Ang Lifeline ay isang programa ng FCC na tumutulong na gawing mas abot-kaya ang mga serbisyo ng komunikasyon para sa mga konsyumer na may mababang kita. Nagbibigay ang Lifeline sa mga subscriber ng diskwento sa kwalipikadong buwanang serbisyo ng telepono, serbisyo para sa broadband Internet, o mga naka-bundle na voice-broadband package na binili mula sa mga kalahok na wireline o wireless provider. Sa pamamagitan ng diskwento, natitiyak na kayang bilhin ng mga konsyumer na may mababang kita ang mga serbisyo ng connectivity sa ika-21 siglo at ang access na ibinibigay ng mga serbisyong ito sa mga trabaho, pangangalagang pangkalusugan, at mga edukasyonal na mapagkukunan.

Kung Paano Gumagana ang Lifeline

Nagbibigay ang Lifeline nang hanggang $9.25 buwanang diskwento sa serbisyo para sa mga kwalipikadong subscriber na may mababang kita at hanggang $34.25 bawat buwan para sa mga kwalipikadong subscriber sa mga Tribal land. Maaaring makatanggap ang mga subscriber ng Lifeline na diskwento sa alinman sa wireline o wireless na serbisyo, ngunit hindi sila maaaring makatanggap ng diskwento sa parehong serbisyo nang magkasabay. Sinusuportahan din ng Lifeline ang serbisyo para sa broadband Internet at mga broadband-voice bundle. Ipinagbabawal ng mga tuntunin ng FCC ang higit sa isang serbisyo ng Lifeline bawat sambahayan.

Available ang Lifeline sa mga kwalipikadong konsyumer na may mababang kita sa bawat estado, commonwealth, teritoryo, at sa mga Tribal land. Ang programa ng Lifeline ay pinangangasiwaan ng Universal Service Administrative Company (USAC). Responsibilidad ng USAC ang pagtulong sa mga konsyumer na mag-aplay para sa programa, maunawaan ang mga kinakailangan sa pagiging kwalipikado, at panatilihing updated ang kanilang benepisyo sa pamamagitan ng taunang proseso ng recertification. Makikita sa website ng USAC ang karagdagang impormasyon tungkol sa programa, kabilang ang mga kinakailangan sa programa.

Upang makasali sa programa ng Lifeline, ang mga konsyumer ay dapat na may kita na nasa o mas mababa sa 135% ng Federal Poverty Guidelines o lumahok sa ilang partikular na programa ng gobyerno para sa tulong, tulad ng Supplemental Nutrition Assistance Program (SNAP), Medicaid, Federal Public Housing Assistance, Supplemental Security Income, ang Veterans and Survivors Pension Benefit, o ilang partikular na Tribal Program. Malalaman mo kung kwalipikado ka sa pamamagitan ng pagsusuri sa impormasyon na available sa lifelinesupport.org.

Kung Paano Gumagana ang Lifeline

Nagbibigay ang Lifeline nang hanggang $9.25 buwanang diskwento sa serbisyo para sa mga kwalipikadong subscriber na may mababang kita at hanggang $34.25 bawat buwan para sa mga kwalipikadong subscriber sa mga Tribal land. Maaaring makatanggap ang mga subscriber ng Lifeline na diskwento sa alinman sa wireline o wireless na serbisyo, ngunit hindi sila maaaring makatanggap ng diskwento sa parehong serbisyo nang magkasabay. Sinusuportahan din ng Lifeline ang serbisyo para sa broadband Internet at mga broadband-voice bundle. Ipinagbabawal ng mga tuntunin ng FCC ang higit sa isang serbisyo ng Lifeline bawat sambahayan.

Available ang Lifeline sa mga kwalipikadong konsyumer na may mababang kita sa bawat estado, commonwealth, teritoryo, at sa mga Tribal land. Ang programa ng Lifeline ay pinangangasiwaan ng Universal Service Administrative Company (USAC). Responsibilidad ng USAC ang pagtulong sa mga konsyumer na mag-aplay para sa programa, maunawaan ang mga kinakailangan sa pagiging kwalipikado, at panatilihing updated ang kanilang benepisyo sa pamamagitan ng taunang proseso ng recertification. Makikita sa website ng USAC ang karagdagang impormasyon tungkol sa programa, kabilang ang mga kinakailangan sa programa.

