ACP Web Banner Wind Down

Magtatapos ang mga Enrollment sa Pebrero 7, 2024

Ang Affordability Connectivity Program ay hihinto sa pagtanggap ng mga bagong aplikasyon at enrollment sa Pebrero 7, 2024. Ang mga mamimili ay dapat maaprubahan at ma-enroll sa isang service provider 11:59 pm ET sa Pebrero 7 upang matanggap ang benepisyo ng ACP.


Paano ako makakapag-sign up para sa Programang Abot-Kayang Koneksyon?

Maaaring mag-enroll ang mga kwalipikadong sambahayan sa pamamagitan ng aprubadong provider o pagbisita sa AffordableConnectivity.gov.

Direkta ko bang matatanggap ang mga pondo bawat buwan?

Hindi, nagbibigay ang Programang Abot-Kayang Koneksyon ng buwanang diskwento sa serbisyo ng internet na hanggang sa $30 kada kwalipikadong sambahayan (o hanggang $75 kada kwalipikadong sambahayan sa mga Tribal land). Direktang matatanggap ng kalahok na provider ng serbisyo ng broadband ang mga pondo.

Aling mga provider ng internet ang kalahok sa Programang Abot-Kayang Koneksyon?

Lalahok sa Programang Abot-Kayang Koneksyon ang iba’t ibang provider ng internet, kabilang iyong nag-aalok ng mga serbisyo ng landline at wireless. Depende sa kung saan ka nakatira, maaaring magkaroon ka ng mga pagpipiliang provider. Makipag-ugnayan sa mga provider ng serbisyo ng internet sa iyong lugar upang malaman ang tungkol sa kanilang mga plano para sa paglahok sa programa. Makikita mo ang listahan ng mga kalahok na provider ayon sa estado at teritoryo sa webpage na ito, www.fcc.gov/affordable-connectivity-program-providers.

Ano ang pinalaking halaga ng benepisyo para sa mga residente ng mga Tribal Land?

Makakatanggap ang mga kwalipikadong sambahayan sa mga Tribal land ng kabuuang buwanang diskwento na hanggang $75. Malalaman mo ang higit pa tungkol sa kung aling mga lugar ang mga kwalipikadong Tribal land sa pamamagitan ng pagbisita sa site na ito: AffordableConnectivity.gov/do-i-qualify/enhanced-tribal-benefit/.

Pagiging Kwalipikado

Sino ang kwalipikado para sa Programang Abot-Kayang Koneksyon?   

Kwalipikado ang isang sambahayan kung natutugunan ng isang miyembro ng sambahayan ang kahit isa sa mga pamantayan sa ibaba:

  • Mayroong kita na nasa o wala pang 200% ng mga pederal na alituntunin sa kahirapan;
  • Kalahok sa ilang partikular na programa ng tulong, gaya ng SNAP, Medicaid, Federal Public Housing Assistance, SSI, WIC, o Lifeline;
  • Kalahok sa mga programang partikular sa Tribu, gaya ng Pangkalahatang Tulong ng Bureau of Indian Affairs, Tribal TANF, o Programang Pamamahagi ng Pagkain sa Mga Indian Reservation;
  • Aprubadong makatanggap ng mga benepisyo sa ilalim ng programang libre at mas murang tanghalian sa paaralan o sa programang almusal sa paaralan, kabilang ang sa pamamagitan ng Community Eligibility Provision ng USDA sa taong pampaaralan na 2019-2020, 2020-2021, o 2021-2022;
  • Nakatanggap ng Pederal na Pell Grant sa kasalukuyang taon ng paggawad; o
  • Nakatutugon sa mga pamantayan sa pagiging kwalipikado para sa kasalukuyang programa para sa may mababang kita ng kalahok na provider

Maaari ba akong mag-apply para sa Programang Abot-Kayang Koneksyon kung may nakaraang balanse pa ako sa provider?  

Oo, kwalipikado para sa benepisyo ang mga kwalipikadong consumer na may nakaraang balanse pa o may balanse pang babayaran.

