U.S. flag

An official website of the United States government

Dot gov

Official websites use .gov
A .gov website belongs to an official government organization in the United States.

SSL

Secure .gov websites use HTTPS
A lock ( ) or https:// means you’ve safely connected to the .gov website. Share sensitive information only on official, secure websites.

Mga FAQ sa Pagsusulit sa WEA

Ano ang dapat kong malaman tungkol sa paparating na WEA test na isasagawa sa buong bansa sa Oktubre 4, 2023?

Ang FEMA, sa pakikipagtulungan sa FCC, ay magsasagawa sa buong bansa ng isang test para sa mga Wireless Emergency Alert at Emergency Alert System mga bandang 2:20 p.m. sa Miyerkules, Oktubre 4, 2023. Ipapadala ang WEA alert test sa mga mobile phone sa buong bansa. Makikita rito ang mga karagdagang detalye: https://www.fcc.gov/document/fema-and-fcc-plan-nationwide-emergency-alert-test-oct-4-2023

Sino ang makakatanggap ng WEA test message na ipapadala sa buong bansa sa Oktubre 4?

Karamihan, ngunit hindi lahat ay makakatanggap ng WEA test message sa kanilang mga mobile phone. Upang makatanggap ng test message:

  • Dapat na mayroon kang mobile device na compatible sa WEA. (Ang ilang mas lumang mobile phone ay hindi nakakatanggap ng mga WEA alert.)
  • Dapat na naka-on ang iyong device.
  • Hindi dapat nasa "airplane mode" ang iyong device.
  • Ang iyong device ay dapat nasa loob ng saklaw na lugar ng isang cell tower at nakakatanggap ng signal mula sa cell tower na iyon.
  • Ang iyong device ay dapat nasa lugar kung saan nakikilahok ang wireless provider sa WEA.

Bilang karagdagan, maaaring hindi maidispley ng ilang mas lumang telepono ang alert kung ang user ay nasa isang tawag o gumagamit ng data.

Kailangan ko bang mag-opt in para makatanggap ng WEA test message na ipapadala sa buong bansa?

Hindi. Sa WEA test na isasagawa sa buong bansa, magpapadala ang FEMA ng isang test na Pambansang Alert. Sa ilalim ng WARN Act, ang mga kalahok na wireless carrier ay maaaring magbigay sa kanilang mga subscriber ng kakayahang i-block ang lahat ng WEA maliban sa mga Pambansang Alert. Bagaman posibleng mag-opt out sa iba pang uri ng WEA, gaya ng mga babala tungkol sa paparating na banta at nawawalang mga bata, mahigpit na hinihimok ng FCC ang publiko na manatiling naka-opt in upang matanggap ang lahat ng mensaheng ito na nakakapagligtas-buhay.

Ang Wireless Emergency Alert system ay isang mahalagang bahagi ng pagiging handa ng Amerika sa emergency. Mula nang ilunsad ito noong 2012, ginamit ang WEA system nang higit sa 84,000 beses upang babalaan ang publiko tungkol sa mapanganib na lagay ng panahon, nawawalang mga bata, at iba pang kritikal na sitwasyon – lahat sa pamamagitan ng mga alert sa mga compatible na cell phone at iba pang mobile device.

WAng WEA ay isang pampublikong system para sa kaligtasan na nagbibigay-daan sa mga kostumer na mayroong mga compatible na mobile device na makatanggap ng mga mensaheng katulad ng text na naka-target ayon sa lugar, na nagbibigay-babala sa kanila tungkol sa mga paparating na banta sa kaligtasan sa lugar nila. Binibigyang-daan ng WEA ang mga opisyal ng gobyerno na ipadala lamang ang mga emergency alert sa mga partikular na lugar na apektado - halimbawa, sa lower Manhattan sa New York.

Ang WEA ay naitatag noong 2008 dahil sa Warning, Alert and Response Network (WARN) Act, at nag-operate ito simula noong 2012.

Ang mga kompanya na naghahatid ng wireless na serbisyo ay nagboluntaryong lumahok sa WEA, na resulta ng isang natatanging pampubliko/pribadong pakikipagtulungan sa pagitan ng Federal Emergency Management Agency, ang FCC, at ang industriya ng wireless sa Estados Unidos, upang mapahusay ang pampublikong kaligtasan.

