Ang Serbisyo ng Paghahatid ng Mga Telekomunikasyon o TRS (Telecommunications Relay Service) ay isang serbisyo sa telepono na nagbibigay-daan sa mga taong may mga kapansanan sa pandinig o pagsasalita na makagawa at makatanggap ng mga tawag sa telepono sa wikang Ingles o Spanish. Available ang TRS sa lahat ng 50 estado, sa District of Columbia, Puerto Rico at sa mga teritoryo ng U.S. para sa mga lokal at/o pangmalayuang tawag. Ang mga provider ng TRS – na sa pangkalahatan ay mga kumpanya ng telepono – ay bayad para sa mga gastusin ng paghahatid ng TRS mula sa alinman sa pondo ng estado o pederal na pamahalaan. Walang babayaran ang user ng TRS.

Paano gumagana ang TRS?

Gumagamit ang TRS ng mga operator, na tinatawag na mga assistant sa pakikipag-ugnayan (mga CA), upang mapabilis ang mga pagtatawagan sa telepono ng taong may mga kapansanan sa pandinig at pananalita at ng iba pang indibidwal. Ang TRS na tawag ay maaaring simulan ng sinuman sa taong may kapansanan sa pandinig o pagsasalita, o ng taong walang naturang kapansanan. Kapag ang taong may kapansanan sa pandinig o pagsasalita ang magsisimula ng TRS na tawag, gagamit ang taong iyon ng teletypewriter (TTY) o iba pang device sa paglalagay ng text upang makatawag sa relay center ng TRS, at ibibigay sa CA ang numero ng linyang gusto niyang tawagan. Magsasagawa ang CA ng papalabas na tradisyonal na voice call sa taong iyon, pagkatapos ay magsisilbi siyang daan para sa pag-uusap, kung saan babasahin niya sa tinatawagang partido ang sinasabi sa text ng tumatawag na partido, at ipapahayag niya naman sa text ang sinasabi ng tinatawagang partido.

Anong mga uri ng TRS ang available?

May maraming uri ng TRS, depende sa mga partikular na pangangailangan ng user at sa available na kagamitan. Dapat malaman ng mga consumer na hindi nagsasalita ng wikang Ingles, na hindi obligasyon ng mga provider ng serbisyo na maghatid ng mga serbisyo ng pagsasalin.

Mga Serbisyo ng Nakabahaging Paghahatid sa Ibang Wika Bukod sa Ingles (Shared Non-English Language Relay) Dahil sa malaking bilang ng mga taong nagsasalita ng Spanish sa Estados Unidos, iniaatas ng FCC sa mga interstate na provider ng TRS na mag-alok ng tradisyonal na TRS na Spanish sa Spanish. Bagama’t hindi iniaatas ang paghahatid sa wikang Spanish sa intrastate (nasa loob ng estado) na TRS, maraming estado na may malalaking bilang ng mga nagsasalita ng Spanish ang kusang-loob na nag-aalok ng ganitong serbisyo. Pinapayagan din ng FCC na mabayaran mula sa pederal na pondo para sa TRS ang mga provider ng TRS na kusang-loob na nag-aalok ng iba pang nakabahaging interstate na TRS sa ibang wika bukod sa Ingles, gaya ng French sa French. Dapat tiyakin ng mga consumer sa mga lokal at pambansang provider ng serbisyo ang tungkol sa pagiging available ng mga naturang interstate at intrastate na serbisyo.

TRS na Text-to-Voice at nakadepende sa TTY ay isang "tradisyonal" na serbisyo sa TRS na gumagamit ng TTY upang makatawag sa CA sa relay center. Mayroong keyboard ang mga TTY at nagbibigay-daan ito sa mga taong i-type ang kanilang mga pakikipag-usap sa telepono. Binabasa ang text sa display screen at/o printout sa papel. Tumatawag ang user ng TTY sa relay center ng TRS at tina-type niya ang numero ng taong gusto niyang tawagan. Magsasagawa ang CA sa relay center ng tawag sa voice telephone patungo sa kabilang partido, at pag-uugnayin ang tawag ng dalawang partido sa pamamagitan ng pagbabasa sa text na tina-type ng user ng TTY, at pag-type naman sa sinasabi ng user ng voice telephone.

Voice Carry Over ay nagbibigay-daan sa taong may kapansanan sa pandinig, na gustong gamitin ang sarili niyang boses, na makipag-usap nang direkta sa tinatawagang partido at makatanggap ng mga tugon sa text mula sa CA. Walang pag-type na kinakailangan mula sa tumatawag na partido. Partikular na kapaki-pakinabang ang serbisyong ito sa matatandang hindi na nakakarinig, ngunit nakakapagsalita pa rin. Nagbibigay-daan ang Hearing Carry Over sa isang taong may kapansanan sa pagsasalita, ngunit gustong makarinig mismo, na makinig sa tinatawagang partido at i-type ang kanyang pakikipag-usap sa TTY. Binabasa ng CA ang mga salitang ito sa tinatawagang partido, at direktang naririnig ng tumatawag ang mga tugon mula sa tinatawagang partido.

