Higit pang Impormasyon

Ang isang kamakailang paglaganap ng mga text message na nagsasabi sa mga nakakatanggap na napili sila para sa isang draft sa militar ay pinasinungalingan ng US Army (sa English).

Ang texting ay isa pang diskarteng ginagamit ng magagaling na scammer para maudyok ang mga consumer na magbigay ng personal na personal na impormasyon, at magaling sila sa pagpili ng kanilang mga target.  Ipinapakita ng mga kamakailang pananaliksik (sa English) na ang mga nasa 18-34 na taong gulang ay ang pinakamadaling maloko ng mga scam -- ito ang window ng edad para sa eligibility sa draft.  Ang mga scammer ay maaaring gumamit ng personal na impormasyon para magsagawa ng identity theft, at i-access ang iyong mga pinansyal, medikal o social media account o magbukas ng mga account sa iyong pangalan.

Nagsalita ang US Army Recruiting Command sa Twitter noong Ene. 3 para bigyang linaw ang lahat, at nagbabala ito na ang anumang "mga text, tawag sa telepono, o direct message tungkol sa isang draft sa militar" ay "hindi talaga totoo" (CBS News) (sa English).

Nagsalita rin ang Selective Service System, at nag-tweet ito na "business as usual" pa rin ito. Ang anumang muling pagpapatupad ng draft ay mangangailangan ng opisyal na pagsasabatas ng Kongreso at ng Presidente, paliwanag ng Selective Service (sa English).

Ibinibigay ng FCC ang sumusunod na payo para tulungan ang mga consumer para iwasan ang mga hindi kanais-nais na text:

  • Huwag sagutin ang mga hindi kanais-nais na text. Kapag sumagot ka, malalaman ng nagpadala na aktibo ang numero ng iyong telepono at maaari itong magresulta sa mas marami pang hindi kanais-nais na text.
  • Kausapin ang iyong wireless provider tungkol sa mga posibleng opsyon para sa pag-block ng mga hindi kanais-nais na text.
  • Huwag magbigay ng personal na impormasyon bilang tugon sa hindi inaasahang text.
  • Mag-ingat kung pinagbabantaan o pinipilit kang magbigay kaagad ng impormasyon.
  • Kung makakakuha ka ng text na kahilingan mula sa kahit sinong kinakatawan nila ang isang ahensya ng pamahalaan o isang kumpanyang hindi mo naman kaugnayan, huwag sumagot sa text o mag-click sa anumang mga link sa text. Sa halip, tawagan ang numero ng telepono sa statement ng iyong account o sa kanilang opisyal na website para kumpirmahin ang pagiging tunay ng kahilingan.

Para sa higit pa tungkol sa mga hindi kanais-nais na text at hindi kanais-nais na tawag, bisitahin ang aming gabay sa consumer.

Maaari ka ring maghain ng reklamo (sa English) sa FCC kung makakatanggap ka ng hindi kanais-nais na komersyal na text message na ipinadala sa iyong mobile phone.

 

 

 

   

 

 

Updated:
Wednesday, January 15, 2020