Nauugnay na Nilalaman
- Glossary ng Scam sa Telepono (sa English)
Ituring itong scam sa telepono, kahit na wala namang talagang tumatawag sa iyo.
Bagama't nagsisimula ang iyong karaniwang scam sa telepono sa pagtanggap mo ng hindi inaasahang tawag sa iyong landline o mobile phone, nagsisimula ang scam na ito sa pag-deliver sa iyo ng postcard sa pamamagitan ng US mail. Sa sitwasyong ito, hindi ka nga nakakatanggap ng hindi gustong tawag, ngunit sa halip ay maloloko sa paggawa ng palabas na tawag na malamang na pagsisihan mo.
Sa isang kamakailang reklamo na naihain sa FCC sa pamamagitan ng aming Consumer Complaint Center (sa English), inilarawan ng isang consumer ang naturang karanasan, na nagsimula noong makatanggap ng postcard na may markang "urgent, patungkol sa isang premyong nakapangalan sa akin."
Nagpatuloy ang consumer at inilarawan na tumawag siya sa toll-free na numero sa card at nakipag-usap sa isang babaeng nagsabing magpapadala siya ng $100 na voucher na puwedeng gamitin para sa pagbili sa mga tindahan at sa mga restaurant sa lugar ng consumer.
"Pagkatapos ay manghihingi sila ng para sa 'handling fee,' na babayaran sa pamamagitan ng checking account o debit card, para mapadala ito," isinulat ng consumer. "Tumanggi na ako agad, sinabi ko na kung premyong voucher ito, hindi ko kailangang magbayar para rito.
"Siyempre, dahil hindi ako nagbigay ng anumang impormasyon, hindi ko makukuha ang voucher. Naisip ko lang na dapat niyong malaman ang bagong scam na ito."
Hindi tulad ng tradisyunal na scam sa telepono, hindi nagsimula ang isang ito sa hindi gustong tawag. Ngunit ang layunin ng scammer ay gamitin ang linya ng telepono ng consumer para magsagawa ng panloloko, at pinasasalamatan namin ang mautak na consumer na ito para sa pag-flag ng scam para maibahagi namin ito sa iba para maipakalat na may ganitong scam.
Nagbabala ang Federal Trade Commission (sa English), "hindi ka pinagbabayad ng, o walang pinabibili sa iyo ang mga lehitimong sweepstakes para makasali o mapalaki ang tsansa mong manalo — kasama rito ang pagbabayad ng 'mga buwis,' 'bayarin sa shipping at handling,' o 'mga bayarin sa pagproseso' para makuha ang iyong premyo. Wala ring dahilan para ibigay sa ibang tao ang iyong checking account number o credit card number bilang tugon sa isang promo ng sweepstakes."
Kung sa tingin mo ay nakaranas ka na ng ganitong uri ng scam, puwede mo itong iulat sa FTC sa pamamagitan ng pagtawag sa 1-877-382-4357, o puwede kang maghain ng reklamo online sa ftccomplaintassistant.gov.
Puwede ka ring maghain ng reklamo sa FCC patungkol sa anumang uri ng scam sa telepono, kasama ang isang ito. Ibinabahagi ng FCC sa FTC at sa iba pang ahensyang nag-iimbestiga ng mga scam ang impormasyon ng reklamo. Para sa impormasyon tungkol sa proseso ng pagreklamo ng consumer ng FCC, bisitahin ang Consumer Complaint Center Q&A (sa English) ng FCC.
Para matuto pa tungkol sa iba't ibang uri ng scam sa telepono, lalo na iyong may kasamang robocall at pag-spoof, at paano maiwasan ang mga ito, tingnan ang FCC Scam Glossary (sa English) at Consumer Help Center (sa English).