Maaari ba akong mag-sign up para sa Programang Abot-Kayang Koneksyon kung isa na akong customer o kung dati akong customer?  

Oo, magagamit ang benepisyo ng mga kwalipikadong bago, dati na at kasalukuyang customer ng mga kalahok na provider.

Maaari ba kaming magkaroon ng roommate ko ng kanya-kanyang buwanang diskwento?  

Limitado ang Programang Abot-Kayang Koneksyon sa isang buwanang diskwento sa serbisyo kada sambahayan, na inilalarawan bilang sinumang indibidwal o grupo ng mga indibidwal na magkasamang naninirahan sa parehong address at naghahati sa kita at mga gastusin. Alamin ang higit pa at tingnan ang isang worksheet ng sambahayan sa AffordableConnectivity.gov/do-i-qualify/what-is-a-household/

Ano ang Lifeline at paano ako magiging kwalipikado?  

Ang Lifeline ay programa ng FCC upang makatulong na gawing mas abot-kaya ang mga serbisyo ng mga komunikasyon para sa mga consumer na mababa ang kita. Para makalahok sa programang Lifeline, dapat magkaroon ang mga consumer ng kita na nasa o wala pang 135% ng mga pederal na alituntunin sa kahirapan o kalahok dapat sila sa ilang partikular na pederal na programa ng tulong, gaya ng Supplemental Nutrition Assistance Program (SNAP), Medicaid, Federal Public Housing Assistance, Supplemental Security Income, Veterans and Survivors Pension Benefit, o ilang partikular na Programa para sa Tribu. Alamin kung kwalipikado ka sa pamamagitan ng pagbabasa sa impormasyong makikita sa lifelinesupport.org (i-click ang "Kwalipikado Ba Ako?").

Kung nakakatanggap na ako ng mga benepisyo ng Lifeline, awtomatiko ko bang matatanggap ang Programang Abot-Kayang Koneksyon?  

Hindi. Dapat kang mag-opt in sa iyong kasalukuyang provider o humiling na ma-enroll sa Programang Abot-Kayang Koneksyon sa kalahok na provider ng internet at pumili ng kwalipikadong plano ng serbisyo. Maaari mong piliing matanggap ang benepisyo mula sa iyong kasalukuyang provider ng serbisyo ng Lifeline o mula sa ibang kalahok na provider.

Maaari ko bang matanggap nang sabay ang mga benepisyo ng Programang Abot-Kayang Koneksyon at benepisyo ng Lifeline?  

Oo. Maaari mo ring isama ang mga benepisyong ito sa ibang benepisyo ng estado at lokal na benepisyo kung saan available. Maaaring i-apply ang mga ito sa parehong kwalipikadong serbisyo o nang magkahiwalay sa isang serbisyo ng Lifeline at isang serbisyo ng Programang Abot-Kayang Koneksyon sa iisa o magkaibang provider. Halimbawa, maaaring magkaroon ang isang kwalipikadong sambahayan ng serbisyo ng mobile phone na suportado ng Lifeline at hiwalay na serbisyo ng internet sa bahay na suportado sa pamamagitan ng Programang Abot-Kayang Koneksyon.

Ang lahat sa paaralan ng anak ko ay nakakatanggap ng libreng almusal at tanghalian. Kwalipikado ba kami?  

Maaaring mag-enroll ang isang sambahayan sa Programang Abot-Kayang Koneksyon kung kalahok ang paaralan nito sa Community Eligibility Provision o hiwalay na nag-apply ang sambahayan at naaprubahan ito para sa mga benepisyo sa programang libre at mas murang tanghalian sa paaralan o programang almusal sa paaralan. Kung nag-aalok ang paaralan ng libreng tanghalian o almusal sa lahat ng mag-aaral anuman ang kita batay sa isang programang bukod sa Community Eligibility Provision - gaya ng sa pamamagitan ng mga waiver sa COVID-19 na nag-e-extend ng Seamless Summer Option (SSO) o Summer Food Service Program (SFSP) - hindi magiging kwalipikado ang sambahayan sa pamamagitan ng programang libre at mas murang tanghalian sa paaralan o programang almusal sa paaralan bilang resulta ng extension ng SSO o SFSP.

