Karagdagang Kaalaman Tungkol sa Mga Scam sa Census

Ang Kawanihan ng Census ay may karagdagang impormasyon (sa English) na makakatulong sa iyong makaiwas sa pambibiktima ng mga nagnanakaw ng pagkakakilanlan na maaaring sumubok na makipag-ugnayan sa iyo sa pamamagitan ng telepono, text message, postal mail, email – o maaari ding magpanggap bilang mga canvasser na kumakatok sa iyong pinto upang mangolekta ng personal na impormasyon.

Kung may pinaghihinalaan kang panloloko, iulat ito sa panrehiyong tanggapan (sa English) ng Kawanihan ng Census para sa iyong estado. Ipasa ang mga scam na email sa Kawanihan ng Census sa ois.fraud.reporting@census.gov. Dapat mo ring iulat ang mga pinaghihinalaang bogus na canvasser para sa census sa iyong lokal na departamento ng pulisya.

Mga Karagdagang Mapagkukunan ng FCC

Iniaatas ng Konstitusyon na magsagawa ng census ang Estados Unidos kada 10 taon, na may layuning mabilang ang populasyon ng bansa.  Pagkatapos ng inisyal na pagbibilang, magfa-follow up ang Kawanihan ng Census sa pamamagitan ng pagtawag sa ilang sambahayan sa U.S. para sa mga layunin ng pagkontrol sa kalidad o para mangalap ng higit pang impormasyon at makagawa ng mas kumpletong paglalarawan ng populasyon ng bansa. 

Isinasagawa ang mga follow-up na pagtawag mula sa isang outbound na numero ng telepono:  844-809-7717.  Kung lalabas ang numerong iyan sa display ng iyong caller ID, maaaring lehitimo ang tawag.  Ngunit maaaring tangkain ng mga scammer na gayahin ang numerong iyan, o ang katulad nito, para lumabas sa iyong caller ID na galing ito sa "Kawanihan ng Census."

Maging alerto sa mga kapansin-pansing red flag o babala ng panganib. Ayon sa Kawanihan ng Census, (sa English) hindi ito kailanman manghihingi ng:

  • Iyong numero ng Social Security
  • Iyong numero ng bank account o credit card
  • Anumang bagay sa ngalan ng pampulitikang partido
  • Pera o mga donasyon

Kung hihingiin ng tumatawag ang naturang impormasyon, isa itong scam.  Wakasan kaagad ang tawag.  Maaari mong iulat ang scam sa Kawanihan ng Census sa pamamagitan ng pagtawag sa 844-330-2020 at sa FCC sa consumercomplaints.fcc.gov (sa English).

Sigurado rin na senyales ng scam ang mga banta ng pagkakakulong o pagmumulta para tumugon.  Hindi pinaparusahan ng pagmumulta o pagkakakulong ang taong hindi tumutugon sa census=.

Mga Text Message para sa Census

Sa taong ito, may limitadong bilang ng mga tao sa buong bansa na makakatanggap ng text message mula sa Kawanihan ng Census para lumahok sa survey sa Karanasan ng User sa 2020 Census.  Manggagaling ang mga text message na ito sa mga sumusunod na numero: 833-972-2561, 833-969-2724, 833-972-2579.

O kaya, maaaring mapili kang lumahok sa Pulse Survey sa Sambahayan (sa English): Pagsukat sa Mga Epekto sa Lipunan at Kabuhayan sa Panahon ng Pandemyang COVID-19. Kung mapipili ka, may makikipag-ugnayan sa iyo sa pamamagitan ng COVID.survey@census.gov o ng isang text message mula sa 39242.

Mag-ingat palagi bago mag-click sa isang link sa hindi hiniling na text message o email.  Para sa anumang text na may kaugnayan sa census, suriin ang numero at kumpirmahin kung tumutugma ito sa isa sa mga nakalista sa itaas, at tiyaking dadalhin ka ng link sa pagtugon sa .gov na web address para makumpirmang hindi ginaya ng scammer ang numero.  Ang FCC ay may mga karagdagang tip tungkol sa kung paano maiiwasan ang mga scam na text (sa English).

Iba Pang Survey sa Census

Bilang karagdagan sa 2020 Census, nagsasagawa ang Kawanihan ng Census ng mahigit 100 survey.  Kung napili ka para sa isa sa mga survey na ito, maaaring makatanggap ka ng tawag mula sa contact center ng Census o sa isang field representative.

Kumpirmahin palagi kung lehitimo ang pag-aaral sa pamamagitan ng pagtingin ng pangalan ng survey sa listahan ng mga survey (sa English) ng Kawanihan ng Census bago tumugon. Maaari ka ring tumawag sa National Processing Center ng Kawanihan ng Census para kumpirmahin ang isang survey sa telepono.

Ang karamihan sa mga tawag mula sa Kawanihan ng Census na humihiling sa iyong lumahok sa isang survey, bukod sa 2020 Census, ay nanggagaling sa isa sa mga sumusunod na numero:

  • (812) 218-3144, Jeffersonville Contact Center
  • (520) 798-4152, Tucson Contact Center

Upang kumpirmahin mismo kung galing sa Kawanihan ng Census ang isang numero, maaari kang tumawag sa isa sa mga sumusunod na numero:

  • 1-800-523-3205, Jeffersonville, IN
  • 1-800-642-0469, Tucson, AZ
  • 1-800-923-8282, Customer Service Center

Para sa iba pang kasalukuyang isinasagawang survey, maaaring isagawa ang pakikipag-ugnayan sa pamamagitan ng email. Halimbawa:

Tandaan na palaging protektahan ang iyong personal na impormasyon - mga password, mga PIN, pangalan sa pagkadalaga ng ina, numero ng Social Security, impormasyon ng insurance, numero ng pasaporte, atbp. Maaaring tangkain ng mga magnanakaw ng pagkakakilanlan na kolektahin ang impormasyong ito para gamitin sa mga pagtatangkang mang-scam sa hinaharap o para ibenta sa dark web.

Updated:
Monday, September 14, 2020