Nakatanggap ng mga ulat ang FCC na ginagaya ng mga scammer ang numero ng Call Center para sa Consumer ng FCC na 1-888-225-5322, bilang bahagi ng robocall scam na may Chinese na wika.

Ang mga tawag na nasa wikang Chinese na tumutukoy sa, o nagpapakita ng 1-888-225-5322 (1-888-CALL-FCC) sa caller ID ay mapanlinlang, at dapat mong wakasan agad ang naturang tawag.

Hindi tumatawag at nanghihingi ng pera ang FCC. Hindi rin nakikipagtulungan ang FCC sa mga dayuhang konsul para mangolekta ng mga pangsibil o pangkriminal na multa mula sa mga indibidwal.

Tip Card
Download Spoofing Tip Card

Tandaan:

  • Huwag na huwag magbibigay – o magkukumpirma – ng personal na impormasyong gaya ng mga numero ng account, Social Security number, apelyido sa pagkadalaga ng ina, password, o iba pang nagpapakilalang impormasyon bilang tugon sa mga hindi inaasahang tawag o kung may napapansin kang kahina-hinala.
  • Kung may isang taong magtatanong sa iyo at sasabihing kinatawan siya ng isang ahensya ng pamahalaan, ibaba ang telepono at tawagan ang numero ng telepono sa website ng ahensya ng pamahalaan, o sa phone book, para makumpirma kung tunay na may hinihingi silang impormasyon.
  • Mag-ingat kung pinipilit ka sa mabilisang paghahayag ng impormasyon – isa itong tiyak na senyales ng scam.
  • Huwag kailanman magpadala ng pera gamit ang nare-reload na card o gift card.

Para sa higit pang detalye tungkol sa scam na ito, bistahin ang https://www.fcc.gov/tina-target-ang-mga-chinese-american-sa-consulate-phone-scam.  Nakasaad sa site na ito ang impormasyon tungkol sa mga diskarteng ginagamit ng masasamang tao sa buong mundo kapag sinusubukan nilang lokohin ang mga mamamayang Chinese American at Chinese na naninirahan sa ibang bansa. Ang artikulo na available din sa tradisyonal na Chinese (華裔美國人遭遇冒充領事館的電話詐騙 - https://www.fcc.gov/chinese-americans-targeted-consulate-phone-scam/chi) ay mayroong mga tip at rekomendasyon sa kung ano ang maaari mong gawin kung makakatanggap ka ng naturang tawag sa telepono. Kung sa palagay mo ay nabiktima ka ng naturang scam, iulat ito sa lokal na tagapagpatupad ng batas.

Makaraang makatanggap ng mga tawag mula sa mga consumer na nag-akalang tinawagan sila ng FCC, nag-ulat ang ahensya sa Kagarawan sa Pagpapatupad na nagsimula na sa kanilang pag-iimbestiga.

Ang mga consumer na nakatanggap ng mga ginayang tawag na sa palagay nila ay isang panloloko – sa anumang wika – ay maaaaring mag-ulat ng mga naturang tawag sa FCC. Maaaring maghain ng mga reklamo, nang walang babayaran, sa pamamagitan ng Center sa Pagrereklamo ng Consumer ng FCC (consumercomplaints.fcc.gov).  Hinihikayat ka rin naming maghain ng iyong reklamo sa FTC sa  www.ftccomplaintassistant.gov.

Makikita ang impormasyon tungkol sa impormal na proseso ng pagrereklamo ng FCC, kabilang kung paano maghain ng reklamo, at kung ano ang mangyayari pagkatapos maihain ang reklamo, sa FAQ sa Complaint Center ng FCC (www.fcc.gov/consumercomplaints/FAQs).

Matuto pa tungkol sa panggagaya ng caller ID at iba pang robocall scam sa fcc.gov/consumers.

 

 

   

 

 

Updated:
Friday, March 29, 2019