Mga FAQ tungkol sa WEA

Paano gumagana ang WEA?

Nagpapadala ang mga awtorisadong awtoridad na pambansa, pang-estado, o ng lokal na gobyerno ng mga alert tungkol sa mga emergency sa pampublikong kaligtasan – tulad ng masamang lagay ng panahon, nawawalang mga bata, o ang pangangailangang lumikas – gamit ang WEA. Nagpapadala ang mga awtorisadong opisyal ng pampublikong kaligtasan ng mga WEA alert sa pamamagitan ng Integrated Public Alert and Warning System (IPAWS) ng FEMA sa mga kalahok na wireless carrier, at sila naman ang nagpapadala ng mga alert sa mga compatible na mobile device sa apektadong lugar.

Sino ang nakakatanggap ng mga alert?

Bino-broadcast ang mga alert sa lugar na apektado ng isang emergency. Nangangahulugan ito na kung ang isang alert ay ipinadala sa isang zone sa New York, ang mga mobile device na WEA-capable sa zone na iyon ay makakatanggap ng alert, kahit na roaming o bumibisita sila mula sa ibang estado. Sa madaling salita, makakatanggap ang isang kostumer na bumibisita mula sa Chicago ng mga alert sa New York hangga't ang ang kanyang mobile device na naka-enable ang WEA ay nasa alert zone.

Magkano ang binabayaran ng mga konsyumer para makatanggap ng WEA?

Libre ang mga alert. Hindi nagbabayad ang mga kostumer para makatanggap ng WEA.

Kailangan bang mag-sign up ng mga konsyumer upang makatanggap ng mga alert?

Hindi kailangang mag-sign up ng mga konsyumer para sa serbisyong ito. Pinapayagan ng WEA ang mga opisyal ng gobyerno na magpadala ng mga emergency alert sa lahat ng subscriber na may mga device na WEA-capable kung ang kanilang wireless carrier ay kalahok sa programa.

Anong mga alert ang inihahatid ng WEA?

Sumasaklaw lamang ang mga WEA alert sa mga kritikal na emergency na sitwasyon. Makakatanggap ang mga konsyumer ng apat na uri ng alert:

  1. Mga "Pambansang Alert" na ibinibigay ng Pangulo ng Estados Unidos o ng Administrator ng FEMA;
  2. Mga alert sa "Paparating na Banta" na kinasasangkutan ng mga paparating na banta sa kaligtasan o buhay;
  3. Mga "AMBER Alert" tungkol sa mga nawawalang bata; at
  4. Mga "Mensahe sa Pampublikong Kaligtasan" na nagbibigay ng mga rekomendasyon para sa pagliligtas ng mga buhay at ari-arian.

Maaaring pahintulutan ng mga kalahok na carrier ang mga konsyumer na i-block ang lahat maliban sa mga Pambansang Alert.

Ano ang nararanasan ng mga konsyumer kapag nakakatanggap sila ng WEA?

Lumilitaw ang isang WEA alert sa screen ng handset ng tumatanggap bilang isang mensaheng katulad ng text. Ang alert ay may kasamang isang natatanging attention signal at vibration, na talagang nakakatulong sa mga taong may kapansanan sa pandinig o paningin.

Makakatanggap ba ang mga konsyumer ng mga WEA sa isang prepaid na telepono?

Oo. Maaaring makatanggap ng mga WEA ang mga konsyumer na may mga prepaid na telepono hangga't kalahok ang kanilang provider sa WEA at ang kostumer ay may device na naka-enable ang WEA. Natatanggap ng mga konsyumer na ito ang mga alert gaya ng mga kostumer na gumagamit ng postpaid na buwanang serbisyo.

Sinusubaybayan ba ng WEA ang aking lokasyon?

Hindi. Ang WEA ay hindi ginawa para subaybayan - at hindi ito nagbabantay - ng lokasyon ng sinumang tumatanggap ng WEA alert.

Ang mga WEA ba ay mga text message?

Hindi. Pinili ng maraming provider na magpadala ng mga WEA gamit ang teknolohiyang hiwalay at naiiba sa mga voice call at SMS text message.

