Panahon ngayon ng pagbibigay ng regalo. At para sa maraming Amerikano, ang pagbabahagi na yan ay umaabot mula sa pamilya at mga kaibigan patungo sa mga kawanggawa na donasyon, isang bagay na isinasaalang-alang ng mga kawanggawa sa panahong ito ng taon.

Sa kasamaang-palad, itinuturing ng mga scammer ang bakasyon bilang isang pagkakataong upang samantalahin ang diwa ng pagbibigay. Gumagawa sila ng mga bogus na pagtawag sa telepono – kadalasanspoofingay mga numero ng telepono ng mga lehitimong kawanggawa – o maaari pa silang lumikha ng mga pekeng kawanggawa upang subukang nakawin ang iyong pera o personal na impormasyon. Minsan ang kanilang diskarte ay kinabibilangan ng dagdag na pang-aakit, tulad ng mga kaltas sa buwis.

Huwag mong hayaang samantalahin ng mga scammer ang iyong diwa ng kawanggawa. Ang kaunting pananaliksik ay makakatulong upang matiyak na makakaabot ang iyong mga kontribusyon sa mga inilaang tatanggap.

Upang maiwasan ang mabiktima ng mga scam ng kawanggawa sa bakasyon:

  • Magbigay ng donasyon sa mga pinagkakatiwalaan at tanyag na kawanggawa. Laging beripikahin ang pagkalehitimo ng kawanggawa sa pamamagitan ng opisyal nitong website. Kung mayroon kang mga pag-aalinlangan, maaari mong suriin sa Alyansa ng Matalinong Pagbibigay ng Kagawaran sa Mas Mahusay na Negosyo (sa Ingles), Navigator ng Kawanggawa (sa Ingles), Bantay ng Kawanggawa (sa Ingles), or GuideStar (sa Ingles).
  • Isangguni sa Pambansang Asosasyon ng mga Opisyal ng Kawanggawa ng Estado (sa Ingles) kung ang mga kawanggawa ay kailangang irehistro sa inyong estado at, kung gayon, kung ang mga kawanggawa na nakikipag-ugnayan sa iyo ay nakarehistro.
  • Beripikahin ang lahat ng numero ng telepono para sa mga kawanggawa. Kung kailangan mong makipag-ugnayan sa isang kawanggawa sa pamamagitan ng telepono o sa pamamagitan ng paggamit ng text-to-donate, tingnan ang opisyal na website ng kawanggawa kung lehitimo ang numerong nasa iyo.
  • Huwag buksan ang mga kaduda-dudang email. If you receive a suspicious email requesting donations or other assistance, Kung makakatanggap ka ng kaduda-dudang email na humihingi ng mga donasyon o iba pang tulong, huwag i-click ang anumang mga link o buksan ang anumang mga attachment. Karaniwang gumagamit ang mga scammer ng email para sa mga phishing attack at upang magpakalat ng malware
  • Beripikahin ang impormasyon sa mga online na panghihingi. Suriing mabuti ang anumang paghingi sa social media para sa mga donasyong kawanggawa bago ka magbigay. Ang mga crowd-funding na website ay kadalasang nagho-host ng mga indibidwal na kahilingan para sa tulong, ngunit hindi sila laging nasusuri (sa Ingles) sa site o ibang mga sanggunian para matiyak ang pagiging lehitimo.

Marami ring mga ibang ahensiya ng pamahalaan at mga grupo ng mamimili ang naglathala ng mga alerto at mahalagang impormasyon upang magbabala tungkol sa mga scam sa pagbibigay sa kawanggawa. Narito ang ilang karagdagang sanggunian upang matulungan kang makaiwas sa pagiging biktima sa mga manloloko sa panahon ng bakasyon na ito:

Mag-inga sa spoofing

Isa pang paalala: Ang mga scammer ay kadalasang nag-i-spoof ng mga numero ng telepono na makikita sa display ng iyong caller ID upang linlangin kang tawagan ang telepono. Maaari nilang subukang i-spoof ang lehitimong numero ng kawanggawa o gamitin ang isang lokal na numero upang aakalahin mong kilala mo ang tumatawag. Huwag sagutin ang mga tawag mula sa hindi kilalang mga numero. Kung masagot mo ang gayong tawag, ibaba agad ito.

Maaaring talagang nakakakumbinsi ang mga scammer. Ipinapayo namin na mag-ingat na lang at ibaba ang mga hindi hininging pagtawag na nangangalap ng donasyon o humihingi ng personal na impormasyon upang "i-update ang mga talaan."

Alamin ang higit pa tungkol sa pag-iwas sa mga pag-spoof na scam sa fcc.gov/consumers/guides/spoofing-caller-id.

Mangyaring isaalang-alang ang pagbabahagi sa post na ito na taglay ang diwa ng panahon.

Maligayang Bakasyon mula sa FCC!

 

 

 

   

 

 

Updated:
Friday, December 13, 2019