Hindi nakaligtaan ng mga scammer ang isang desisyon ng Medicare noong nakaraang bahagi ng taong ito na ihinto ang paggamit sa mga Social Security number ng mga benepisyaro nito.
Noong Abril, sinimulan ng Medicare ang pagbibigay sa mga miyembrso ng mga natatanging labing-isang digit na account number na nagwawakas sa dating pagsalalay sa mga SSA number. Tuluy-tuloy ang transisyon sa mga bagong card at numero at nakaiskedyul itong makumpleto sa 2019.
Palaging maging alerto sa mga bagong modus, laganap ang mga scammer, at gumagawa sila ng mga bagong paraan para pagsamantalahan ang pagkalito na maaaring nauugnay sa transisyon.
Sa mga nakaraang linggo, nakatanggap ang FCC ng mga reklamo tungkol sa mga tumatawag na scammer na nagpapanggap bilang mga kinatawan ng Medicare, na karaniwang gumagamit ng pamemeke (spoofing) ng caller ID para ikubli ang kanilang pagkakakilanlan. Ang mga tawag ay maaaring live o isinasagawa gamit ang teknolohiya ng robocall.
Maaaring gumamit ang mga Medicare scammer ng iba't ibang anggulo para sa pagtangkang manakaw ang iyong pera o iyong pagkakakilanlan: Maaaring humiling ang ilang tumatawag ng bayad para sa bagong Medicare card, alinsunod sa isang artikulo sa Detroit Free Press (sa Ingles). Ang iba ay maaaring magpanggap bilang mga medical insurer at magbantang kanselahin ang iyong insurance kung hindi mo ibabahagi ang impormasyon mula sa bagong card. Kung matagumpay, maaaring gamitin ng mga identity thief na ito ang impormasyon ng isang benepisyaryo para maghain ng mga pekeng claim, magpareseta, o ibenta ito sa iba pang masasamang-loob sa dark web.
Ang Medicare ay nag-post ng impormasyon tungkol sa mga bagong card sa www.medicare.gov/newcard (sa Ingles). Dapat mong malaman na:
- Walang bayad para sa bagong card; awtomatiko itong ipapadala sa iyo basta't napapanahon ang iyong address.
- Hindi ka basta na lang tatawagan ng Medicare para humiling ng personal o pribadong impormasyon upang makuha mo ang iyong bagong Medicare number at card.
- Kung may taong hihiling sa iyo ng iyong impormasyon, ng pera, o magbabantang kakanselahin ang iyong mga benepisyong pangkalusugan kung hindi mo ibabahagi ang yong personal na impormasyon, ibaba ang telepono at tumawag sa 1-800-MEDICARE (1-800-633-4227). Para sa higit pang impormasyon, bisitahin ang www.medicare.gov/fraud (sa Ingles).
Maaari kang maghain ng mga reklamong pang-consumer anumang oras tungkol sa mga scam sa telepono sa FCC (sa Ingles) o sa FTC (sa Ingles).
Basahin ang FAQ ng FCC Complaint Center (sa Ingles) para matuto pa tungkol sa hindi pormal na proseso ng pagrereklamo sa FCC, kasama ang kung paano maghain ng reklamo, at kung ano ang mangyayari kapag naihain na ang isang reklamo.