Upang makasali sa programa ng Lifeline, ang mga konsyumer ay dapat na may kita na nasa o mas mababa sa 135% ng Federal Poverty Guidelines o lumahok sa ilang partikular na programa ng gobyerno para sa tulong, tulad ng Supplemental Nutrition Assistance Program (SNAP), Medicaid, Federal Public Housing Assistance, Supplemental Security Income, ang Veterans and Survivors Pension Benefit, o ilang partikular na Tribal Program. Malalaman mo kung kwalipikado ka sa pamamagitan ng pagsusuri sa impormasyon na available sa lifelinesupport.org.

National Verifier Para sa Pagiging Kwalipikado sa Lifeline

Upang mag-aplay para sa Lifeline, karaniwan nang dapat gamitin ng konsyumer ang National Verifier application system, na maa-access nila sa pamamagitan ng USAC o sa pamamagitan ng isang kompanya ng telepono o internet na kalahok sa Lifeline. Ang National Verifier ay isang sentralisadong system na itinatag ng FCC at pinapatakbo ng USAC na nagbe-verify ng pagiging kwalipikado ng mga aplikante ng Lifeline at muling nagre-recertify ng pagiging kwalipikado ng subscriber taon-taon. Ang mga konsyumer na nais ng tulong mula sa isang provider ng serbisyo kapag nag-aaplay ay maaaring gumamit ng tool na “Companies Near Me“ upang mahanap ang isang provider ng serbisyo ng programa ng Lifeline sa kanilang lugar.

Tandaan na ang mga konsyumer sa California (maliban sa mga broadband-only na konsyumer), Texas, at Oregon ay patuloy na mag-aaplay para sa pederal na benepisyo ng Lifeline sa pamamagitan ng kasalukuyang proseso ng aplikasyon ng estado tulad ng ginagawa nila ngayon. Para sa mga broadband-only na konsyumer sa California, ang mga konsyumer ay kailangang mag-aplay sa pamamagitan ng National Verifier application system at titingnan ng National Verifier ang pagiging kwalipikado ng konsyumer. Para sa mga espesipikong tagubilin kung paano mag-aplay para sa Lifeline sa lahat ng tatlong estado, bisitahin ang National Verifier at piliin ang nauugnay na estado mula sa drop-down na menu at pindutin ang “Get Started.”

Kung mayroon kang tanong tungkol sa iyong aplikasyon, o nais mong ipadala sa iyo ang isang aplikasyon, makipag-ugnayan sa Lifeline sa (800) 234-9473 o LifelineSupport@usac.org.

 

Mga Tuntunin ng Programa

Kabilang sa mga pangunahing tuntunin ang sumusunod:

  • Available lamang ang Lifeline sa mga subscriber na kung saan ang pagiging kwalipikado ay mabe-verify sa pamamagitan ng pag-check sa isang database ng pagiging kwalipikado sa mga programa o sa pamamagitan ng pagsusumite ng dokumentasyong nagpapakita ng kanilang pagiging kwalipikado.
  • Isang benepisyo ng Lifeline lamang ang pinahihintulutan bawat sambahayan. Ipinagbabawal ng mga tuntunin ng gobyerno ang pagtanggap ng mga subscriber ng higit sa isang serbisyo ng Lifeline. Kung ang isang subscriber o ang kanyang sambahayan ay kasalukuyang mayroong higit sa isang serbisyong may diskwento sa Lifeline, dapat silang agad na umalis sa pagkaka-enroll mula sa iba pang serbisyo ng Lifeline dahil kung hindi, mapapatawan sila ng mga parusa.
  • Dapat na muling i-recertify ng mga subscriber ang kanilang pagiging kwalipikado bawat taon at dapat tumugon sa anumang kahilingan mula sa Lifeline administrator ng National Verifier o estado upang muling i-recertify ang pagiging kwalipikado. Ang mga subscriber na pumalyang muling i-recertify ang kanilang pagiging kwalipikado ay aalisin sa pagkaka-enroll sa programa ng Lifeline.
  • Ang mga subscriber na tumatanggap ng libreng serbisyo mula sa kanilang provider ng serbisyo ay dapat tunay na gamitin ang kanilang serbisyo upang patuloy na maging naka-enroll sa programa ng Lifeline.