Nakatira ako sa isang multi-unit na tirahan (halimbawa, isang gusaling apartment) at nagbabayad kami sa tagapamahala ng ari-arian/nagpapaupa ng buwanang bayarin para sa aming internet. Maaari ba akong kumuha ng benepisyo ng Programang Abot-Kayang Koneksyon?  

Oo. Kung kwalipikado ka para sa Programang Abot-Kayang Koneksyon, kausapin ang iyong tagapamahala ng ari-arian/nagpapaupa at hilinging makipagtulungan siya sa kanyang provider ng serbisyo ng internet upang malaman ang higit pa tungkol sa mga benepisyong maaaring magamit mo at ng iba pang kwalipikadong residente.

Kalahok ako dati sa programa ng provider para sa may mababang kita, pero hindi na ako naka-enroll sa programang iyon. Kwalipikado ba ako sa Programang Abot-Kayang Koneksyon dahil sa dating pakikilahok ko sa programang iyon?  

Alamin sa provider ang higit pang impormasyon tungkol sa kung kwalipikado ka para sa Programang Abot-Kayang Koneksyon.

Magagamit ko ba ang serbisyo at ang device kung mayroon akong kapansanan?   

Naa-access at nagagamit ng mga taong may mga kapansanan ang mga serbisyo at device. Kung mayroon kang anumang alalahanin tungkol sa kung naa-access ang iyong serbisyo ng internet at kagamitan, makipag-ugnayan sa tanggapan para sa Mga Karapatan ng May Kapansanan sa 202-418-2517 para sa voice phone call, sa 844-432-2275 sa pamamagitan ng videophone, o sa pamamagitan ng email sa DRO@fcc.gov.

Paano Mag-apply

Paano ako makakapag-apply?

Dalawang Hakbang para Mag-enroll

  1. Pumunta sa AffordableConnectivity.gov para magsumite ng aplikasyon o mag-print ng aplikasyong ipapadala sa pamamagitan ng koreo.
  2. Makipag-ugnayan sa iyong napiling kalahok na provider para pumili ng plano ng serbisyo at ipalapat ang diskwento sa iyong bill.

May pasasagutan sa iyong alternatibong aplikasyon ang ilang provider.

Dapat gawin ng mga kwalipikadong sambahayan ang parehong pag-apply para sa programa at pakikipag-ugnayan sa kalahok na provider para pumili ng plano ng serbisyo.

Maaari ba akong direktang mag-apply sa isang provider?  

Ang ilang kalahok na provider ay naaprubahan ng FCC na gumamit ng alternatibong proseso sa pag-verify at magagawa nilang direktang aprubahan at i-enroll ang mga kwalipikadong sambahayan. Makipag-ugnayan nang direkta sa iyong napiling provider para malaman ang tungkol sa kanilang proseso ng aplikasyon.

Kailangan ko bang makipag-ugnayan sa aking napiling provider pagkatapos maaprubahan ang aplikasyon ko?  

Oo, kung nag-apply ka online sa AffordableConnectivity.gov o sa pamamagitan ng koreo at naaprubahan ka, kailangan mong makipag-ugnayan sa iyong napiling provider ng serbisyo at pumili ng plano ng serbisyo upang masimulang matanggap ang buwanang diskwento sa iyong bill. Kung gusto mong ilapat ang diskwento sa serbisyo sa iyong kasalukuyang provider ng serbisyo ng internet, kakailanganin mong makipag-ugnayan sa iyong provider pagkatapos maaprubahan ang aplikasyon mo.

Kung magsusumite ako ng aplikasyon sa pamamagitan ng koreo, paano ko malalaman kung naaprubahan ako at kailan ako maaaring makipag-ugnayan sa provider upang masimulang matanggap ang benepisyo?  

