Inirerekomenda ng FCC at FEMA ang sumusunod na mga tip para sa pakikipag-ugnayan sa panahon ng emergency, kasama kung paano maghanda para sa isang emergency at ano ang gagawin kapag walang network ng komunikasyon.

Para panoorin ang video na ito nang may mga caption, pindutin ang i-play, mag-click sa icon ng mga setting, pagkatapos ay i-click ang "Mga Subtitle/CC" at pumili sa mga available na wika.

I-download ang PSA

Nagpaplano nang maaga

Sa isang Outage

Mga Karagdagang Online na Mapagkukunan

Paghahanda para sa isang emergency

  1. Alamin kung Paano Maaaring Makaapekto sa Iyong Serbisyo ng Landline ang Mga Pagkawala ng Kuryente

    Alamin kung anong uri ng serbisyo ng landline na telepono ang mayroon ka. Inihahatid ba sa iyo ang serbisyo ng telepono sa pamamagitan ng mga broadband na koneksyon, gaya ng Voice over Internet Protocol (VoIP), o ito ba ay tradisyonal na serbisyo ng landline na telepono na karaniwang pinapagana sa pamamagitan ng mga copper na kawad ng telepono? Magtanong sa iyong service provider kung hindi ka sigurado.

    Kapag nawalan ng kuryente, hindi magagamit ang serbisyo ng telepono na pinapagana ng broadband nang walang baterya o iba pang backup na pinagmumulan ng kuryente. Kung mayroon kang baterya, pana-panahon itong suriin, alamin kung gaano katagal ang dapat abutin nito, alamin kung paano ito palitan, at pag-isipang ang pagkakaroon ng reserba na maaari mong i-charge bago dumating ang isang bagyo. Kung wala kang baterya o iba pang backup na pinagmumulan ng kuryente, magtanong sa iyong provider kung saan ka makakabili nito.

    Kung mawawalan ka ng kuryente, at hindi mo kailangang gamitin kaagad ang telepono, maaari mong alisin ang baterya upang maiwasan ang pagkaubos ng power nito at ikabit itong muli kapag kailangan mong sumagot o magsagawa ng mga tawag. Kapag bumalik na ang kuryente, ikabit muli ang baterya upang muli itong mag-charge.

    Maaaring gumana ang tradisyonal na serbisyo ng telepono kapag nawalan ng kuryente, pero maaaring kailanganin mong gumamit ng "nakakurdong" telepono. Maraming cordless na telepono sa tahananang nakadepende sa kuryente para gumana.

  2. I-charge ang Iyong Wireless na Telepono, Laptop, o Tablet kung May Bagyong Paparating

    Pag-isipan ding magtabi ng mga dagdag na baterya, solar charger, at/o car charger na magagamit kaagad.

    Kung sakaling mawawalan ng kuryente, maaari kang makakonekta sa internet gamit ang secure na WiFi, kung may magagamit na ganito sa malapit. Maaari mo ring gamitin ang iyong na-charge na laptop o tablet upang muling i-charge ang mga wireless na telepono sa pamamagitan ng pagkonekta sa mga device gamit ang isang USB cable, ngunit kung gagawin ito, maaaring maubusan ng power ang baterya ng iyong computer.

  3. Maging Handa sa Pagsubaybay ng Mga Broadcast ng Balita at Emergency Kapag Nawalan ng Kuryente

    Isaalang-alang ang pagkakaroon ng radyo o portable na telebisyong pinapagana ng baterya upang malaman ang mga broadcast ng balita para sa impormasyon sa emergency kapag walang kuryente. Tiyaking mayroon kang mga na-charge o bagong baterya kapag kinailangan ang mga ito. Maaari ka ring bumili ng radyo na pinapagana sa pamamagitan ng solar o pagpapaikot ng crank, na magagamit din upang mag-charge ng mga cell phone, ngunit dapat mo munang basahin ang manual ng tagubilin.