Tribal

Pinahusay na mga Benepisyo ng Lifeline Para sa mga Tribal land

Dahil ang mga antas ng subscribership sa telepono sa mga Tribal land ay ang pinakamababa sa bansa, available ang pinahusay na mga benepisyo ng Lifeline sa mga residenteng may mababang kita sa mga Tribal land. Makikita mo ang higit pa tungkol sa kung aling mga lugar ang kwalipikadong Tribal land sa pamamagitan ng pagbisita sa site na ito: https://www.lifelinesupport.org/tribal-benefit/.

Ang Link Up, isa pang programa ng benepisyo ng gobyerno, ay isang one-time na benepisyo, para sa bawat address, na binabawasan ang mga paunang bayad sa pag-install o pag-activate ng ilang provider ng Lifeline na naglalaan ng serbisyo ng telepono sa mga Tribal land.

Anong mga benepisyo ang available sa pamamagitan ng programa sa suporta ng Lifeline para sa mga Tribal land?

Para sa mga konsyumer na may mababang kita na naninirahan sa mga Tribal land, nagbibigay ang Lifeline ng buwanang diskwento na hanggang $34.25 mula sa halaga ng mga serbisyong kwalipikado (wireline man o wireless). Binubuo ang diskwentong ito nang hanggang $9.25 para sa kwalipikadong broadband o mga naka-bundle na serbisyo o hanggang $5.25 para sa serbisyo sa telepono (na available sa lahat ng kwalipikadong subscriber na may mababang kita sa buong Estados Unidos) at hanggang sa karagdagang $25 sa pinahusay na suporta (na available lang sa mga kwalipikadong subscriber na may mababang kita na naninirahan sa mga Tribal land). Naglalaan ang ilang estado ng karagdagang buwanang diskuwento sa pamamagitan ng sarili nilang mga programa sa Lifeline.

Nagbibigay ang Tribal Lands Link Up sa mga kwalipikadong subscriber na naninirahan sa mga Tribal land ng isang one-time na diskwento na hanggang $100 sa paunang pag-install o pag-activate ng serbisyo ng telepono sa kanilang pangunahing tirahan. Para sa mga singil sa pagsisimula ng serbisyo na hanggang $200, nagbibigay din ang Link Up ng isang ipinagpaliban, walang interes na plano sa pagbabayad sa subscriber nang hanggang isang taon. Maaaring humiling ang mga subscriber ng Link Up nang isang beses para sa bawat pagbabago ng address ng kanilang pangunahing tirahan (bahay). Inilalaan lamang ang suporta sa Tribal Link Up sa mga carrier na nagtatayo ng imprastraktura sa mga Tribal land, kaya hindi lahat ng carrier ay maaaring magbigay ng diskwento sa kanilang bayad sa pag-activate. Maaaring alamin ng mga konsyumer sa kanilang provider ng Lifeline kung nag-aalok sila ng Link Up

Anong mga limitasyon ang mayroon sa Lifeline at Link Up?

Ipinagbabawal ng mga tuntunin ng gobyerno ang pagtanggap ng mga kwalipikadong konsyumer na may mababang kita ng higit sa isang serbisyo ng Lifeline nang magkasabay. Halimbawa, maaaring makatanggap ang mga kwalipikadong subscriber na may mababang kita ng Lifeline na diskwento sa alinman sa isang telepono sa bahay o isang wireless na serbisyo ng telepono, ngunit hindi sila maaaring makatanggap ng Lifeline na diskwento sa parehong serbisyo nang magkasabay.

Bukod pa rito, isang serbisyo ng Lifeline lamang ang maaaring makuha bawat sambahayan. Binibigyang-kahulugan ang "sambahayan" bilang sinumang indibidwal o grupo ng mga indibidwal na magkasamang nakatira sa parehong tirahan bilang isang ekonomikong yunit. Ang isang "ekonomikong yunit" ay binibigyang-kahulugan bilang "lahat ng indibidwal na nasa hustong gulang na nag-aambag at nakikibahagi sa kita at mga gastusin ng isang sambahayan."

Available ang suporta sa Lifeline sa mga kwalipikadong subscriber na may mababang kita na naninirahan sa mga group living na pasilidad. Maaaring ipakita ng mga aplikante sa Lifeline sa unang pag-enroll sa programa na ang sinumang ibang Lifeline recipient na naninirahan sa kanilang tirahan ay bahagi ng isang hiwalay na sambahayan. Katulad nito, ipinagbabawal ng mga tuntunin ng gobyerno ang pagtanggap ng mga kwalipikadong konsyumer na may mababang kita ng higit sa isang diskwento sa Tribal Link Up sa isang pangunahing tirahan.