Serbisyo ng Paghahatid na Speech-to-Speech ay ginagamit ng taong may kapansanan sa pagsasalita. Inuulit ng CA (na espesyal na sinanay sa pag-unawa ng iba’t ibang kundisyon sa pagsasalita) ang sinasabi ng tumawag sa paraang malinaw ang sinasabi ng tumatawag at mauunawaan ng partidong tinatawagan. Walang espesyal na teleponong kinakailangan. Para sa higit pang impormasyon, bisitahin ang gabay sa consumer ng Serbisyo ng Paghahatid na STS (webpage na nasa wikang Ingles).

Serbisyo ng Naka-caption na Telepono (Captioned Telephone Service) ay ginagamit ng mga taong may kapansanan sa pandinig ngunit may kaunti pang naririnig. Gumagamit ito ng espesyal na teleponong may text screen upang ipakita ang mga caption ng sinasabi sa pag-uusap ng kabilang linya. Ang naka-caption na telepono ay nagbibigay-daan sa user, na nasa isang linya, na makipag-usap sa tinatawagang partido at sabay na makinig sa kanya at magbasa ng mga caption ng sinasabi ng kabilang partido. Mayroong "two-line" na bersyon ng serbisyo ng naka-caption na telepono na nag-aalok ng mga karagdagang feature, gaya ng call-waiting, *69, pagpapasa ng tawag, at direktang pag-dial para sa serbisyo sa emergency na 911. Hindi katulad ng tradisyonal na TRS (kung saan tina-type ng CA ang sinasabi ng tinatawagang partido), inuulit o muling binibigkas ng CA ang sinasabi ng tinatawagang partido. Awtomatikong isinasalin sa text ng teknolohiya sa pagkilala ng speech ang boses ng CA, at pagkatapos ay direktang ipinapadala sa text display ng naka-caption na telepono ng user.

Serbisyo ng IP Captioned Telephone ang mga elemento ng serbisyo ng naka-caption na telepono at IP Relay. Maihahatid ang serbisyo ng IP captioned telephone sa iba’t ibang paraan, ngunit gagamit ito ng Internet – sa halip na network ng telepono – upang maihatid ang link at mga caption sa pagitan ng tumatawag na may kapansanan sa pandinig at ng CA. Nagbibigay-daan ito sa user na sabay na makinig sa, at magbasa ng text ng, sinasabi sa telepono ng kabilang partido. Magagamit ang serbisyo ng IP captioned telephone sa isang gumaganang voice telephone at computer o sa iba pang device na naka-enable ang Web nang hindi nangangailangan ng anumang espesyal kagamitan. Para sa higit pang impormasyon, bisitahin ang gabay sa consumer para sa IP CTS (webpage na nasa wikang Ingles).

Internet Protocol na Serbisyo ng Paghahatid ay isang anyo ng TRS na nakadepende sa text, na gumagamit ng Internet, sa halip na mga tradisyonal na linya ng telepono, para sa call leg sa pagitan ng taong may kapansanan sa pandinig o pagsasalita at ng CA. Kung hindi naman, ang tawag sa pangkalahatan ay pinangangasiwaan nang tulad sa tawag na TRS na nakadepende sa TTY. Maaaring gumamit ng computer o iba pang device na naka-enable ang web upang makipag-ugnayan sa CA. Hindi iniaatas ng FCC ang IP Relay, ngunit inaalok ito ng ilang provider ng TRS. Para sa higit pang impormasyon, bisitahin ang gabay sa consumer para sa Serbisyo ng IP Relay (webpage na nasa wikang Ingles).

Serbisyo ng Paghahatid gamit ang Video o Video Relay Service (VRS) – Ang uri ng TRS na ito na nakadepende sa Internet ay nagbibigay-daan sa mga taong Wikang Pasenyas sa Amerika ang pangunahing wika, na makipag-ugnayan sa CA sa ASL sa pamamagitan ng kagamitan sa video conferencing. Sinasabi ng CA kung ano ang sinesenyas sa tinatawagang partido, at isinesenyas niya pabalik sa tumatawag ang tugon ng tinatawagang partido. Hindi iniaatas ng FCC ang VRS, ngunit inaalok ito ng ilang provider ng TRS. Nagbibigay-daan ang VRS sa pagdaloy ng pag-uusap sa malapit na real time at sa mas mabilis at mas natural na paraan kumpara sa TRS na nakadepende sa text. Simula Enero 1, 2006, ang mga provider ng TRS na nag-aalok ng VRS ay dapat maghatid ng VRS nang 24 na oras sa isang araw, pitong araw sa isang linggo, at dapat sumagot ng mga papasok na tawag sa loob lang ng partikular na tagal ng panahon upang hindi maghintay nang matagal ang mga user ng VRS. Para sa higit pang impormasyon, bisitahin ang gabay sa consumer para sa VRS (webpage na nasa wikang Ingles).

