Real-time text – o RTT – ay isang teknolohiya na nagbibigay-daan sa teksto na kaagad na maipadala habang ginagawa ito sa pamamagitan ng mga wireless na handset na gumagamit ng teknolohiyang batay sa IP sa mga network na sumusuporta sa RTT. Sa RTT, hindi na kailangang pindutin ang key ng “ipadala” tulad ng karaniwan sa SMS, chat, o iba pang uri ng pag-text. Maaaring basahin ng tumatanggap ang mensahe habang tina-type ito ng nagpapadala. Magkatulad ang mabilisang pag-transmit ng text at madaliang palitan ng impormasyon sa mga pag-uusap gamit ang boses sa telepono, at maaaring maging kritikal para sa mga emergency na pagtawag sa 911.
Ang mga provider ng serbisyong wireless at mga manufacturer ng mga wireless na handset, na hinihinging suportahan ang teknolohiyang TTY, ay maaari na ngayong gumamit ng RTT habang lumilipat sila teknolohiyang batay sa Internet protocol.
Mga Pakinabang sa RTT
Bukod pa sa pagpapahusay sa mga accessible na pang-emergency na pakikipag-ugnayan, may ilang pakinabang ang RTT kumpara sa TTY:
- Maaaring alisin ng RTT ang pangangailangang bumili ng mga espesyalisadong device, tulad ng mga TTY, upang magpadala ng text na real time sa mga wireless na telepono.
- Ang mga tawag na gumagamit ng RTT ay maaaring simulan at tanggapin gamit ang parehong sampung digit na numero para sa mga voice call.
- Maaaring magpadala at makatanggap ng text nang real time at sabay ang parehong partido sa isang RTT na tawag, hindi katulad ng TTY, na kinakailangan pang magsalitan.
- Mas maaasahan ang RTT kaysa sa teknolohiyang TTY sa mga IP network – nangangahulgan sa mas madalang na paglabo at mas kaunting drop-off sa mga tawag.
- Binibigyan ng RTT ang mga tumatawag ng higit pang character para sa pagta-type kaysa sa kaya ng TTY. Halimbawa, sa RTT, maaari mong gamitin ang key na “@,” mga alpabeto sa iba't ibang wika, at mga emoji, na nagbibigay-daan sa mga pag-uusap na gumamit ng buong “international na set ng mga character.”
- Magagamit ang parehong RTT at voice, nang sabay o nagsasalitan, sa iisang tawag.
Sa RTT, maaari kang tumawag sa:
- Iba pang RTT user, anuman ang ginagamit nilang network o device
- Mga serbisyong pang-emergency sa pamamagitan ng pag-dial sa 911
- Magpasa ng mga serbisyo sa pamamagitan ng pag-dial sa 711
- Mga TTY user, kasama ang mga indibidwal, negosyo, at ahensya ng gobyerno
Mga Accessible na Feature
Hinihikayat ng FCC ang mga provider ng serbisyo at mga manufacturer na sinusuportahan ang RTT na magbigay ng mga accessible na indicator ng tawag upang ipaalam sa mga caller ang tungkol sa aktibidad ng audio na nagaganap sa loob ng telepono at mga paparating na RTT na tawag. Ito ay upang matiyak na alam ng mga taong hindi nakakarinig kung kailan sinagot ang kanilang mga papalabas na tawag o may natawagan silang may abalang signal – tulad kung paano nagbibigay ng notification ang mga ringtone at naririnig na signal sa pagiging abala sa mga taong nakakarinig.
Dagdag pa rito, hinihikayat ng FCC ang pagsama ng mga sumusunod na feature at kakayahan na karaniwang available sa mga user ng voice telephone:
- Latency at mga rate ng error na may katumbas na function sa real-time na pakikipag-ugnayan sa voice telephone.
- Ang kakayahan para sa mga tumatawag na gumamit ng teleconferencing, mga feature ng caller ID, mga interactive na system ng boses na pagtugon, at maglipat ng mga tawag.
- Ang kakayahan para sa mga tumatawag na kontrolin ang mga setting ng teksto, tulad ng font, laki, at kulay.
- Gawing naka-preinstall na feature ng mga wireless na device ang RTT na naka-enable bilang default na setting – nang sa gayon ay available ang RTT nang hindi na ito kinakailangang i-on.
Mga Timeline ng Pagiging Available
Dapat sundin ng mga kumpanyang piniling magbigay ng mga serbisyo ng RTT sa halip na suportahan ang TTY sa kanilang mga wireless IP na network ang mga sumusunod na timeline:
Mga Wireless Provider
- Disyembre 31, 2017: Ang mga kumpanyang nagbibigay ng mga serbisyong wireless sa buong bansa – AT&T, Verizon, T-Mobile, at Sprint – ay dapat gumawa ng available na nada-download na RTT application o plug-in, o magpatupad ng mga pagbabago sa kanilang mga network upang suportahan ang RTT at mag-alok ng kahit isang handset na may kakayahan para sa RTT.
- Disyembre 31, 2019: Dapat suportahan ng mga carrier sa buong bansa ang RTT sa lahat ng kanilang bagong wireless na device.
- Hunyo 30, 2020: Ang mga kumpanyang nagbibigay ng mga serbisyong wireless sa lokal o rehiyonal, ngunit hindi sa buong bansa, ay dapat gumawa ng alinman sa available na nada-download na RTT application o plug-in, o magpatupad ng mga pagbabago sa kanilang mga network upang suportahan ang RTT at mag-alok ng kahit isang handset na may kakayahan para sa RTT.