  4. Gumawa ng Plano ng Pakikipag-ugnayan sa Panahon ng Emergency ng Pamilya

    Pumunta sa Ready.gov (nasa wikang Ingles) at gumawa ng plano sa pakikipag-ugnayan sa panahon ng emergency ng pamilya (nasa wikang Ingles).

  5. Mag-sign Up upang Makatanggap ng Mga Alerto at Babala

    Mag-sign up upang makatanggap ng mga alerto at babala sa iyong telepono o mobile device mula sa iyong lokal na pamahalaan, paaralan at/o pinagtatrabahuan. Madaragdagan ng mga lokal na alertong ito ang mga Wireless na Alerto sa Emergency na matatanggap mo sa iyong mobile phone at ang mga alerto ng Mga System ng Alerto sa Emergency na matatanggap mo sa telebisyon o radyo.

  6. Gumawa ng Contact sa "In Case of Emergency" (Kung Magkakaroon ng Emergency) sa Iyong Wireless na Telepono

    Maglagay ng kahit isang contact para sa emergency sa ilalim ng "In Case of Emergency” (Kung Magkakaroon ng Emergency) o "ICE" para sa lahat ng mobile phone at device. Makakatulong ito sa isang tao na matukoy ang iyong contact para sa emergency kung kinakailangan Maglagay ng impormasyon ng contact sa sambahayan at contact para sa emergency sa lahat ng mobile phone o device ng mga miyembro ng sambahayan.

  7. Ipabatid sa Iyong Contact para sa Emergency ang tungkol sa Mga Medikal na Isyu

    Ipabatid sa iyong contact para sa emergency ang tungkol sa anumang maaaring medikal na isyu mo o iba pang kinakailangan.

  8. Gumawa ng Mga Pang-emergency na Listahan ng Grupo sa Mga Mobile Phone at Device

    Gumawa ng listahan ng grupo sa lahat ng mobile phone at device kung saan nakalagay ang mga taong kakailanganin mong makaugnayan kapag nagkaroon ng emergency o sakuna.

  9. Isulat ang Mga Mahalagang Numero ng Telepono

    Isulat ang mga numero ng telepono para sa mga serbisyo ng emergency, utility, service provider, medikal na provider, manggagamot ng mga hayop, kumpanya ng insurance, at iba pang serbisyo.

  10. Tiyakin na Alam ng Pamilya at Iba Mo Pang Contact kung Paano Magpadala ng Mga Mobile Text

    Tiyakin na alam ng mga miyembro ng sambahayan at ng iyong mga contact sa labas ng lungsod kung paano magte-text kung mayroon silang mobile phone o device.

  11. I-download ang FEMA App

    I-download ang FEMA App (available sa Ingles at Spanish) para sa mga mapagkukunan sa panahon ng sakuna at upang makatanggap ng mga alerto sa lagay ng panahon, tip na pangkaligtasan, at paalala para mapanatag ka at mapaghandaan mo ang hindi inaasahan. Ang FEMA App ay nagbibigay ng nako-customize na checklist ng mga pang-emergency na supply at direksyon papunta sa mga bukas na shelter. Maaari ka ring magtakda ng mga paalala na magsagawa ng mahahalagang hakbang para ihanda ang iyong tahanan at pamilya sa mga sakuna, gaya ng pagpapalit ng mga baterya ng iyong smoke detector at pagsasanay ng mga plano ng paglikas mula sa sunog. Available para ma-download ang FEMA App sa iTunes App Store at Google Play.

Sa panahon ng emergency

  1. Limitahan ang Mga Hindi Pang-emergency na Tawag sa Telepono

    Mababawasan nito ang congestion sa network at magbabakante ito ng "espasyo" para sa mga pakikipag-ugnayan sa panahon ng emergency. Kung may kailangan kang tawagan, sikaping bilisan at ibigay lang ang mahalagang impormasyon sa tauhan para sa emergency at/o sa kapamilya. Kapag nilimitahan ang mga tawag, makakatipid din sa power ng baterya ng cell phone.