Kung magsusumite ka ng aplikasyon sa Sentro ng Suporta ng Programang Abot-Kayang Koneksyon sa pamamagitan ng koreo, makakatanggap ka ng mga update sa koreo tungkol sa status ng iyong aplikasyon (o sa pamamagitan ng email kung nagbigay ka ng email address sa iyong aplikasyon) . Halimbawa, makikipag-ugnayan sa iyo ang USAC kung may mga karagdagang impormasyon o dokumento na kailangan at kung naaprubahan ang iyong aplikasyon. Kapag natanggap mo na ang abiso na kwalipikado ka para sa Programang Abot-Kayang Koneksyon, maaari kang mag-sign up para sa serbisyo sa isang kalahok na provider sa pamamagitan ng pagsunod sa mga tagubiling ibinigay sa email o liham na nagkukumpirma ng pag-apruba sa iyo.

Kailangan ko bang mag-apply kung kasalukuyan akong tumatanggap ng mga benepisyo ng Lifeline?  

Kung kasalukuyan kang naka-enroll sa Lifeline, karaniwang hindi mo kailangang mag-apply nang hiwalay para sa Programang Abot-Kayang Koneksyon. Maaari kang makipag-ugnayan sa iyong kasalukuyang provider ng Lifeline o sa ibang kalahok na provider ng Programang Abot-Kayang Koneksyon na nagseserbisyo sa iyong lugar para pumili ng plano ng serbisyo. Maaaring hilingin ng ilang kalahok na provider na kumpletuhin ng mga kasalukuyang tumatanggap ng Lifeline ang isang alternatibong proseso ng pag-verify.

Paano inilalarawan ang "sambahayan" para sa mga layunin ng Programang Abot-Kayang Koneksyon?

Ang "sambahayan" ay tumutukoy sa sinumang indibidwal o grupo ng mga indibidwal na magkakasamang naninirahan sa iisang address bilang isang pang-ekonomiyang yunit. Ang isang "pang-ekonomiyang yunit" ay tumutukoy sa "lahat ng indibidwal na nasa hustong gulang na nag-aambag at nagbabahagi sa kita at mga gastusin ng sambahayan." Available ang suporta ng Programang Abot-Kayang Koneksyon sa mga kwalipikadong subscriber na mababa ang kita at nakatira sa mga pasilidad para sa panggrupong paninirahan. Maaaring pasagutan sa mga aplikante ang isa kada sambahayan na worksheet, na may mga tanong tungkol sa iyong sambahayan upang matukoy kung may mahigit sa isang sambahayan sa iyong address. Ang Programang Abot-Kayang Koneksyon ay limitado sa isang buwanang diskwento sa serbisyo at diskwento sa isang nakakonektang device kada sambahayan. Alamin ang higit pa sa AffordableConnectivity.gov/do-i-qualify/what-is-a-household

Anong dokumento ang kailangan kong ibigay kapag nag-apply ako para sa Programang Abot-Kayang Koneksyon?

Kakailanganin ng mga consumer na magbigay ng dokumento kung hindi awtomatikong makukumpirma ang pagiging kwalipikado nila sa pamamagitan ng pagtingin sa database ng kwalipikado para sa programa (halimbawa ay SNAP o Medicaid). Kabilang sa mga dokumentong magagamit mo para patunayan ang iyong pagiging kwalipikado ang:

  • Liham ng paggawad ng benepisyo
  • Liham ng pag-apruba
  • Pahayag ng mga benepisyo
  • Liham ng pagkumpirma ng benepisyo
  • Para sa mga pederal na Pell Grant, dapat ay mula sa taon ng akademyang ito ang mga dokumento at maaaring kasama sa mga ito ang, halimbawa, mga screenshot ng dashboard ng a StudentAid.gov na malinaw na nagdodokumento sa pagtanggap ng mag-aaral ng Pell Grant sa kasalukuyang taon ng paggawad.

Maaaring kailanganin din ng mga aplikante na magbigay ng dokumento para makumpirma ang kanilang pagkakakilanlan o address.

