Higit pa Tungkol sa Pagnanakaw sa Pagkakakilanlang Nauugnay sa Buwis
- IRS: Gabay ng Nagbabayad ng Buwis sa Pagnanakaw sa Pagkakakilanlan (sa English)
- Identity Theft Resource Center (sa English)
Higit pa Mula sa FCC
Sa tax season, lalong nagsisikap ang mga scammer na nakawin ang refund mo. Ang mga tax scammer ay kadalasang gumagamit ng panggigipit at pakiramdam ng pagmamadali para makakuha ng access sa iyong personal at pinansyal na impormasyon.
- Gumagamit ang mga scammer ng spoofing at mga robocall para magmukhang IRS ang tumatawag.
- Kung may tumawag na nagpapanggap bilang IRS, humiling ng reference number, at pagkatapos, ibaba ang tawag at gamitin ang isa sa mga opisyal na numero ng IRSs para tumawag muli at kumpirmahin kung lehitimo ang tawag.
- Mag-ingat din sa mga smishing scam na nagpapadala ng mga "urgent" na text message na may mga link sa mobile phone mo.
- Maaari ka rin nilang targetin sa pamamagitan ng mga email:
- Ang mga scammer na nagkukunwaring Internal Revenue Service (IRS) ay maaaring magpadala sa iyo ng mga phishing email na may mga urgent subject line at active link na nag-uutos ng agarang pagbabayad. Bago mag-click sa anumang link sa email, tingnan ang pangalan sa "from". Maging maingat – Kung hindi ito mula sa ".gov" address.
Taon-taon, nagko-compile ang IRS ng Dirty Dozen, isang listahan ng mga pinakalaganap na tax scam ng taon na nakakaapekto sa mga consumer na karaniwang pinakamarami sa tax season.
Naglabas na ang Federal Trade Commission (FTC) ng alert na nagpapaalala sa mga consumer na hindi magpapadala ang IRS ng mga tax refund o mangongontak sa iyo sa pamamagitan ng email o text.
Ang pag-alam sa mga nakakabahalang senyales sa tax scam, at kung paano malalaman kung talagang sinusubukan kang kontakin ng IRS ay makakatulong sa iyong maiwasan na maging biktima ng panloloko.
Mga tip na dapat alalahanin:
- HINDI mangunguna ang IRS sa pangongontak ng mga taxpayer sa pamamagitan ng email, mga text message o social media platform para humiling ng personal o pinansyal na impormasyon.
- Kung nakatanggap ka ng tawag mula sa tao na nagsasabing mula sa IRS, huwag ibigay ang alinman sa iyong personal na impormasyon sa telepono.
- Kung alam mo o sa tingin mong may utang kang mga tax, tawagan ang IRS sa 1.800.829.1040 para ma-validate ang tawag.
- Kung may valid na isyu, tutulungan ka ng mga empleyado ng IRS sa numerong ito. Kung wala kang utang na tax at/o hindi ka nakatanggap ng bill sa mail bago ang tawag, ibaba agad ang tawag. Pagkatapos, tawagan ang Treasury Inspector General for Tax Administration para i-report ang insidente sa 1.800.366.4484.
- Totoo ang Taxpayer Advocate service, pero hindi ito tatawag sa mga taxpayer nang walang dahilan.
- Hindi totoong organisasyon ang Bureau of Tax Enforcement.
Puwede ka rin maghain ng reklamo sa Federal Trade Commission para mag-report ng mga IRS scam.
Puwede kang maghain ng reklamo tungkol sa mga mapanlinlang na tawag sa telepono at text sa FCC sa https://consumercomplaints.fcc.gov.
Para matuto pa tungkol sa mga karapatan mo bilang consumer sa ilalim ng Telephone Consumer Protection Act, tingnan ang gabay para sa consumer ng FCC sa hindi nais na tawag o text.
Mga Kahilingan para sa Alternatibong Format
Maaaring humiling ang mga taong may kapansanan sa paningin ng mga bersyon sa braille, may malaking print, o magagamit sa screen-reader ng artikulong ito sa pamamagitan ng anyong email sa fcc504@fcc.gov. (sa English). Para sa audio at iba pang access, gamitin ang link na "I-explore ang Mga Opsyon sa Accessibility."
Help Center ng Consumer
Matuto tungkol sa mga isyu ng consumer - bisitahin ang Help Center ng Consumer ng FCC sa fcc.gov/consumers Nasa wikang Ingles ang web page)
Maghain ng Reklamo sa FCC
Pumunta sa aming Center sa Pagrereklamo ng Consumer sa consumercomplaints.fcc.gov (nasa wikang Ingles ang web page) upang maghain ng reklamo o sabihin sa amin ang nangyari sa iyo.