- Hunyo 30, 2021: Dapat suportahan ng mga lokal at rehiyonal na provider (kasama ang mga reseller) ang RTT sa lahat ng kanilang bagong wireless na device.
Mga Manufacturer ng Wireless na Kagamitan
- Disyembre 31, 2018: Dapat ipatupad ang RTT ng mga manufacturer ng handset na gumagamit ng wireless na serbisyong boses na batay sa IP sa lahat ng handset na gagawin pagkatapos ng Disyembre 31, 2018.
Bilang simula ng pagsuporta sa RTT ng mga provider at manufacturer ng serbisyong wireless, dapat mong suriin kapag bumibili ka ng bagong wireless na handset upang makita kung kaya ba nito ang RTT at kung kailan balak suportahan ng iyong provider ng serbisyo ang RTT sa network nito.
Sa kasalukuyan, may ilang carrier ang pinagpaliban sa pangangailangang suportahan ang TTY sa mga wireless na IP network, kasama ang mga tawag sa 911, ang nakapailalim sa mga sumusunod na kundisyon:
- Dapat abisuhan ng mga carrier ang mga mamimili na hindi susuportahan ng kanilang mga serbisyong wireless na batay sa IP ang teknolohiyang TTY para sa mga tawag sa 911.
- Dapat magbigay ang mga carrier sa mga mamimili ng impormasyon tungkol sa mga alternatibong mga solusyon sa accessibility na batay sa teksto.
- Dapat mag-file sa Commission ang mga carrier ng mga pana-panahong ulat ng progreso sa kanilang development ng RTT.
Panahon ng Paglipat
Sa ngayon, dapat may kakayahang magpalitan ng impormasyon ang mga teknolohiyang TTY at RTT, na nangangahulung dapat may kakayahang makipag-ugnayan ng mga user ng TTY at RTT sa isa't isa. Gayunpaman, lilimitahan ang pakikipag-ugnayan sa pagitan ng mga user ng RTT at TTY sa set ng character ng TTY, sa halip na set ng international character ng RTT, at kinakailangan magpalitan ng pagkakataon sa pagpapadala at pagtanggap ng mga mensahe ang user ng RTT at TTY kapag nagte-text sa usa't isa. Mayroong bukas na proseso ang FCC tungkol sa haba ng oras ng dapat magpatuloy ang pangangailangan sa TTY-RTT interoperability.
Magsampa ng Reklamo
Ina-update ng FCC ang Center ng Consumer Complaint nito upang payagan ang mga indibidwal na magsampa ng reklamo online hinggil sa mga alintuntuning namamahala sa access ng TTY at RTT sa mga serbisyong wireless. Sa oras na ito, kung mayroon kang problema sa katulad na access, maaari kang magsampa ng reklamo sa pamamagitan ng liham, telepono, fax, o email:
Federal Communications Commission
Consumer and Governmental Affairs Bureau
Consumer Inquiries and Complaints Division
45 L Street NE
Washington, DC 20554
Telepono: 1-888-225-5322 (sa Ingles)
TTY: 1-888-835-5322 (sa Ingles)
Videophone: 1-844-432-2275 (sa Ingles)
Fax: 866-418-0232 (sa Ingles)
E-mail: dro@fcc.gov (sa Ingles)
Kung kailangan mo ng tulong sa pagsasampa ng reklamo, maaari ka ring makipag-ugnayan sa Tanggapan ng Disability Rights ng FCC sa dro@fcc.gov (sa Ingles) o sa pamamagitan ng pagtawag sa 202-418-2517 (boses, sa Ingles), 888-835-5322 (TTY, sa Ingles), o 1-844-432-2275 (videophone, sa Ingles).
Dapat kasama sa iyong reklamo ang mga sumusunod na impormasyon (kung available):
- Iyong pangalan, address, at iba pang impormasyon sa pakikipag-ugnayan, tulad ng numero ng telepono at email address.
- Ang pangalan at impormasyon sa pakikipag-ugnayan ng manufactuer ng device o ng wireless carrier.
- Impormasyon tungkol sa device o softwarer na ginagamit.
- Ang petsa o mga petsa kung kailan mo binili, nakuha, o ginamit, o sinubukang bilhin, kunin, o gamitin ang device.
- Paglalarawan ng problema sa accessibility at kung paanong gustong gawin upang lutasin ang problema sa accessibility.
- Paano mo gustong tumugon sa iyo ang FCC, tulad sa pamamagitan ng email, sulat, o telepono.
- Anumang karagdagang impormasyon na sa tingin mo ay naaangkop.
Mga Kahilingan para sa Alternatibong Format
Maaaring humiling ang mga taong may kapansanan sa paningin ng mga bersyon sa braille, may malaking print, o magagamit sa screen-reader ng artikulong ito sa pamamagitan ng anyong email sa fcc504@fcc.gov (sa English). Para sa audio at iba pang access, gamitin ang link na "I-explore ang Mga Opsyon sa Accessibility."
Help Center ng Consumer
Matuto tungkol sa mga isyu ng consumer - bisitahin ang Help Center ng Consumer ng FCC sa fcc.gov/consumers. Nasa wikang Ingles ang web page)
Maghain ng Reklamo sa FCC
Pumunta sa aming Center sa Pagrereklamo ng Consumer sa consumercomplaints.fcc.gov (nasa wikang Ingles ang web page) upang maghain ng reklamo o sabihin sa amin ang nangyari sa iyo.