Dahil sa mataas na resale value ng mga smartphone – kasama ng personal na impormasyong nilalaman ng ganoong mga device – nagiging pangunahing target ang mga iyon para sa mga kriminal at identity thief. Maaari mong protektahan ang iyong sarili, ang iyong device at ang data na nilalaman nito sa pamamagitan ng pagsunod sa mga alituntunin sa ibaba kung mawawala o mananakaw ang iyong device.
Maging ligtas laban sa pagnanakaw ng smart device
- Maging mapagmatyag sa iyong kapaligiran at gamitin ang iyong device nang discreet.
- Huwag iwanan ang iyong device nang walang bantay sa isang pampublikong lugar. Huwag itong iwanang nakikita sa isang kotseng walang bantay.
- Isulat ang tatak, model number at serial number ng device, pati ang natatanging device identification number nito -- ang International Mobile Equipment Identifier (IMEI), ang Mobile Equipment Identifier (MEID) number, o ang Electronic Serial Number (ESN). Ang device ID number ay karaniwang nakikita sa mga setting ng iyong device o naka-print sa isang label na nakakabit sa iyong device sa ilalim ng baterya. Maaaring kailangan ng pulisya ang impormasyong ito kung mananakaw o mawawala ang device.
- Suriin ang iyong warranty o kasunduan sa serbisyo upang malaman kung anong mangyayari kung mananakaw o mawawala ang iyong telepono.
- Maaari mo ring pag-isipang bumili ng device insurance.
Paano protektahan ang data sa iyong telepono
- Gumamit ng password na mahirap hulaan upang paghigpitan ang access. Kung mananakaw o mawawala ang iyong device, makakatulong itong maprotektahan ka laban sa hindi kanais-nais na singil sa paggamit at laban sa pagnanakaw at hindi wastong paggamit ng iyong personal na data.
- Mag-install at magpanatili ng anti-theft software. May mga available na app:
- Maghahanap sa device gamit ang anumang computer o device na nakakonekta sa internet.
- Magla-lock sa device upang paghigpitan ang access.
- Magwa-wipe sa sensitibong data sa device, kasama ang mga contact, text message, larawan, email, kasaysayan ng browser at iba pang account.
- Magti-trigger sa device na mag-emit ng malakas na tunog upang matulungan ang pulisya na matagpuan ito.
- Gamitin ang iyong lock screen upang magpakita ng impormasyon ng contact, gaya ng isang e-mail address o alternatibong numero ng telepono, upang masauli ang telepono sa iyo kung makikita ito. Iwasang magsama ng sensitibong impormasyon, gaya ng address ng iyong bahay.
Mag-ingat tungkol sa anong impormasyong sino-store mo. Ang mga social networking at iba pang app ay maaaring magbigay ng hindi kanais-nais na access sa iyong personal na impormasyon.
Anong gagawin kung mananakaw ang iyong wireless device
- Subukang hanapin ang device sa pamamagitan ng pagtawag dito o paggamit ng anti-theft software-enabled GPS locator.
- Kung nag-install ka ng anti-theft software sa iyong device, gamitin ito upang i-lock ang telepono, mag-wipe ng sensitibong impormasyon at/o isaaktibo ang alarm. Kahit na sa tingin mo ay nawala mo lang ang device, dapat mo itong i-remote lock upang maging sigurado.
- Kung mawawala ang device, iulat kaagad ang pagnanakaw sa pulisya, kasama ang tatak at model, serial at IMEI o MEID o ESN number. Ang ilang service provider ay nangangailangan ng katibayang nawala ang device, at isang ulat ng pulisya na nagbibigay ng dokumentasyong iyon.
- Iulat kaagad ang pagnanakaw o pagkawala sa iyong service provider. Magiging responsable ka sa anumang singil na madudulot nito bago mo iulat ang ninakaw o nawawalang device.
- Maaaring gamitin ang iyong service provider ang iyong IMEI o MEID o ESN number upang hindi paganahin ang iyong device at harangan ang access sa impormasyong dala nito.
- Humiling ng nakasulat na pagkumpirma mula sa iyong service provider na inulat mo ang device bilang nawawala at na hindi pinagana ang device.
Mga Kahilingan para sa Alternatibong Format
Maaaring humiling ang mga taong may kapansanan sa paningin ng mga bersyon sa braille, may malaking print, o magagamit sa screen-reader ng artikulong ito sa pamamagitan ng anyong email sa fcc504@fcc.gov (sa English). Para sa audio at iba pang access, gamitin ang link na "I-explore ang Mga Opsyon sa Accessibility."
Help Center ng Consumer
Matuto tungkol sa mga isyu ng consumer - bisitahin ang Help Center ng Consumer ng FCC sa fcc.gov/consumers. Nasa wikang Ingles ang web page)
Maghain ng Reklamo sa FCC
Pumunta sa aming Center sa Pagrereklamo ng Consumer sa consumercomplaints.fcc.gov (nasa wikang Ingles ang web page) upang maghain ng reklamo o sabihin sa amin ang nangyari sa iyo.