Maaari mong malaman ang higit pa tungkol sa dokumentong maaaring kailangan mong ibigay at kung paano ito isusumite sa pamamagitan ng pagbisita sa: AffordableConnectivity.gov/how-to-apply/show-you-qualify.

Paano ko mapatutunayan na aprubado ang aking anak para sa programang libre o mas murang tanghalian o almusal sa paaralan?

May dalawang magkaibang paraan upang mapatunayang aprubado ang iyong anak.

  1. Kung pumapasok ang iyong anak sa isang paaralan na may Community Eligibility Provision (CEP), kapag nag-a-apply online, piliin ang Programang Libre at Mas Murang Tanghalian o Almusal sa Paaralan sa page Kumpirmahin Kung Kwalipikado Ka. Maaari mo nang isaad ngayon na naka-enroll ang iyong anak sa isang paaralang may CEP sa pamamagitan ng paglalagay ng pangalan ng paaralan at pag-upload ng dokumento na nagpapakitang naka-enroll sa paaralang iyon ang anak mo.

    Kasama dapat sa dokumento ang:

    • Ang pangalan ng mag-aaral (taong kwalipikado sa benepisyo)
    • Pangalan ng paaralan o ng distrito ng paaralan
    • Ang petsang tumutugma sa taong pampaaralan na 2019-2020, 2020-2021, o 2021-2022

    Kasama sa mga halimbawa ng tinatanggap na dokumento ang report card ng anak o isang liham mula sa paaralan o distrito ng paaralan na nagsasaad sa pagkaka-enroll ng anak. Hindi sapat ang mga pangkalahatang abiso ng paaralan kung saan hindi nakalagay ang pangalan ng taong kwalipikado sa benepisyo para maka-enroll sa programang nakabatay sa CEP.

  2. Ang mga sambahayan na nag-apply nang hiwalay para sa, at naaprubahang tumanggap ng mga benepisyo sa ilalim ng programang libre at mas murang tanghalian sa paaralan o programang almusal sa paaralan ay maaari ding mag-apply online sa pamamagitan ng pagpili sa Programang Libre at Mas Murang Tanghalian o Almusal sa Paaralan sa page na Kumpirmahin Kung Kwalipikado Ka. Kakailanganin mo ring magsumite ng dokumento, gaya ng liham mula sa paaralan o distrito ng paaralan na nagkukumpirmang aprubado ang anak o dependent ng sambahayan na makatanggap ng libre at mas murang tanghalian sa paaralan o almusal sa paaralan.

Maaari mong malaman ang higit pa tungkol sa dokumentong maaaring kailangan mong ibigay at kung paano ito isusumite sa pamamagitan ng pagbisita sa: AffordableConnectivity.gov/how-to-apply/show-you-qualify.

Kanino ako makikipag-ugnayan kung mayroon akong kapansanan at kailangan ko ng tulong sa pag-apply para sa Programang Abot-Kayang Koneksyon?

Kung isa kang taong may kapansanan at nangangailangan ng tulong sa iyong aplikasyon sa Programang Abot-Kayang Koneksyon, makipag-ugnayan sa Sentro ng Suporta ng Programang Abot-Kayang Koneksyon sa AffordableConnectivity.gov, sa pamamagitan ng email sa ACPSupport@usac.og o tumawag sa 877-384-2575.

Kung mayroon kang tanong tungkol sa kung naa-access ang iyong serbisyo at kagamitan sa Programang Abot-Kayang Koneksyon, makipag-ugnayan sa Tanggapan para sa Mga Karapatan ng May Kapansanan sa 202-418-2517 para sa voice phone call, sa 844-432-2275 sa pamamagitan ng videophone, o sa pamamagitan ng email sa DRO@fcc.gov.

Mga Diskwento sa Serbisyo ng Internet

Magkano ang gastos sa serbisyo ng broadband?  