Pag-access sa TRS gamit ang 711

Tulad ng pagtawag mo sa 411 para sa impormasyon, maaari kang tumawag sa 711 upang makakonekta sa ilang partikular na uri ng TRS saanman sa Estados Unidos. Sa pamamagitan ng pagtawag sa 711, mas nagiging madali para sa mga bumibiyahe na gamitin ang TRS dahil hindi na sila mahihirapang tandaan ang mga numero ng TRS sa bawat estado. Gayunpaman, dahil sa mga limitasyon sa teknolohiya, hindi available ang pag-access gamit ang 711 para sa mga uri ng TRS na nakadepende sa Internet (VRS at IP Relay).

Para sa higit pang impormasyon, bisitahin ang gabay sa consumer para sa 711 (webpage na nasa wikang Ingles).

Mga mandatoryong minimum na pamantayan para sa TRS

Dapat mag-alok ang mga provider ng TRS ng serbisyong nakatutugon sa mga partikular na mandatoryong pamantayang itinakda ng FCC. Kasama rito ang:

  • Ang CA na sumasagot o nagsasagawa ng TRS na tawag ay dapat manatili sa linya sa loob nang hindi bababa sa 10 minuto upang maiwasan ang mga pagkaantala sa user ng TRS (15 minuto para sa mga STS na tawag);
  • Ang karamihan ng uri ng TRS ay dapat maging available 24 na oras sa isang araw, pitong araw sa isang linggo;
  • Dapat sagutin ng mga provider ng TRS sa loob ng 10 minuto ang 85 bahagdan ng lahat ng tawag (ngunit mayroong ibang mga panuntunan sa bilis ng pagsagot para sa VRS);
  • Dapat gawin ng mga provider ng TRS ang lahat ng pagsisikap upang mapagbigyan ang hinihiling ng user ng TRS na kasarian ng CA;
  • Pinagbabawalan ang mga CA na sadyaing baguhin o ihayag ang nilalaman ng inihatid na pag-uusap, at sa pangkalatahan ay dapat nilang ihatid ang lahat ng pag-uusap nang berbatim, maliban na lang kung partikular na humihiling ng pagbubuod ang user;
  • Dapat tiyakin ng mga provider ng TRS ang pagkakumpidensyal ng user at hindi maaaring magtabi ang mga CA (may limitadong pagbubukod para sa STS) ng talaan ng mga nilalaman ng anumang pag-uusap;
  • Dapat ihatid ang pakikipag-usap nang real time;
  • Dapat magkaroon ang mga CA ng minimum na bilis sa pag-type para sa mga tawag na nakadepende sa text at kinakailangang mga kwalipikadong tagasaling-wika ang mga CA para sa VRS;
  • Para sa karamihan ng uri ng TRS, dapat ay mapangasiwaan ng provider ang mga tawag na pang-emergency (911) at maipasa ang mga ito sa naaangkop na serbisyong pang-emergency;
  • Naitakda na ang mga pamamaraan sa pangangasiwa ng tawag na pang-emergency para sa lahat ng uri ng TRS.

Maaari ding i-access ng mga user ng serbisyo ng Voice over Internet Protocol (VoIP) ang mga serbisyo ng paghahatid sa pamamagitan ng pag-dial sa 711.

Huwag ibaba ang telepono!

Nagbababa ng telepono ang ilang tao para sa mga tawag na TRS dahil iniisip nilang telemarketer ang CA. Kung sa pagsagot mo ng telepono ay may marinig kang, "Hello. Ito ang serbisyo sa paghahatid…", mangyaring huwag ibaba ang telepono! Makakausap mo, sa pamamagitan ng provider ng TRS, ang taong may kapansanan sa pandinig, hirap makarinig, o may kapansanan sa pagsasalita.

Para sa higit pang impormasyon

Para sa higit pang impormasyon sa mga programa ng FCC na nagsusulong ng pag-access sa mga serbisyo ng telekomunikasyon para sa mga taong may mga kapansanan, bisitahin ang website ng Disability Rights Office ng FCC (webpage na nasa wikang Ingles).

 

Date Last Updated/Reviewed:

Mga Kahilingan para sa Alternatibong Format

Maaaring humiling ang mga taong may kapansanan sa paningin ng mga bersyon sa braille, may malaking print, o magagamit sa screen-reader ng artikulong ito sa pamamagitan ng anyong email sa fcc504@fcc.gov (sa English). Para sa audio at iba pang access, gamitin ang link na "I-explore ang Mga Opsyon sa Accessibility."

 

Help Center ng Consumer

Matuto tungkol sa mga isyu ng consumer - bisitahin ang Help Center ng Consumer ng FCC sa fcc.gov/consumers. Nasa wikang Ingles ang web page)

 

Maghain ng Reklamo sa FCC

Maghain ng Reklamo sa FCC

Pumunta sa aming Center sa Pagrereklamo ng Consumer sa consumercomplaints.fcc.gov (nasa wikang Ingles ang web page) upang maghain ng reklamo o sabihin sa amin ang nangyari sa iyo.