Kailangan ba ng mga konsyumer ng bagong telepono o smart phone para makatanggap ng mga alert?

Dapat alamin ng mga konsyumer sa kanilang wireless carrier ang tungkol sa availability ng mga handset na WEA-capable. Bukod dito, ang CTIA, isang wireless trade association, ay naglalathala ng mga listahan ng mga teleponong WEA-capable na inilalaan ng pinakamalalaking wireless provider.

Available ba ang WEA kahit saan?

Ang pakikilahok sa WEA ng mga wireless carrier ay laganap ngunit boluntaryo. Maaaring maglaan ang ilang carrier ng WEA sa lahat o mga bahagi ng kanilang mga lugar ng serbisyo o sa lahat o ilan lang sa kanilang mga wireless na device. Maaaring hindi maglaan ng WEA ang ibang carrier. Kahit na mayroon kang device na naka-enable ang WEA, hindi ka makakatanggap ng mga WEA sa isang lugar ng serbisyo kung saan hindi naglalaan ang provider ng WEA o kung naka-roaming ang iyong device sa isang network ng provider na hindi sumusuporta sa serbisyo ng WEA. Dapat alamin ng mga konsyumer sa kanilang mga wireless carrier ang saklaw ng kanilang paglalaan ng WEA.

Maaari bang i-block ng mga konsyumer ang mga WEA?

Bahagya lamang. Ang mga kalahok na wireless carrier ay maaaring magbigay sa mga subscriber na may mga handset na WEA-capable ng kakayahang i-block ang mga alert tungkol sa mga paparating na banta sa kaligtasan ng buhay at/o mga AMBER Alert. Hindi maaaring i-block ng mga konsyumer ang mga Pambansang Alert.

Bakit hindi magagawang i-block ng mga konsyumer ang mga Pambansang Alert?

Sa pagpasa sa WARN Act, pinahintulutan ng Kongreso ang mga kalahok na wireless carrier na magbigay sa mga konsyumer ng kakayahang i-block ang lahat ng WEA maliban sa mga Pambansang Alert.

Paano malalaman ng mga subscriber kung naglalaan ang kanilang carrier ng WEA?

Hinihiling ng FCC sa lahat ng wireless carrier na hindi lumalahok sa WEA na abisuhan ang mga kostumer. Dapat alamin ng mga konsyumer sa kanilang mga wireless carrier ang saklaw ng kanilang paglalaan ng WEA.

Kakatanggap lang ng aking kaibigan ng isang WEA sa kanyang cell phone, ngunit wala akong natanggap. Nasa iisang lokasyon kami. Bakit hindi ako nakatanggap ng WEA?

Upang makatanggap ng WEA message, dapat na WEA-capable ang iyong handset, naka-on, hindi nasa "airplane mode," at nasa paligid ng at tumatanggap ng serbisyo mula sa cell tower ng isang wireless carrier na nakikilahok sa WEA.

Maaaring maglaan ang ilang kalahok na carrier ng WEA sa ilan, ngunit hindi sa lahat, ng kanilang mobile device. Dapat alamin ng mga konsyumer sa kanilang mga wireless carrier kung ang kanilang cell phone ay WEA-capable.

Gaano katumpak sa pagtukoy ng lokasyon ang WEA?

Ang katumpakan ng pagtukoy ng lokasyon ng WEA ay patuloy na humuhusay. Noong inilunsad ang programa ng WEA, karaniwang kinakailangan ng mga kalahok na wireless provider na magpadala ng mga alert sa isang lugar na hindi lalagpas ang laki sa county o mga county na apektado ng emergency. Pagkatapos, simula noong 2017, kinakailangang magpadala ng mga kalahok na wireless provider ng mga alert sa isang lugar na pinakamalapit na tumutukoy sa lugar na apektado ng emergency, kahit na ito ay mas maliit kaysa sa isang county. Ngayon, simula noong Disyembre 2019, ang mga kalahok na wireless provider ay dapat mas mahusay at mas espesipiko na magpadala ng mga alert sa mga modernong compatible na telepono: dapat nilang ihatid ang mga alert sa lugar na tinukoy ng pinagmumulan ng alert na hindi lalampas sa 1/10 ng isang milya mula sa tinukoy na lugar.