Mga Madalas na Itinatanong

Ano ang kasalukuyang benepisyo sa ilalim ng programa ng Lifeline?

Ang Lifeline na diskwento para sa mga kwalipikadong subscriber ay hanggang $9.25 bawat buwan para sa kwalipikadong buwanang broadband o mga naka-bundle na serbisyo na nakakatugon sa mga minimum na pamantayan para sa serbisyo ng broadband. Ang diskwento para sa mga kwalipikadong subscriber ay hanggang $5.25 para sa buwanang serbisyo na kwalipikado lamang para sa mga minimum na pamantayan para sa serbisyo ng pagtawag. Maaaring ilapat ang diskwento sa alinman sa wireline o wireless na mga serbisyo.

Ano ang pinahusay na halaga ng benepisyo para sa mga Tribal land?

Hanggang $25 sa pinahusay na suporta, bukod pa sa karaniwang benepisyo, ay available sa mga kwalipikadong subscriber na may mababang kita na naninirahan sa mga Tribal land.

Paano ko malalaman kung kwalipikado ako?

Makikita mo kung kwalipikado ka para sa serbisyo ng Lifeline sa pamamagitan ng pagsusuri sa impormasyon na available sa lifelinesupport.org.

Paano ako makakapag-aplay?

Mayroong ilang opsyon upang mag-aplay para sa Lifeline. Maaari kang mag-aplay nang direkta sa pamamagitan ng National Verifier online portal ng mga programa ng Lifeline (lifelinesupport.org), o sa pamamagitan ng pagpapadala ng papel na form ng aplikasyon (available sa National Verifier online portal pagkatapos mong tukuyin ang iyong estado).

Maaari ka ring mag-aplay sa programa sa pamamagitan ng pakikipagtulungan sa isang provider ng serbisyo ng Lifeline nang personal sa isang lokasyon ng tindahan o sa online sa pamamagitan ng website ng provider ng serbisyo, kung mayroon sila ng ganitong opsyon. Upang mahanap ang isang provider ng Lifeline sa iyong estado, pumunta sa https://cnm.universalservice.org/.

Para sa anumang tanong tungkol sa proseso ng aplikasyon ng Lifeline, tawagan ang toll-free na numero ng USAC para sa Lifeline Support Center sa 1 (800) 234-9473, o mag-email sa LifelineSupport@usac.org.

Anong dokumentasyon ang kailangan kong ibigay kapag nag-aaplay ako para sa serbisyo ng Lifeline?

Maaaring kailanganin ng mga konsyumer na magbigay ng dokumentasyon kung hindi awtomatikong makumpirma ng National Verifier ang kanilang pagiging kwalipikado sa pamamagitan ng pag-check sa database ng pagiging kwalipikado sa mga programa (halimbawa, SNAP, Medicaid, atbp.). Kabilang sa mga tinatanggap na dokumentasyon upang i-verify ang pagiging kwalipikado batay sa paglahok sa isang kwalipikadong programa ay ang kamakailang (may petsa sa loob ng nakaraang 12 buwan): statement ng mga benepisyo mula sa isang kwalipikadong programa; liham ng abiso ng paglahok sa kwalipikadong programa; mga dokumento ng paglahok sa programa (o kopya); o ibang opisyal na dokumento ng isang kwalipikadong programa. Makikita ang mas detalyadong impormasyon tungkol sa tinatanggap na dokumentasyon sa: https://www.lifelinesupport.org/documents-needed/ .

Kabilang sa tinatanggap na dokumentasyon para sa pag-verify ng pagiging kwalipikado sa kita ay: tax return ng estado, pederal o Tribal sa nakaraang taon; kasalukuyang statement ng kita mula sa isang employer o paycheck stub; Veterans Administration statement of benefits; statement ng mga benepisyo sa pagreretiro o pensiyon; Unemployment or Workers' Compensation statement of benefits; liham ng abiso ng pederal o Tribal sa pakikilahok sa General Assistance; o divorce decree, child support award, o iba pang opisyal na dokumento na naglalaman ng impormasyon sa kita. Dapat magpakita ang subscriber ng parehong uri ng dokumentasyon na sumasaklaw sa 3 magkakasunod na buwan sa loob ng nakaraang 12 buwan, kung ang dokumentasyon ay hindi sumasaklaw sa isang buong taon ng kita. Makikita ang mas detalyadong impormasyon tungkol sa tinatanggap na dokumentasyon sa: https://www.lifelinesupport.org/documents-needed/.