Nagbibigay ang Programang Abot-Kayang Koneksyon ng buwanang diskwento sa serbisyo ng internet na hanggang $30 kada kwalipikadong sambahayan, o hanggang $75 kada kwalipikadong sambahayan sa mga Tribal land. Ilalapat ang diskwento sa iyong serbisyo ng internet, pero nakadepende ang pinal na gastos mo sa plano ng serbisyong pipiliin mo sa kalahok na provider.

Maaari ko bang i-upgrade ang aking kasalukuyang plano para masulit ang buong $30 kada buwan (o $75 kada buwan sa mga Tribal land)?  

Maaaring puwede mong gawin iyon. Tanungin ang iyong provider tungkol sa mga planong available sa kanila bilang bahagi ng Programang Abot-Kayang Koneksyon.

Kung ang plano ng serbisyong pinili ko ay $25 kada buwan, makukuha ko ba ang sobrang halaga?  

Hindi. Ire-reimburse lang sa provider ang halaga ng plano na hanggang $30 kada kwalipikadong sambahayan, o hanggang $75 kada kwalipikadong sambahayan sa mga Tribal land.

Kung ang planong pipiliin ko ay mahigit sa buwanang diskwento para sa serbisyo ng internet, ako ba ang magbabayad sa sobrang halaga?  

Oo. Ikaw ang responsable para sa anumang halaga na lampas sa $30 kada buwan (o lampas sa $75 kada buwan sa mga Tribal land) para sa serbisyo ng internet sa ilalim ng Programang Abot-Kayang Koneksyon.

Kasalukuyan akong naka-subscribe sa isang bundle ng mga serbisyo na may kasamang internet, TV, at telepono. Maaari ko bang i-apply ang Programang Abot-Kayang Koneksyon sa aking buwanang bill?  

Maaaring i-apply ang Programang Abot-Kayang Koneksyon sa halaga ng bundle ng mga serbisyong may kasamang internet, voice, texting at/o nauugnay na kagamitan. Kung may kasama ring serbisyo ng TV ang iyong bundle, ikaw ang responsableng magbayad ng bahaging iyon sa bill mo, gayundin sa halaga ng anumang serbisyong hindi kasama sa buwanang diskwento.

Mga Nakakonektang Device

Paano magagamit ang $100 na benepisyo sa device?

Maaaring i-reimburse sa mga kalahok na provider ng serbisyo ng internet ang hanggang $100 kung magsu-supply sila ng nakakonektang device sa isang sambahayan, sa kundisyong nagbabayad ang sambahayan ng mahigit sa $10 pero wala pang $50 para sa device. Ibig sabihin, para masulit ang benepisyong ito, dapat itong gawin sa pamamagitan ng iyong kalahok na provider ng serbisyo ng internet, at dapat na may ambag ka sa gastos. Limitado ang benepisyong device sa isang laptop, desktop computer, o tablet. Hindi kasama rito ang mga cell phone, malaking telepono, o "phablet" na nagagamit para sa mga cellular call.

Kung nasa iisang sambahayan kami ng anak ko, maaari ba kaming makakuha ng tig-isa naming nakakonektang device sa pamamagitan ng Programang Abot-Kayang Koneksyon?

Hindi. Limitado ang bawat sambahayan sa diskwento sa isang device.

Pantribu

Kailangan bang maging miyembro ng Tribu ng mga indibidwal para maging kwalipikado sila sa pinalaking Pantribung benepisyo?

Hindi. Maaaring matanggap ng sinumang nakatira sa mga kwalipikadong Tribal land ang pinalaking Pantribung benepisyo. Hindi nila kailangang maging miyembro ng Tribu.

Paano ko malalaman kung kwalipikado ang aking sambahayan para sa pinalaking Pantribung benepisyo?

Malalaman mo ang higit pa tungkol sa kung aling mga lugar ang mga kwalipikadong Tribal land sa pamamagitan ng pagbisita sa site na ito: AffordableConnectivity.gov/do-i-qualify/enhanced-tribal-benefit/.

