Higit pa Tungkol sa Pamamahagi ng Bakuna Laban sa COVID-19
Inirekomenda ng CDC na ialok muna ang inisyal na yugto ng programa sa pagbabakuna laban sa COVID-19 sa mga tauhan ng pangangalagang pangkalusugan at mga residente ng mga pasilidad ng pangmatagalang pangangalaga. Matuto pa tungkol sapamamahagi ng bakuna (sa English), kung paano gumagawa ng mga rekomendasyon ang CDC kaugnay ng bakuna laban sa COVID-19 (sa English), at subaybayan ang data (sa English) sa kabuuang bilang ng mga pagbabakuna sa bansa.
Habang dumarating ang mga magagamit na dosis ng mga bakuna sa mga estado at teritoryo sa U.S., magpapasya ang mga gobernador at mga awtoridad tungkol sa kung sino ang makakatanggap ng mga bakuna at kung paano ipapamahagi ang mga ito. Makipag-ugnayan sa mga lokal na opisyal sa kalusugan (sa English) para sa higit pang impormasyon tungkol sa pamamahagi ng bakuna at pagsasapriyoridad sa inyong lugar.
Maaari din kayong makatanggap ng impormasyon at mga update mula sa inyong kasalukuyang provider ng insurance sa kalusugan.
Para sa higit pang impormasyon tungkol sa coronavirus, bisitahin anghttps://www.coronavirus.gov (sa English).
Impormasyon para sa Consumer ng FCC
Ang Gabay ng Consumer Kaugnay ng COVID-19 ng FCC ay may impormasyon tungkol sa mga scam na nauugnay sa coronavirus at kung paano ninyo maiiwasang maging biktima ng mga ito, kasama na rin ang mga kapaki-pakinabang na tip sa paglilinis ng cell phone at pag-optimisa sa inyong wireless network sa bahay, at marami pang iba.
Kasabay ng pamamahagi ng mga bakuna laban sa COVID-19 (sa English) na naaprubahan ng U.S. Food and Drug Administration (sa English), sinusubukan rin ng mga scammer na pagkakitaan at pagsamantalahan ang paglulunsad. Mag-iiba-iba ang mga plano sa pagbabakuna sa mga pang-estado at lokal na pamahalaan. Makipag-ugnayan sa inyong pang-estado (sa English) o lokal (sa English) na kagawaran sa kalusugan upang malaman kung kailan at paano makakakuha ng bakuna laban sa COVID-19. Maaari din kayong makipag-usap sa inyong provider ng pangangalagang pangkalusugan, parmasyutiko, o provider ng insurance sa kalusugan para matuto pa.
Ibinabahagi ng Federal Trade Commission (FTC) (sa English) ang mga tip na ito para maiwasan ang mga scam na nauugnay sa bakuna:
- Huwag magbayad para makapagpalista para sa bakuna. Ang sinumang hihingi ng bayad para maisama kayo sa listahan, gagawa ng appointment para sa inyo, o magrereserba ng puwesto sa linya para sa inyo ay isang scammer.
- Huwag pansinin ang mga sales ad para sa bakuna laban sa COVID-19. Hindi ninyo ito mabibili – kahit saan, kabilang ang mga online na parmasya. Makukuha lang ang bakuna sa mga lokasyong inaprubahan ng pederal na pamahalaan at estado, gaya ng mga center at parmasya para sa pagbabakuna.
- Mag-ingat sa mga hindi inaasahan o kahina-hinalang text. Huwag mag-click ng mga link sa mga mensahe sa text – lalo na sa mga mensaheng hindi ninyo inaasahan. Kung dati nang nakikipag-ugnayan sa inyo ang inyong provider ng pangangalagang pangkalusugan sa pamamagitan ng mga mensahe sa text, posibleng makatanggap kayo ng text mula sa kanila tungkol sa bakuna. Kung makakatanggap kayo ng text, direktang tawagan ang inyong provider ng pangangalagang pangkalusugan o parmasyutiko upang matiyak na sila ang nagpadala sa text. Nagte-text din ang mga scammer.
- Huwag magbukas ng mga email, attachment, o link mula sa mga taong hindi ninyo kilala, o kung dumating ang mga ito nang hindi ninyo inaasahan. Posibleng may ma-download kayong mapaminsalang malware (sa English) sa inyong computer o telepono.
- Huwag ibahagi ang inyong personal, pampinansyal, o pangkalusugang impormasyon sa mga taong hindi ninyo kilala. Walang sinuman mula sa isang site para sa pamamahagi ng bakuna, tanggapan ng provider ng pangangalagang pangkalusugan, parmasya, kumpanya ng insurance sa kalusugan o Medicare, ang tatawag, magte-text, o mag-e-email sa inyo na humihingi ng inyong numero ng Social Security, credit card, o bank account upang maipalista kayo para sa pagkuha ng bakuna.
Sa madaling salita, hindi kayo maaaring magbayad para makalaktaw sa linya, maireserba ang inyong puwesto, o makilahok sa isang kritikal na pagsubok. Maging maingat sa anumang inbound na pagtawag o text na humihingi ng inyong numero ng Social Security, mga pampinansyal na detalye, o impormasyon ng insurance para maireserba ang inyong puwesto.
Iulat online sa FTC ang mga scam na nauugnay sa bakuna laban sa COVID-19, reportfraud.ftc.gov (sa English).