Mga Tip at Resource ng FCC Laban sa Scam

Pinupuntirya ang mga mamimili online ng mga pekeng tawag at text ng pagpapadala ng package . Bisitahin ang Help Center ng FCC para sa Consumer para sa mga karagdagang detalye (sa English).

May impormasyon din sa Gabay sa Consumer kaugnay ng COVID-19 (sa English) ng FCC tungkol sa mga scam kaugnay ng coronavirus at kung paano mo maiiwasang maging biktima.

Binabago ng kasalukuyang pandemya sa bansa ang mga kagawian ng mga mamimili sa holiday, kung saan mas pinipili ang pamimili online mula sa kaginhawahan – at kaligtasan – ng kanilang mga tahanan at opisina kaysa sa tradisyonal na pamimili sa lokal na mall.

Gayunpaman, posibleng manamlay ang sigla ng kapaskuhan dahil nagkakaroon ng oportunidad ang mga scammer sa paglago ng pamimili online at pagdami ng seasonal na pangsi-scam.

Isinasaad sa kamakailang survey ng AARP na maaaring marami pa ang dapat matutunan ng mga consumer tungkol sa ligtas na pamimili online.  Kasama sa mga pangunahing nalaman (PDF) (sa English) sa survey na: 27 porsyento ng mga nasa hustong gulang sa U.S. ay hindi nababahala sa kaligtasan ng kanilang personal at pinansyal na impormasyon kapag namimili online; at 74 na porsyento ng mga consumer ay nagpaplanong gumamit ng mga debit card, samantalang ipinapayo ng AARP na ang mga credit card at digital wallet "ay mas magagandang opsyon para maiwasan ang pagkawala ng pera dahil sa panloloko."

Tandaang kasama sa ilang digital wallet ang peer-to-peer – o P2P – na mga opsyon sa pagbabayad. Hayagang binabalaan ng karamihan sa mga produkto para sa P2P na pagbabayad ang mga consumer na iwasan ang paggamit ng mga P2P na pagbabayad para sa pagbili ng mga produkto o serbisyo. Hindi katulad ng mga tradisyonal na bangko at credit card, kadalasang nagkukulang ang mga serbisyo ng app sa pagbabayad ng mga parehong proteksyon sa panloloko (sa English), ayon sa Consumer Finance Protection Bureau (CFPB).

Sa isang kamakailang webinar (sa English) na hinost ng FCC, binigyang-diin ng mga eksperto sa consumer mula sa Better Business Bureau (BBB) at Federal Trade Commission (FTC) (sa English) ang mga resource at tip para protektahan ang mga consumer na namimili online o gumagamit ng mga mobile device para bumili, partikular na sa holiday season. Hinihikayat ng BBB ang mga consumer na gumamit ng mga secure at traceable na transaksyon at paraan ng pagbabayad, at iminumungkahi nito sa mga consumer na maging maingat kapag nagbabayad sa pamamagitan ng mga digital wallet/P2P app (sa English), mga prepaid money card, o iba pang hindi tradisyonal na paraan ng pagbabayad. Para sa higit pang gabay sa ligtas na pamimili online ngayong holiday season, tingnan ang website ng BBB sa www.bbb.org/Holiday-Tips (sa English) .

Nag-aalok ang CFPB ng iba't ibang gabay para sa holiday tungkol sa mapagkawanggawang pagbibigay, pamimili online, payo sa pananalapi, at mga resource para maiwasan ang mga scam kaugnay ng COVID (sa English) . Binabalaan din ng FBI ang mga consumer tungkol sa mga scam ngayong holiday at kung paano maiiwasan ang mga ito sa isangkamakailang podcast (sa English).