Ang Bagong Batas ay Nagpapalawig sa Kapangyarihan ng FCC sa Mga Serbisyo sa Komunikasyon ng Mga Bilanggo

Noong Enero 2023, nilagdaan ng Presidente ang dalawang-partidong batas na nagbibigay sa FCC ng kapangyarihan na rendahan ang singil at bayarin para sa odyo at bidyo na komunikasyon sa pagitan ng bilanggo at ng kanilang mahal sa buhay, kabilang na ang komunikasyon sa pagitan ng mga tao na nasa parehong estado. Ang batas ay nag-uutos sa Komisyon na magpatupad ng bagong mga patakaran na sumasaklaw nitong pinalawig na mga serbisyo matapos ang Hulyo, ngunit bago ang Enero 2025. Noong Marso 2023, hiniling ng FCC ang impormasyon sa publiko kung paano maipatupad ang bagong batas.

Ang FCC ay naglalayon na marendahan ang labis na singil at napakalaking bayarin sa telepono at tawag na bidyo na binabayaran ng mga pamilya na nais makipag-ugnayan sa kanilang mga mahal sa buhay na bilanggo o nasa kulungan.

Ang mga pinagpipilian na komunikasyon para sa mga bilanggo ay limitado, na kadalasan ay nagsasanhi sa mataas na halaga ng mga tawag sa pagitan ng mga bilanggo at ng kanilang mga pamilya. Hanggang kamakailan lamang, ang mga pagpupunyagi ng FCC na mabawasan ang mga singil at bayarin sa mga tawag sa telepono sa kulungan ay limitado sa mga tawag sa telepono sa pagitan ng bilanggo at sa taong nasa ibang estado o sa ibang bansa. Ang FCC ay walang kapangyarihan sa parehong estado sa mga tawag sa telepono o sa mga tawag na bidyo.

Mga pinakamataas na takda para sa magkaibang estado at pandaigdig na mga tawag sa telepono mula sa mga bilangguan at mga kulungan

Ang pansamantalang pinakamataas na takda, na pinapakita sa talangguhit sa ibaba, ay tumutukoy sa lahat ng magkaibang estado at pandaigdig na mga tawag sa telepono mula sa mga penal na institusyon, ngunit hindi tumutukoy sa lokal, o sa loob ng estado na mga tawag.

 

Uri ng Pasilidad Pinakamataas na Kabuuang Takda sa Singil Para sa Magkaibang Estado (bawat minuto) Pinakamataas na Takda sa Singil Para sa Pandaigdig (bawat minuto)
Mga Bilangguan $0.14* $0.14* dagdag pa batay sa kabuuang halaga na binayaran ng tagapag-tustos upang tumawag mula sa Estados Unidos papunta sa ibang bansa*
Mga kulungan na may 1,000 o higit pang mga bilanggo $0.16* $0.16* dagdag pa batay sa kabuuang halaga na binayaran ng tagapag-tustos upang tumawag mula sa Estados Unidos papunta sa ibang bansa *
Mga kulungan na may mas mababa sa 1,000 na mga bilanggo $0.21 $0.21 dagdag pa batay sa kabuuang halaga na binayaran ng tagapag-tustos upang tumawag mula sa Estados Unidos papunta sa ibang bansa

* Itong $0.14 at $0.16 na takda kabilang ang $0.02 bawat minuto na palabis para sa "komisyon sa kinaroroonan" kung ang tagapag-tustos ng serbisyo ay nagbabayad sa bilangguan o kulungan para sa karapatan na makapagbigay serbisyo sa pasilidad. Para sa mga tagapag-tustos na hindi nagbabayad ng komisyon sa kinaroroonan, ang mga pinakamataas na takda ay $0.12 para sa mga bilangguan at $0.14 para sa mga kulungan. Para sa mga batas ng estado o ng lokal na nagtatakda ng halaga ng komisyon sa kinaroroonan, maaaring ipasa ng tagapag-tustos ang halaga sa mga nangungunsumo, hangga't ang kabuuang halaga na sisingilin sa nangungunsumo ay hindi hihigit sa $0.21 bawat minuto. Itong mga pansamantalang pinakamataas na takda para sa magkaibang estado at pandaigdig na mga tawag sa telepono ay itinakda noong Mayo 2021 (https://www.fcc.gov/document/fcc-lowers-interstate-and-international-prison-phone-rates-0).

Karagdagang singil sa serbisyo

Ang mga tagapag-tustos ay kadalasan na nagdadagdag ng mga singil at bayarin sa serbisyo. Nilimita ng FCC ang parehong uri ng mga singil at ang halaga na maaaring itasa ng mga tagapag-tustos sa ganoong magkaibang estado o pandaigdig na mga tawag para sa mga bilanggo.

