Para palabasing wala silang itinatago, kamakailang ginamit ng mga nagpapanggap ang Pondo para sa Bayad-danyos ng Biktima noong Setyembre 11 (Victim Compensation Fund o VCF) (sa Ingles) para subukang i-scam ang mga consumer sa metropolitan area ng New York gamit ang mga mapanlokong caller ID.  Nakatanggap kamakailan ang FCC at ang Federal Trade Commission ng mga reklamo ng consumer tungkol sa scam at sinisikap naming wakasan na ito.

Sa kamakailang Alerto ng Consumer (sa Ingles), tumukoy ang FTC ng mga ulat tungkol sa mga tumatawag gamit ang mga mapanlokong numero ng telepono gamit ang mga area code ng New York. Sinasabi ng mga tumatawag sa kanilang mga target na maaari silang makatanggap ng pera at pagkatapos ay manghihingi ng personal na impormasyon para malaman kung kwalipikado.

Maaaring kasama sa hinihinging impormasyon ang mga Social Security number, address sa pagpapadala, bank account number, kasaysayang medikal, at patunay na nagtrabaho ang tao sa 9/11 exposure zone.

Maging alisto kung makakatanggap ka ng tawag mula sa isang taong nagsasabing maaaring kwalipikado ka para sa bayad-danyos kung nakatira o nagtrabaho ka malapit sa Ground Zero noong panahon ng 2000, o kung may mga tanong ka tungkol sa iyong claim sa VCF. Maaari kang tawagan ng VCF, ngunit hindi nito hihingin ang iyong kumpletong Social Security number o credit card number. Kung hindi ka siguradong mula sa VCF ang tumatawag, ibaba at direktang tawagan ang VCF sa 1-855-885-1555.

Tina-target ng VCF scam ang partikular na pangkat, ngunit karaniwang walang pinipiling consumer ang iba pang mapanlokong scam. Basahin ang gabay ng consumer ng FCC tungkol sa panloloko gamit ang caller ID para matuto pa tungkol sa dapat mong gawin kung sa tingin mo ay mapanloko ang numero sa iyong caller ID.

Mahigpit na binabantayan ng FCC at ng FTC ang mga scam sa telepono. Ibinabahagi namin ang data ng reklamo bilang bahagi ng aming mga hakbang para imbestigahan ang posibleng panloloko, pigilin ang mga scam, at bigyan ng kaalaman ang consumer. Nagsasagawa rin kami ng mga indibidwal na hakbang sa pagpapatupad para parusahan ang mga nanlilinlang.

Maghain ng reklamo sa FCC

Maaaring maghain ang mga consumer ng mga reklamo sa FCC (sa Ingles) tungkol sa mga hindi inaasahang tawag at panloloko, gayundin sa telecom billing, mga isyu sa serbisyo, at iba pang usaping binabantayan ng FCC. Makikita ang impormasyon tungkol sa proseso ng hindi pormal na reklamo ng FCC, kabilang ang paraan ng pagrereklamo, at kung ano ang mangyayari pagkatapos maghain ng reklamo sa FAQ sa Center ng Reklamo ng FCC (sa Ingles).

 

 

 

   

 

 

Updated:
Wednesday, May 2, 2018