Ang ng Emergency na Benepisyo sa Broadband ay isang pansamantalang programa ng FCC para tulungan ang mga sambahayan na nahihirapang makayanan ang serbisyo sa internet sa gitna ng pandemya. Nakikipagtulungan ang FCC sa mga tao at organisasyon upang maipaalam ang tungkol sa Emergency na Benepisyo sa Broadband. Magagamit ng publiko ang mga materyal sa ibaba. Puwede mong i-download at i-customize ang mga materyal para matugunan ang iyong mga pangangailangan, kabilang ang paglalagay ng iyong logo para sa mag-cobrand.
Maaaring mag-enroll ang mga kwalipikadong sambahayan sa pamamagitan ng aprubadong provider o sa pamamagitan ng pagpunta sa GetEmergencyBroadband.org.
Para matuto pa tungkol sa programa o para maging partner, bisitahin ang www.fcc.gov/pang-emergency-na-benepisyo-sa-broadband.
Kung mayroon kang mga tanong tungko sa alinman sa mga materyal sa ibaba, mangyaring makipag-ugnayan sa broadbandbenefit@fcc.gov (sa English).
Halimbawang Content ng Kampanya sa Kamalayan
Mga Resource sa Web
- FAQ ng Consumer - Mga tanong at sagot sa pagiging kwalipikado, kung paano mag-apply, paglahok sa mga provider ng serbisyo, benepisyo ng konektadong device, benepisyo ng Tribo, at tagal ng programa.
- Tool sa Paghahanap ng Mga Kalahok na Provider - Maghanap ng mga provider ng serbisyo sa broadband na iniaalok ang Emergency na Benepisyo sa Broadband sa iyong estado o teritoryo.
- Hub ng Impormasyon para sa Consumer ng Emergency na Benepisyo sa Broadband
- GetEmergencyBroadband.org (sa English) - Ang website kung saan makakapag-apply ang mga consumer para sa benepisyo.
Logo ng Emergency na Benepisyo sa Broadband ng FCC