ang mga taong may kapansanan sa paningin ng mga bersyon sa braille, may malaking print, o magagamit sa screen-reader ng artikulong ito sa pamamagitan ng anyong email sa fcc504@fcc.gov (sa English). Para sa audio at iba pang access, gamitin ang link na "I-explore ang Mga Opsyon sa Accessibility."
Help Center ng Consumer
Matuto tungkol sa mga isyu ng consumer - bisitahin ang Help Center ng Consumer ng FCC sa fcc.gov/consumers. Nasa wikang Ingles ang web page)
Maghain ng Reklamo sa FCC
Pumunta sa aming Center sa Pagrereklamo ng Consumer sa consumercomplaints.fcc.gov (nasa wikang Ingles ang web page) upang maghain ng reklamo o sabihin sa amin ang nangyari sa iyo.