Nauugnay na Nilalaman
Tuwing panahon ng bukas na pagpapatala, maraming Amerikano ang nagpapatala sa o nagpapalit ng mga planong pangkalusugan. Pero para sa karamihan sa mga scammer, pagkakataon ito sa mga mamimili.
Habang papalit ang mga deadline sa pagpapatala, ang mga subscriber ng HealthCare.gov at Medicare.gov, empleyado ng pederal na pamahalaan, at maraming pang taong sumusuri ng kanilang mga opsyon para sa 2020 ay dapat na maging alerto laban sa mga scam na tumatawag na nagpapanggap bilang mga kumpanya ng seguro na nag-aalok ng mga pekeng plano.
Kamakailang naglabas ang YouMail, isang kumpanyang gumagawa ng mga app na nagba-block ng tawag sa mamimili para sa mobile phone, ng datos para sa Oktubre na nagpapakita ng malaking pagdami ng mga scam na tawag na nauugnay sa kalusugan (sa Ingles). Sa mahigit 473 milyoong tawag, 29 na porsyenteng mas malaki ang bilang ng Oktubre kaysa sa Setyembre. Iniulat ng YouMail na ang dalawang nangungunang scam para sa buwan ay tungkol sa mga paksang nauugnay sa segurong pangkalusugan – "mga handang paunang pag-apruba" (sa Ingles) at "kasalukuyang tumatanggap ng mga pagpapatala." (sa Ingles)
Binabalaan ng Blue Cross Blue Shield ang mga mamimili tungkol sa mga scammer (sa Ingles) na gumagamit ng mga paraan ng panloloko (sa Ingles) upang magmukhang galing ang mga tawag sa pambansang "Tawagan ang Blue" na numero ng serbisyo sa kostumer nito (888-630-2583). Nakakatanggap lang ng mga tawag ang toll-free number – hindi tumatawag ang BCBS sa pamamagitan ng numerong iyon, kaya dapat malaman ng mga mamimili na lumabas ito bilang papasok na tawag sa kanilang ID ng tumatawag, panloloko ang tawag, at malamang na pandaraya.
Upang maiwasang maging biktima ng scam sa panahon ng bukas na pagpapatala:
- Huwag sagutin ang mga tawag na mula sa mga numerong hindi mo kilala, kahit mukhang lokal ang mga numero sa iyong ID ng tumatawag.
- Kung sasagutin mo ang tawag, pero naghinala ka na hindi lehitimo ang tawag, huwag magpatuloy, ibaba ang tawag.
- Tulad nito, kung makatanggap ka ng hindi iinaasahang tawag mula sa taong pinipilit kang agad na gumawa ng pagkilos, ibaba ang tawag.
- Direktang makipag-ugnayan sa mga lehitimong provider ng seguro sa pangangalagang pangkalusugan gamit ang numero ng serbisyo sa kostumer sa pahayag ng singil o sa pamamagitan ng paghahanap ng numero sa pakikipag-ugnayan sa website ng provider.
- Makipag-ugnayan sa tanggapan ng iyong tagapamahala ng seguro ng estado (sa Ingles)upang makumpirma kung valid ang isang planong panseguro. Maaari mo ring tawagan ang numero ng sebisyo sa kostumer na nasa opisyal na website ng plano upang makakausap ka ng kinatawan para sa planong iyon.
- Para sa lehitimong impormasyon sa segurong pangkalusugan sa ilalim ng Affordable Care Act, bisitahin ang healthcare.gov (sa Ingles), at para sa impormasyon tungkol sa Medicare, bisitahi ang medicare.gov (sa Ingles).
- Upang matuto pa tungkol sa kung paano ka makakaiwas sa mga robocall at scam na panlolokong ID ng tumatawag, bisitahin ang fcc.gov/robocalls/tagalog.
Para matuto pa tungkol sa mga robocall at panggagaya ng caller ID, bumisita sa fcc.gov/robocalls/tagalog.
Nakakatanggap ang FCC sa buong taon ng mga reklamo ng consumer tungkol sa mga robocall sa insurance sa kalusugan. Kung sa palagay mo ay nabiktima ka ng panlolokong may kaugnayan sa robocall o panggagaya ng caller ID, dapat ka munang makipag-ugnayan sa tagapagpatupad ng batas para iulat ang scam. Maaari ka ring maghain ng reklamo (sa Ingles) sa FCC nang wala kang babayaran. Basahin ang Madalas na Itanong sa Complaint Center ng FCC (sa Ingles) para malaman ang higit pa tungkol sa impormal na proseso sa pagrereklamo ng FCC, kabilang kung paano maghain ng reklamo, at ano ang mangyayari pagkatapos maihain ang reklamo.