Umaasa ang "pinahusay na geotargeting" na ito sa bagong teknolohiya ng smartphone at lalong magiging available kapag in-upgrade ng mga konsyumer ang mga device nila. Tinatantya ng CTIA, isang wireless association sa Estados Unidos, na mga 83 porsiyento ng smartphone ng mga konsyumer ang sumusuporta sa pagpapahusay na ito noong 2023, isang pagtaas mula sa humigit-kumulang 60 porsiyento noong 2022, 34 na porsiyento noong 2021, at 18 porsiyento noong 2020. Ang mga teleponong compatible sa WEA na hindi sumusuporta sa pinahusay na geotargeting ay makakatanggap pa rin ng mga alert batay sa mga kinakailangan sa heograpikong lugar ng 2017.

Ano ang tungkulin ng FCC sa WEA?

Ang WARN Act ay nag-utos sa FCC na pagtibayin ang mga kinakailangan sa teknikal at pagpapatakbo para sa serbisyo ng WEA. Ang mga wireless carrier na lumalahok sa WEA ay dapat sumunod sa mga tuntunin ng FCC tungkol sa WEA.

Nagpapadala ba ng mga alert ang FCC?

Hindi, hindi nagpapadala ang FCC ng mga alert. Kabilang sa mga pinagmumulan ng alert ng WEA ang iba pang ahensya ng gobyerno (tulad ng National Weather Service) at mga awtoridad ng estado at lokal na gobyerno. Ang mga alert mula sa mga awtorisadong opisyal ng pampublikong kaligtasan ay ipinapadala sa pamamagitan ng IPAWS system ng FEMA sa mga kalahok na wireless carrier.

Kanino ako makikipag-ugnayan para sa mga tanong tungkol sa kung paano gumagana ang WEA sa aking wireless na device?

Para sa mga tanong tungkol sa kung paano gumagana ang WEA sa mga partikular na device, alamin sa iyong wireless provider.

Paano ko malalaman kung ang aking wireless na telepono o mobile device ay maaaring tumanggap ng mga WEA message?

Dapat alamin ng mga kostumer sa kanilang provider ng wireless na serbisyo kung ang kanilang cell phone o mobile device ay WEA-capable. Hindi lahat ng provider ng wireless na serbisyo ay naglalaan ng WEA, at ang ilang kalahok na provider ng wireless na serbisyo ay maaaring naglalaan ng WEA sa ilan, ngunit hindi lahat, ng kanilang mobile device, at sa ilan, ngunit hindi lahat, ng kanilang mga lugar ng serbisyo.

Pagiging accessible at WEA

Impormasyon sa Pagiging Accessible ng mga Wireless Emergency Alert sa mga Taong May mga Kapansanan

Mga alternatibong format

Upang hilingin ang artikulong ito sa isang alternatibong format - braille, malalaking print, Word o text na dokumento o audio - sumulat o tumawag sa amin sa address o numero ng telepono sa ibaba ng page, o magpadala ng email sa fcc504@fcc.gov.

Karagdagang informasiyon

Background sa Patakaran ng WEA

Date Last Updated/Reviewed:

Mga Kahilingan para sa Alternatibong Format

Maaaring humiling ang mga taong may kapansanan sa paningin ng mga bersyon sa braille, may malaking print, o magagamit sa screen-reader ng artikulong ito sa pamamagitan ng anyong email sa fcc504@fcc.gov (sa English). Para sa audio at iba pang access, gamitin ang link na "I-explore ang Mga Opsyon sa Accessibility."

 

Help Center ng Consumer

Matuto tungkol sa mga isyu ng consumer - bisitahin ang Help Center ng Consumer ng FCC sa fcc.gov/consumers. Nasa wikang Ingles ang web page)

 

Maghain ng Reklamo sa FCC

Maghain ng Reklamo sa FCC

Pumunta sa aming Center sa Pagrereklamo ng Consumer sa consumercomplaints.fcc.gov (nasa wikang Ingles ang web page) upang maghain ng reklamo o sabihin sa amin ang nangyari sa iyo.