  2. Subukang Mag-text na lang sa mga Sitwasyong Hindi Emergency

    Para sa mga sitwasyong hindi emergency, subukan ang pagte-text ng mensahe mula sa iyong wireless na telepono. Maaaring maipadala ang mga text message sa ibang mga wireless na device kapag hindi makapasok ang iyong tawag, ngunit maaaring magkaroon ng pagkaantala sa paghahatid kapag mayroong congestion sa network (Maaari ka ring mag-text sa 911 sa ilang partikular na lokasyon, kaya alamin nang maaga ang pagiging available nito.)

  3. Isaayos ang Iyong Wireless na Telepono upang Makatipid ng Baterya

    Tingnan ang iyong wireless na device o manual para sa mga paraan upang makatipid ng baterya, gaya ng pag-dim sa liwanag ng iyong display screen at pag-disable ng ilang partikular na application. Kung nahihirapan kang i-access ang iyong wireless na network, pag-isipang kumonekta sa serbisyo ng WiFi kung nakakagamit ng WiFi ang iyong telepono. Kung apektado ang wireless na network sa iyong lugar at wala kang nakikitang signal bar sa telepono mo, pag-isipang i-off ang iyong telepono upang maiwasan ang pagkaubos ng power ng baterya dahil sa paghahanap ng telepono ng magagamit na wireless na signal.

  4. Tumawag Lang sa 911 para sa mga Emergency

    Alamin at gamitin ang nakatalagang numero sa iyong estado para sa mga aksidente sa highway o iba pang insidenteng walang banta sa buhay.

  5. Maghintay Nang 10 Segundo Bago Muling I-dial ang Mga Tawag na Hindi Nakakakonekta

    Kapag maraming beses na muling nagda-dial ng wireless na tawag nang mabilis at sunod-sunod, maaaring madagdagan ang congestion sa network, na lalong naglilimita sa kakayahan ng lahat ng user na makagawa ng mga tawag. Kung kailangan mong makatawag, maghintay sandali sa pagitan ng iyong mga pagtatangkang makatawag.

  6. Kung Lumikas, Ipasa ang Iyong Numero sa Bahay papunta sa Iyong Wireless na Telepono

    Kung mayroon kang pagpapasa ng tawag sa isang landline na telepono sa bahay, pag-isipang ipasa ang mga tawag na iyon sa iyong wireless na numero kung sakaling lilikas. Makakatulong ito sa iyo na patuloy na makatanggap ng mga papasok na tawag sa iyong numero ng telepono sa bahay.

Mahalagang Paalala para sa Kaligtasan

Kung wala kang kuryente sa iyong tahanan at ginagamit mo ang iyong sasakyan upang mag-charge ng mga wireless na telepono o makinig sa mga balita sa radyo ng sasakyan, maging maingat. Huwag subukang pumunta sa iyong sasakyan kung hindi ito ligtas, at manatiling alisto sa emisyon ng carbon monoxide mula sa sasakyan mo, lalo na kung nasa saradong espasyo ito.

Date Last Updated/Reviewed:

Mga Kahilingan para sa Alternatibong Format

Maaaring humiling ang mga taong may kapansanan sa paningin ng mga bersyon sa braille, may malaking print, o magagamit sa screen-reader ng artikulong ito sa pamamagitan ng anyong email sa fcc504@fcc.gov (sa English). Para sa audio at iba pang access, gamitin ang link na "I-explore ang Mga Opsyon sa Accessibility."

 

Help Center ng Consumer

Matuto tungkol sa mga isyu ng consumer - bisitahin ang Help Center ng Consumer ng FCC sa fcc.gov/consumers. Nasa wikang Ingles ang web page)

 

Maghain ng Reklamo sa FCC

Maghain ng Reklamo sa FCC

Pumunta sa aming Center sa Pagrereklamo ng Consumer sa consumercomplaints.fcc.gov (nasa wikang Ingles ang web page) upang maghain ng reklamo o sabihin sa amin ang nangyari sa iyo.