Maaari ko bang matanggap ang parehong pinalaking Pantribung Benepisyo sa Lifeline at ang $75 sa Programang Abot-Kayang Koneksyon bawat buwan?

Oo. Maaaring matanggap ng kwalipikadong sambahayan sa mga Tribal land ang parehong $34.25 na Pantribung benepisyo sa Lifeline at ang $75 na benepisyo sa Programang Abot-Kayang Koneksyon. Maaaring gamitin ang mga ito sa parehong kwalipikadong serbisyo o nang magkahiwalay sa isang serbisyo ng Lifeline at serbisyo ng internet sa iisa o magkaibang provider sa kundisyong kalahok ang provider sa Programang Abot-Kayang Koneksyon. Halimbawa, maaaring magkaroon ang isang kwalipikadong sambahayan ng serbisyo ng mobile na suportado ng Lifeline at hiwalay na serbisyo ng internet sa bahay na suportado sa pamamagitan ng Programang Abot-Kayang Koneksyon.

Pag-transition ng Benepisyo sa Pang-emergency na Broadband

Magtatapos na ba ang Emergency Broadband Benefit Program?

Ang Emergency Broadband Benefit ay isang programang emergency na binuo bilang tugon sa pandemya ng COVID-19. Kamakailan ay pinalitan ng Kongreso ang Emergency Broadband Benefit program ng Affordable Connectivity Program, isang bago at mas mahabang panahon programa na patuloy na tutulungan ang mga pamilya at sambahayan na nahihirapan sa pagbayad sa serbisyo ng internet.

Ang mga sambahayan na naka-enrol sa Emergency Broadband Benefit Program hanggang Disyembre 31, 2021 ay patuloy na matatanggap ang kanilang kasalukuyang buwanang benepisyo hanggang Marso 1, 2022.

Alamin pa ang tungkol sa Affordable Connectivity Program sa pagbisita sa fcc.gov/ACP

Ano ang magbabago?

  • Ang pinakamataas na benepisyo ay magbabago mula $50 kada buwan at magiging $30 kada buwan para sa mga sambahayan na hindi matatagpuan sa mga kuwalipikadong Tribal land. Ang buwanang benepisyo ay mananatiling $75 para sa mga sambahayan na matatagpuan sa mga kuwalipikadong Tribal land.
  • Ang mga sambahayan ay may mga bagong paraan upang maging kuwalipikado sa Affordable Connectivity Program, tulad ng pagtanggap ng benepisyong WIC benefits o pagkakaroon ng kita na o mas mababa sa 200% ng Federal Poverty Guidelines
  • Ang mga sambahayan na kuwalipikado sa Emergency Broadband Benefit dahil sa malaking pagkawala ng kita na resulta na pagkawala ng trabaho o furlough mula Pebrero 29, 2020, o sa pagtugon sa pamantayan sa programa sa COVID-19 ng kasaling tagapagbigay ng serbisyo, ay kailangan na maging kuwalipikado muli para sa Affordable Connectivity Program. Makikipag-ugnayan sa iyong ang administrador ng programa o ang iyong tagapagbigay ng serbisyo kung kailangan mo maging kuwalipikadong muli.

Mawawala ba ang aking serbisyo ng internet kapag ang Emergency Broadband Benefit program ay magtatapos sa Disyembre 31, 2021?

Hindi ka mawawalan ng serbisyo ng internet sa Disyembre 31. Ang mga sambahayan na naka-enrol sa Emergency Broadband Benefit Program hanggang Disyembre 31, 2021 ay patuloy na matatanggap ang kanilang kasalukuyang buwanang benepisyo hanggang Marso 1, 2022. Ang iyong tagapagbigay ng serbisyo at administrador ng programa (USAC) ay magbabahagi ng mas maraming impormasyon tungkol sa pagpapalit ng programa at mga hakbang na kailangan mong gawin upang patuloy na makatanggap ng may-diskuwentong serbsiyo

Paano ako patuloy na makakatanggap ng diskuwento ng Emergency Broadband Benefit?

