Napapanahon para sa Older Americans Month (sa Ingles), napag-alaman sa isang bagong pag-aaral na magkasing tagal ang ginugugol ng mga mas nakatatandang adulto sa ginugugol ng mga mas nakababata sa kanilang mga smartphone. Samantala, iniulat ng isang hiwalay na pag-aaral na mas malamang na mabiktima ng mga scam sa telepono ang mga mas nakababatang adulto, lalo na ang mga kalalakihan, kaysa sa mga nakatatanda.
Sa isang post noong Mayo 6 para sa Forbes.com (sa Ingles), siniyasat ng manunulat na si Nicole Fisher ang kamakailang pananaliksik sa paggamit ng smartphone ng mga "Baby Boomer" (ang mga ipinanganak sa pagitan ng 1946 at 1964) at mga "Millennial" (ipinanganak sa pagitan ng 1981 at 1995). Napag-alaman na gumugugol ang parehong henerasyon ng mga limang oras sa isang araw sa kanilang mga smartphone, na may iba-ibang pattern ng paggamit sa mga bahagi tulad ng pag-text at pag-email.
Kung ang pag-uusapan ay pag-iwas sa mga scam sa telepono, mukhang mas mahusay ang mga Boomer kaysa sa kanilang mga mas nakababatang katapat. Sa isang hiwalay na Harris poll (sa Ingles), na na-publish nang ilang linggong mas maaga ng app developer na True Caller, ang mga lalaking may edad 18-34 ang natukoy na "mas malamang na mabiktima at mawalan ng pera dahil sa isang scam sa telepono," habang ang mga mas nakatatandang American na may edad 64 at higit pa ay napag-alamang hindi gaanong malamang na mabiktima sa pangkalahatan.
Magandang balita iyon para sa mga mas nakatatandang American, ngunit huwag asahang hihinto ang mga scammer. May ilang bilang ng paraan para ma-target ng mga mapaminsalang tumatawag ang mga taong ito at ang iba pang mga demograpiko gamit ang mga script ng scam na idinisenyo upang magnakaw ng pera o mahalagang personal na impormasyon na maaaring maibenta para sa mapanlokong paggamit.
May ilan kaming mapagkukunan sa web upang matulungan kang makalaban:
- Help Center para sa Consumer ng FCC (sa Ingles): Upang matuto pa tungkol sa mga kamakailang scam na tawag, i-browse ang aming mga gabay sa consumer o maghain ng reklamo sa FCC (sa Ingles).
- Kasama sa gabay sa consumer para sa mga robocall ang mga kapaki-pakinabang na tip para makaiwas sa mga ilegal na robocall, na may mga link sa app at serbisyo sa pag-block ng tawag.
- Ang gabay sa consumer para sa pag-spoof ay may mga karagdagang tip na partikular na nauugnay sa pag-spoof sa caller ID, at may kasamang animated na video na nagpapaliwanag kung ano ang kailangan mong bantayan at anong mga pagkilos ang maaari mong gawin upang maiwasang ma-scam.