Itong mga limitasyon ay nakatakda lamang sa magkaibang estado at pandaigdig na mga tawag. Ang mga nangungunsumo ay maaaring magbayad ng dagdag na singil sa serbisyo at mas mataas na singil na may kinalaman sa mga tawag sa pagitan ng bilanggo at ibang tao na nasa parehong estado.

Pinapayagang Dagdag na Singil sa Serbisyo   Takda Para sa Pinakamalaking Bayad Bawat Gamit / Tagubilin
Singil sa elektronikong pagbayad.   $3.00
Singil sa tawag na sisingilin sa ikatlong partido nang tawag-sa-tawag na paraan.   $3.00 bawat transaksiyon, dagdag ang epektibo, bawat-minuto na singil, kapag ang bayad ay sa pamamagitan ng elektronikong sistema sa pagbayad; $5.95 bawat transaksiyon, dagdag ang epektibo, bawat-minuto na singil, kapag ang bayad ay sa pamamagitan ng aktuwal na ahente.
Singil sa aktuwal na ahente para sa bayad sa telepono o para sa kwentas na itinakda na may pagpipilian na gumamit ng aktuwal na teleponista.   $5.95
Singil na nakasulat sa papel/kuwenta (walang bayad ang pinapahintulutan ng elektronikong singil/kuwenta).   $2.00
Pinakamababa at pinakamalaki na pagtustos sa kuwentas na bayad nang adelantado.   Ang tagapag-tustos ay maaaring hindi magtakda ng pinakamababa o pinakamalaki na kuwentas na bayad nang adelantado nang mababa sa $50.
Singil sa pinansiyal na transaksiyon sa ikatlong partido, gaya ng MoneyGram, Western Union, singil sa pagproseso ng credit card at pagpapadala mula sa ikatlong partido na komisaryong kuwentas.   $3.00 bawat transaksiyon, kapag ang bayad ay sa pamamagitan ng sistema sa elektronikong pagbayad; $5.95 bawat transaksiyon, kapag ang bayad ay sa pamamagitan ng aktuwal na ahente.
Pinapairal na mga buwis at singil ng pamahalaan.   Maaaring ipasa ng tagapag-tustos itong mga singil sa mga nangungunsumo nang walang patong.

Magagamit ng mga bilanggo na may kapansanan

Ang mga bilanggo na bingi, may kahinaan sa pandinig o may kapansanan sa pananalita ay kailangan na makagamit ng Telecommunications Relay Services (TRS), at dapat magbigay ang mga tagapag-tustos ng magagamit na tradisyonal na nakabase sa TTY na TRS at paghahatid ng Speech-to-Speech (STS). Umpisa Enero 1, 2024, ang tagapag-tustos na nagseserbisyo sa bilangguan sa alinmang sinasaklawan na may karaniwan na arawang populasyon na 50 o higit pang mga bilanggo ay dapat na magbigay ng magagamit sa lahat ng serbisyo sa paghahatid na karapat-dapat sa suporta sa pondo para sa TRS sa anumang bilangguan kung saan may mabilis na serbisyo ng internet at hindi kailanman pinagbawalan ng awtoridad ng bilangguan na namamahala sa pasilidad. Ito ay kinabibilangan ng paglagay ng punto-sa-punto na bidyo na tawag gamit ang American Sign Language (ASL). Ang dagdag na mga serbisyo sa paghahatid na magagamit ay kinabibilangan ng serbisyo sa paghatid ng bidyo [video relay service (VRS)], Internet Protocol Relay Service (IP Relay), at Internet Protocol Captioned Telephone Service (IP CTS). Kapag hindi handang gamitin ang serbisyong broadband, dapat magbigay ang mga tagapag-tustos ng magagamit na hindi Internet Protocol Captioned Telephone Service (CTS), dagdag pa sa tradisyonal na nakabase sa TTY na TRS at STS.

Ang karagdagang patakaran upang mapadali ang pagrehistro para sa at paggamit ng TRS ng mga bilanggo na may kapansanan ay nakabinbin para sa aprobasyon ng Tanggapan ng Pamamahala at Laang-gugulin [Office of Management and Budget] ayon sa hinihingi ng Batas na Nagbabawas ng Dokumentasyon [Paperwork Reduction Act].