Kung hindi makumpirma ang iyong pagiging kwalipikado nang awtomatiko o sa pamamagitan ng anumang dokumentasyong ibibigay mo, hindi ka makakapag-enroll o maaaring maalis ka sa programa ng Lifeline.

Maaari ba akong makakuha ng higit sa isang serbisyo na may diskwento?

Hindi. Ipinagbabawal ng mga tuntunin ng gobyerno ang pagtanggap ng mga kwalipikadong subscriber na may mababang kita ng higit sa isang Lifeline na diskwento bawat sambahayan. Ang isang kwalipikadong subscriber ay maaaring makatanggap ng diskwento sa alinman sa isang wireline o wireless na serbisyo ng pagtawag (ngunit hindi pareho), o sa broadband o naka-bundle na serbisyo. Kung ikaw o sinuman sa iyong sambahayan ay kasalukuyang tumatanggap ng higit sa isang buwanang serbisyo ng Lifeline, dapat kang pumili ng isang provider na magbibigay ng iyong serbisyo sa Lifeline at umalis sa pagkaka-enroll sa serbisyo ng Lifeline mula sa kabilang provider. Maaari ka ring makipag-ugnayan sa Lifeline Support Center ng USAC para sa tulong sa 1-800-234-9473 o lifelinesupport@usac.org. Huwag magbahagi ng anumang sensitibong personal na impormasyon sa email. Ang mga subscriber na napatunayang lumalabag sa tuntunin na isang diskwento lamang para sa isang sambahayan ay maaari ding sumailalim sa mga kriminal at/o sibil na parusa

Paano binibigyang-kahulugan ang "sambahayan" para sa mga layunin ng programa ng Lifeline?

Binibigyang-kahulugan ang "sambahayan" bilang sinumang indibidwal o grupo ng mga indibidwal na magkasamang nakatira sa parehong tirahan bilang isang ekonomikong yunit. Ang isang "ekonomikong yunit" ay binibigyang-kahulugan bilang "lahat ng indibidwal na nasa hustong gulang na nag-aambag at nakikibahagi sa kita at mga gastusin ng isang sambahayan." Gayunpaman, available ang suporta ng Lifeline sa mga kwalipikadong subscriber na may mababang kita na naninirahan sa mga group living na pasilidad. Maaaring hilingin sa mga aplikante ng Lifeline na sagutan ang isang one-per-household na worksheet, na nagtatanong tungkol sa iyong sambahayan upang matukoy kung mayroong higit sa isang sambahayan sa iyong address.

Ang Lifeline Eligibility Pre-Screening tool na available sa https://www.lifelinesupport.org ay makakatulong sa iyo na matukoy kung sino ang miyembro ng iyong sambahayan.

Gaano kadalas na kailangan kong i-verify ang aking pagiging kwalipikado?

Isang beses kapag nag-enroll ka, at isang beses bawat taon habang ikaw ay may serbisyo na suportado ng Lifeline

Maaari kang maging hindi kwalipikado para sa Lifeline kung nadagdagan ang iyong kita, hindi ka na lumalahok sa isang kwalipikadong programa ng benepisyo ng gobyerno, o ang ibang tao sa iyong sambahayan ay makakakuha ng serbisyo ng Lifeline. Kung hindi ka na kwalipikado, dapat kang makipag-ugnayan kaagad sa iyong provider para umalis sa pagkaka-enroll mula sa programa. Kung hindi, maaari kang mapatawan ng mga parusa. Maaari ka ring makipag-ugnayan sa Lifeline Support Center ng USAC para sa tulong sa 1-800-234-9473 o sa pamamagitan ng email sa lifelinesupport@usac.org. Huwag magbahagi ng anumang sensitibong personal na impormasyon sa email.

Paano kung mayroon akong libreng Lifeline?

Kung nakakatanggap ka ng serbisyo ng Lifeline nang libre, hinihiling sa iyo ng mga tuntunin ng programa ng Lifeline na gamitin ang iyong serbisyo kada 30 araw upang mapanatili mo ang iyong benepisyo, bilang karagdagan sa pagsunod sa lahat ng iba pang tuntunin para sa programa ng Lifeline.

