U.S. flag

An official website of the United States government

Dot gov

Official websites use .gov
A .gov website belongs to an official government organization in the United States.

SSL

Secure .gov websites use HTTPS
A lock ( ) or https:// means you’ve safely connected to the .gov website. Share sensitive information only on official, secure websites.

Nakatanggap kamakailan ang matandang ina ng isang kaibigan sa Northern Virginia ng tawag mula sa isang taong nagpakilala bilang Sgt. Michael Jackson mula sa tanggapan ng sheriff ng Fairfax County, Va. Sinabi ng tumawag na gusto niyang makipag-usap sa anak ng sumagot.

Dahil natakot ang babae sa tawag, sinabi niyang wala sa bahay ang kanyang anak, na isang lalaking nasa edad 50 pataas, ngunit matatawagan siya sa kanyang numero, na ibinigay rin ng babae.

Ayon sa pamilya, tinawagan ni "Sgt. Jackson" ang anak at nag-iwan siya ng voicemail. Doon, sinabi niyang hindi nakasipot ang anak para sa grand jury duty at, dahil dito, nagpalabas ng utos para sa pag-aresto sa kanya, na may kaakibat na multang $1,400.

Sinabi pa ng tumawag na may anim pang tao na hindi nakasipot para sa jury duty at sinusubukan lang niyang hanapin silang lahat at ayusin ang problema. Iminungkahi niyang pumunta ang anak sa isang malapit na Safeway or CVS upang ipadala ang pera sa isang account ng hukuman ng county. Pagkatapos, maaaring personal na pumunta ang anak sa hukuman at doon isasauli ang ibinayad para sa multa.

Phony IRS Robocalls thumbnail image

Noong nalaman ng pulisya ng county ang tungkol dito, sinabi nilang isa itong pamilyar na scam. Dito, ang mga scammer na nagpapanggap na mga deputy ay karaniwang gumagamit ng teknolohiya ng pamemeke sa caller ID upang magmukhang mula sa isang aktwal na presinto ang kanilang mga tawag.

"Humihingi ang mga scammer ng mga gift card ng tindahan, mga prepaid na debit card o mga money order para sa mga gastusin at multa ng hukuman," ayon sa pulisya ng Fairfax para sa isang alerto.

Ayon sa Federal Trade Commission (Pederal na Komisyon sa Kalakal), karaniwan ding nagkukunwaring "mabubuting loob" ang mga naturang tumatawag, na nagsasabing nauugnay lang ang isyu sa isang pagkakamali, gaya sa kasong ito.

Gustong bigyang-diin ng pulisya ng Fairfax na "hindi ka dapat magpadala ng pera o gumamit ng mga naka-preload na debit/gift card upang magbayad ng multa.” At iyan ang dapat sundin sa buong bansa, ayon sa National Center for State Courts (Pambansang Sentro para sa Mga Hukuman ng Estado).

Kung makakatanggap ka ng katulad na tawag, ipinapayo ng mga ahensyang nagpapatupad ng batas na ibaba mo kaagad ang telepono. Huwag magbigay ng personal na impormasyon gaya ng iyong Social Security, bank account o credit card number. Dapat mo ring iulat ang tawag sa kinauukulan. 

Maghain ng reklamo sa FCC

Ang mga consumer ay maaaring maghain ng mga reklamo online tungkol sa mga isyu sa paniningil at serbisyo ng telecom, mga hindi kanais-nais na tawag, at iba pang mga alalahaning pinangangasiwaan ng FCC. Ang impormasyon tungkol sa hindi pormal na proseso ng pagrereklamo ng FCC, kasama ang gabay sa kung paano maghain ng reklamo, at kung ano ang mangyayari pagkatapos maghain ng reklamo, ay makikita sa FAQ ng FCC Complaint Center (Sentrong Pangreklamo ng FCC).