Iba't ibang wika na ang ginagamit ng mga scammer sa telepono sa Alabama, ayon sa pangunahing utility ng kuryente ng estado.
Kamakailang iniulat ng Alabama Power, na nagseserbisyo sa 1.4 na milyong customer sa kalakhang katimugang bahagi ng estado, ang bagong modus ng scam na ilang taon nang ginagawa. Ganito iyon: tatawagan ang mga customer ng utility at sasabihan silang kailangan ng agarang pagbabayad upang makaiwas sa pagkaputol ng serbisyo, at hihikayatin silang magbayad gamit ang mga prepaid na cash card. Halos ganito pa rin ang diskarte ng mga scammer, ngunit ngayon, mayroon na ring ilan sa kanila na nagsasalita ng Spanish at nakatuon sa mga Hispanic na negosyo at restaurant, ayon sa babalang inihayag ng Attorgey General ng Alabama (sa Ingles).
Ang babala ay isang paalalang hindi limitado sa mga scammer at consumer na nagsasalita ng English ang mga scam sa telepono.
Dahil dito, matagal nang nagbibigay ng mga pagsasalin sa Spanish ang Consumer and Governmental Affairs Bureau ng FCC para sa maraming gabay sa consumer nito, kabilang ang dumaraming gabay na nakatuon sa mga panloloko, scam, at alerto.
Kamakailan lang, pinalawak namin ang aming mga pagsisikap sa pagtuturo sa consumer upang magsama ng mga pagsasalin sa Chinese, Tagalog, Vietnamese, at Korean – ang mga pinakakaraniwang wikang Asian American Pacific Islander na ginagamit sa mga sambahayang Asian American, ayon sa Census Bureau ng US.
Mahahanap mo ang lahat ng iyon dito:
- Guías en Español (Spanish)
- 消費者指南 (Chinese)
- Consumer Mga Gabay (Tagalog)
- Người tiêu dùng Hướng dẫn (Vietnamese)
- 소비자 안내서 (Korean)
Para sa higit pang impormasyon, bisitahin ang aming library ng Mga Gabay para sa Consumer, kabilang ang regular na ina-update na listahan ng mga gabay na pinakamadalas tingnan ng aming mga bisita.