Sino ang maaari kong kontakin kung mayroon akong isyu sa isang mobile phone o iba pang hardware na ibinigay ng aking provider ng serbisyo sa Lifeline?

Hindi nagbibigay ang FCC ng subsidiya sa anumang hardware na nauugnay sa programa ng Lifeline, kung saan kabilang ang mga mobile phone na ibinigay ng isang provider ng serbisyo sa isang kostumer ng Lifeline. Kung nagkakaroon ka ng mga problema sa iyong mobile phone o iba pang hardware na nauugnay sa iyong serbisyo sa Lifeline, mangyaring direktang makipag-ugnayan sa iyong provider ng serbisyo.

Sino ang kokontakin ko kung may kapansanan ako at gusto ko ng tulong sa pag-aaplay para sa Lifeline??

Kung isa kang taong may kapansanan at kailangan mo ng tulong sa iyong aplikasyon sa Lifeline, makipag-ugnayan sa Sentro ng Suporta ng Lifeline sa lifelinesupport.org o tumawag sa 800-234-9473.

Kung may kapansanan ka at nangangailangan ng tulong sa iyong aplikasyon sa Lifeline, makipag-ugnayan sa Lifeline Support Center sa lifelinesupport.org o tumawag sa 800-234-9473. Kung mayroon kang tanong tungkol sa kung naa-access ang iyong serbisyo at equipment ng Lifeline, makipag-ugnayan sa Disability Rights Office ng FCC sa 202-418-2517 para sa isang voice phone call, sa 844-432-2275 sa pamamagitan ng videophone, o sa pamamagitan ng email sa DRO@fcc.gov.

Upang panoorin ang isang ASL video tungkol sa Lifeline, bisitahin ang: https://youtu.be/wwkjVrd5xHc.

I-report ang Panloloko

Ang Enforcement Bureau ng FCC ay mayroong sariling Lifeline Fraud Tip Line – 1-855-4LL-TIPS (o 1-855-455-8477) – at isang email address – Lifelinetips@fcc.gov – upang mapadali ang pagre-report ng posibleng pandaraya sa programa.

Magbigay ng mas maraming detalye hangga't maaari, kasama ang pangalan at impormasyon sa pakikipag-ugnayan ng mga indibidwal na kasangkot at ang mga kompanyang ginagamit nila upang makatanggap ng serbisyo sa telepono na sinusuportahan ng Lifeline.

Outreach

Tungkol sa Linggo ng Digital Connectivity at Kamalayan Tungkol sa Lifeline

Ang Federal Communications Commission, National Association of Regulatory Utility Commissioners (NARUC), at National Association of State Utility Consumer Advocates (NASUCA) ay nagtutulungan mula noong 2005 upang isulong ang outreach sa programa ng Lifeline at, sa nakalipas na dalawang taon, ang Affordable Connectivity Program (ACP). Ang layunin ay upang mabigyan ng impormasyon at mga mapagkukunan ang mga entidad ng estado, lokal, at Tribal para matiyak na alam ng mga konsyumer na may mababang kita ang tungkol sa mga programa at nauunawaan ang mga kinakailangan para sa paglahok

Mga Outreach Media Contact ng Konsyumer sa Digital Connectivity at Kamalayan Tungkol sa Lifeline

 

Date Last Updated/Reviewed:

Mga Kahilingan para sa Alternatibong Format

Maaaring humiling ang mga taong may kapansanan sa paningin ng mga bersyon sa braille, may malaking print, o magagamit sa screen-reader ng artikulong ito sa pamamagitan ng anyong email sa fcc504@fcc.gov (sa English). Para sa audio at iba pang access, gamitin ang link na "I-explore ang Mga Opsyon sa Accessibility."

 

Help Center ng Consumer

Matuto tungkol sa mga isyu ng consumer - bisitahin ang Help Center ng Consumer ng FCC sa fcc.gov/consumers. Nasa wikang Ingles ang web page)

 

Maghain ng Reklamo sa FCC

Maghain ng Reklamo sa FCC

Pumunta sa aming Center sa Pagrereklamo ng Consumer sa consumercomplaints.fcc.gov (nasa wikang Ingles ang web page) upang maghain ng reklamo o sabihin sa amin ang nangyari sa iyo.