Mga pagbabawal sa pagsingil para sa serbisyo sa paggamit at mga kagamitan

Ang singil bawat-minuto para sa mga tawag na TTY-to-TTY ay limitado sa 25 porsiyento ng mga sinisingil ng mga tagapag-tustos para sa ibang mga tawag sa telepono na may kinalaman sa mga bilanggo dahil ang TTY na mga tawag, na sa kanilang katangian, ay mas matagal kumpara sa mga boses na tawag, at ang mga bilanggo na may kapansanan ay walang alternatibo sa pagtawag. Hindi pinapayagan ang mga tagapag-tustos na mangolekta ng singil o bayad mula sa alinmang partido para sa paggamit ng TRS o kagamitan o serbisyo upang magamit ang TRS, na may ilang eksepsiyon: Ang mga tagapag-tustos ay maaaring mangolekta ng singil sa paggamit ng CTS, IP CTS, o ASL na punto-a-punto na bidyo, ngunit ang singil ay hindi lalagpas sa halaga ng singil para sa tawag sa telepono na boses sa parehong haba ng panahon, distansiya, sinasakupan, at oras ng araw.

Ibang mga patakaran

Hindi maaaring hadlangan ng tagapag-tustos ang tawag na babayaran ng tinawagan dahil lamang sa hindi pagkakaroon ng tagapag-tustos ng dating relasyon sa pagsingil sa tagapag-tustos ng tinawagang partido, maliban na lamang kung ang tagapag-tustos ay nag-aalok din ng bawas sa deposito, binayaran nang adelantado, o mga pagpipilian na tawag na binabayaran nang adelantado ng tinawagan.

Hinihingi ng mga patakaran ng FCC na malinaw, sakto, at hayag na ilantad ng mga tagapag-tustos ang kanilang singil at bayarin sa dagdag na serbisyo para sa lahat ng uri ng boses na tawag (magkaibang estado, parehong estado, at pandaigdig) sa kanilang websayt o sa ibang makatarungan na pamamaraan na madaling maabot ng mga nangungunsumo.

Hinihingi din ng mga patakaran ng FCC na, kapag ang bilanggo ay tatawag, dapat na magpakilala ang tagapag-tustos sa taong tatanggap ng tawag bago ikonekta ang tawag. Dapat din ihayag ng tagapag-tustos kung paano malalaman ng tatanggap ng tawag ang sisingilin bago ikonekta ang tawag. Dapat payagan ng tagapag-tustos ang tatanggap ng tawag na putulin ang tawag ng telepono nang walang bayad bago makonekta ang tawag.

Pagsampa ng reklamo

Kung pakiramdam ninyo na kayo o ang miyembro ng inyong pamilya ay nasingil nang sobra ng tagapag-tustos na nagseserbisyo sa mga bilangguan, kulungan o ibang penal na pasilidad, maaari kayong magsampa ng reklamo sa FCC.

  • Magsampa ng reklamo nang elektroniko sa https://consumercomplaints.fcc.gov
  • Sa pamamagitan ng telepono: 1-888-CALL-FCC (1-888-225-5322); TTY: 1-888-TELL-FCC (1-888-835-5322); ASL 1-844-432-2275
  • Sa pamamagitan ng koreo (mangyaring isama ang inyong pangalan, tirahan, impormasyon kung paano kayo matatawagan at ang pinaka-detalyadong impormasyon ng inyong reklamo hanggang maaari):

Federal Communications Commission
Consumer and Governmental Affairs Bureau
Consumer Inquiries and Complaints Division
45 L Street NE
Washington, DC 20554

Mga Patakaran ng Estado

Ang mga estado ay may kanya-kanyang sariling mga patakaran na sumasaklaw sa loob ng estado na mga tawag sa mga bilanggo. Upang magreklamo tungkol sa mga diumano ay paglabag sa mga patakaran ng estado, makipag-ugnayan sa komisyon ng pampublikong palingkuran ng estado kung saan nangyari ang tawag. Ang impormasyon sa pakikipag-ugnayan sa komisyon ng pampublikong palingkuran ng estado ay makikita sa naruc.org/about-naruc/regulatory-commissions o sa pangpamahalaan ng seksiyon ng inyong lokal na direktoryo ng telepono.

 

Date Last Updated/Reviewed:

Mga Kahilingan para sa Alternatibong Format

Maaaring humiling ang mga taong may kapansanan sa paningin ng mga bersyon sa braille, may malaking print, o magagamit sa screen-reader ng artikulong ito sa pamamagitan ng anyong email sa fcc504@fcc.gov (sa English). Para sa audio at iba pang access, gamitin ang link na "I-explore ang Mga Opsyon sa Accessibility."

 

Help Center ng Consumer

Matuto tungkol sa mga isyu ng consumer - bisitahin ang Help Center ng Consumer ng FCC sa fcc.gov/consumers. Nasa wikang Ingles ang web page)

 

Maghain ng Reklamo sa FCC

Maghain ng Reklamo sa FCC

Pumunta sa aming Center sa Pagrereklamo ng Consumer sa consumercomplaints.fcc.gov (nasa wikang Ingles ang web page) upang maghain ng reklamo o sabihin sa amin ang nangyari sa iyo.