Nauugnay na Nilalaman
Kapag ang pag-uusapan ay ang pagbawi mula sa mga scam sa telepono, wika ni Ron Mori, hindi ito palaging tungkol sa mga nawalang pera. Tungkol din ito sa epektong naidudulot ng scam sa pisikal na kalusugan at kalusugan sa pag-iisip ng biktima.
Nagsalita kamakailan si Mori, isang senior adviser sa AARP na nakatuon sa mga komunidad ng Asian American Pacific Islander (AAPI), sa isang webinar ng FCC na nagmamarka sa Older Americans Month (sa Ingles). At dahil ang Mayo ay Asian Pacific American Heritage Month (sa Ingles) din, itinampok din ni Mori ang mga napag-alaman sa isang kamakailang survey sa mga AAPI na may edad na mahigit sa 50 (sa Ingles):
- 40 porsyento ng mga AAPI na may edad na 50 taon at higit pa ang nag-ulat na nakaranas sila o mga miyembro ng kanilang pamilya ng mga panloloko, at isa sa tatlo sa mga biktimang iyon ang nawalan ng average na $15,000
- 36 na porsyento ng mga AAPI na may edad 50 at higit pa ang nabiktima ng scam sa lottery sa ibang bansa
- 33 porsyento ng mga AAPI na may edad 50 at higit pa ang nabiktima ng scam ng donasyong nauugnay sa isang krisis
- 30 porsyento ng mga AAPI na may edad 50 at higit pa ang nabiktima ng scam sa teknikal na suporta/pag-aalis ng virus
- 25 porsyento ng mga AAPI na may edad 50 at higit pa ang nabiktima ng scam sa IRS/pagkolekta ng buwis
- Ninakawan ng Chinese Embassy robocall scam (sa Ingles) ang mga biktima ng tinatayang $40 milyon
"Maaaring maging target ng panloloko ang sinuman," wika ni Mori, "pero may ilang nagsasaad na mas nanganganib ang mga hindi gaanong mahusay sa English."
At mayroon ng inilalarawan ni Mori bilang "mga epektong hindi pampananalapi" ng panloloko na hindi dapat balewalain. Pitumpu't-dalawang porsyento ng mga biktima ng panloloko ang nakaranas ng epekto sa kalusugang emosyonal, pisikal o sa pag-iisip, wika niya, kasama ang pagkahiya, galit, stress, hirap makatulog at pagkabalisa. Hinihikayat ng AARP ang mga biktima ng panloloko na humingi ng propesyunal na tulong kung magtuluy-tuloy ang pakiramdam na ito.
"Maaari talagang makaapekto ang mga isyung ito sa kapakanan ng isang tao," sabi niya. "Lalo na sa mga komunidad na hindi gaanong magaling sa English, kung saan mas malamang na mapalayo sa iba dahil sa wika. Kung biktima ka ng panloloko, lalo nitong pinapalala ang epektong iyon."
Upang matulungan ang mga taong malampasan ang personal na epekto ng panloloko, iminumungkahi ni Mori na gamitin ang mga negatibong nararamdamang ito para gumawa ng positibong pagkilos sa pamamagitan ng:
- Pagboboluntaryo na turuan ang iba tungkol sa panloloko - lalo na sa mga komunidad na may iba't ibang kultura
- Pakikinig sa mga biktima ng panloloko, ipaalam sa kanila na hindi sila nag-iisa
- Panatilihing bukas ang mga linya ng komunikasyon upang matulungan ang mga biktimang hindi mabukod sa lipunan
Nag-aalok ang AARP ng mga libreng materyal na partikular para sa mga komunidad na may iba't ibang kultura, tulad ng AAPI Fraud Prevention Handbook (sa Ingles; available sa Chinese). Nag-aalok ang network sa pagbabantay sa panloloko (sa Ingles) ng AARP ng impormasyon para sa consumer sa mga pinakabagong scam tulad ng "mga scam ng pagbabasbas" (sa Ingles) na nagta-target sa mga Chinese na komunidad.
Para sa buong coverage ng video ng aming webinar, bisitahin ang fcc.gov/news-events/events/2019/05/webinar-information-older-american-consumers (sa Ingles).
Matuto pa tungkol sa kung paano makaiwas sa mga hindi gustong robocall at scam sa pag-spoof sa caller ID.