Wala kang kailangang gawing aksyon upang patuloy na matanggap ang iyong buwanang diskuwento sa Enero at Pebrero. Patuloy mong matatanggap ang iyong kasalukuyang buwanang benepisyo hanggang Marso 1, 2022.

Kung ako ay kuwalipikado sa Emergency Broadband Benefit dahil sa malaking pagkawala ng kita na resulta sa pagkawala ng trabaho o furlough mula Pebrero 29, 2020 o sa pagtugon sa pamantayan sa programa sa COVID-19 ng kasaling tagapagbigay ng serbisyo, paano ako magiging kuwalipikado saAffordable Connectivity Program?

Ikaw ay makakatanggap ng karagdagang detalye tungkol sa mga hakbang na kailangan mong gawin mula sa administrador ng programa o iyong tagapagbigay ng serbisyo ng internet sa Enero 2022, at bibigyan ng hindi bababa sa 30 araw upang tumugon. Kung nakipag-ugnayan sa iyo, kailangan mong magbigay ng dokumentasyon bilang patunay upang maaari kang magpatuloy sa ACP kapag ang panahon ng transisyon ay matapos Marso 1, 2022. Ikaw ay patuloy na matatanggap ang iyong buong Emergency Broadband Benefit hanggang Marso 1, 2022.

Maaari ko bang magamit ang aking benepisyo sa panahon ng transisyon (mula Disyembre 31- Marso 1) kung ako ay magpalit ng tagapagbigay ng serbsyo?

Oo, kung gusto mong ilipat ang iyong diskuwento sa Emergency Broadband Benefit sa ibang kasaling tagapagbigay ng serbisyo ng internet sa panahon ng transisyon, maaari mong magamit ang iyong Emergency Broadband Benefit hanggang Marso 1, 2022.

Kailan mababawasan ang aking buwanang benepisyo?

Patuloy mong matatanggap ang kabuuan ng iyong Emergency Broadband Benefit hanggang Marso 1, 2022. Ang mga sambahayan na kuwalipikado para sa Affordable Connectivity Program at hindi matatagpuan sa mga kuwalipikadong Tribal land ay magbabago ang benepisyo na pinakamataas na $30 kada buwan pagkatapos ng nasabing petsa.

Sa kasalukuyan ang aking buwanang bill ay sakop ng buo ng Emergency Broadband Benefit, ang Affordable Connectivity Program ba ay sakop ang aking buong buwanang bill?

Para sa mga sambahayang hindi matatagpuan sa mga kuwalipikadong Tribal land, kung ang iyong buwanang bill sa serbisyo ay mababa sa $30 kada buwan ito ay patuloy na masasakop nang buo ng Affordable Connectivity Program. Kung ang iyong bill ay nagkakahalaga ng higit sa $30 kada buwan ikaw ang magiging responsable sa nalalabing halaga. Makipag-ugnayan sa iyong tagapagbigay ng serbisyo upang malaman kung sila ay may ibang mga plan na maaaring masakop nang buo ng bagong $30 halaga ng benepisyo.

Para sa mga sambahayan sa mga kuwalipikadong Tribal land, ang halaga ng benepisyo ay mananatiling $75 kada buwan ayon sa Affordable Connectivity Program. Ang buwanang bill sa serbisyo na hanggang $75 ay patuloy na masasakop nang buong benepisyo ng Affordable Connectivity Program.

Paano nito maaapekthan ang aking buwanang bill sa internet?

Kung ikaw ay may mga katanungan tungkol sa iyong buwanang bill, kasama ang halaga ng iyong bill, panahon ng pagbabago sa iyong bill, pagbabago sa iyong service plan, atbp., mangyaring makipag-ugnayan sa iyong tagapagbigay ng serbisyo ng internet.

Kung ikaw ay may karagdagang katanungan tungkol sa transisyon sa Affordable Connectivity Program, makipag-ugnayan sa ACPSupport@USAC.org o sa 877-384-2575.

Updated:
Friday, January 19, 2024