Ang Children's Internet Protection Act (CIPA) ay ipinatupad ng Kongreso noong 2000 upang tugunan ang mga alalahanin tungkol sa pag-access ng mga bata sa mga bastos at mapanganib na content sa internet. Nagtatakda ang CIPA ng ilang partikular na kinakailangan sa mga paaralan o aklatan na tumatanggap ng mga diskwento para sa access sa Internet o internal na koneksyon sa pamamagitan ng E-rate program – isang programa na mas ginagawang abot-kaya ang ilang serbisyo at produkto sa komunikasyon para sa mga kwalipikadong paaralan at aklatan. Sa unang bahagi ng 2001, naglabas ang FCC ng mga panuntunan na nagpapatupad sa CIPA at nagbigay ito ng mga update sa mga panuntunang iyon noong 2011.

Ang iniaatas ng CIPA

Hindi maaaring tanggapin ng mga paaralan at aklatan na napapailalim sa CIPA ang mga diskwentong iniaalok ng E-rate program maliban kung mapapatunayan nila na mayroon silang patakaran sa kaligtasan sa Internet at may nakapaloob ditong mga hakbang sa pagprotekta ng teknolohiya. Dapat i-block o i-filter ng mga hakbang sa pagprotekta ang pag-access sa Internet sa mga larawan na: (a) bastos; (b) may kaugnayan sa child pornography; o (c) mapanganib sa mga menor de edad (para sa mga computer na ina-access ng mga menor de edad). Bago gamitin ang patakaran sa kaligtasan sa Internet na ito, dapat magbigay ang mga paaralan at aklatan ng makatuwirang paunawa at magsagawa ng kahit isa lang na pagdinig o pulong sa publiko upang matugunan ang panukala.

Ang mga paaralan na napapailalim sa CIPA ay may dalawang karagdagang kinakailangan para sa pagpapatunay: 1) kabilang dapat sa kanilang mga patakaran sa kaligtasan sa Internet ang pagsubaybay sa mga online na aktibidad ng mga menor de edad; at 2) ayon sa Protecting Children in the 21st Century Act, dapat silang magbigay ng kaalaman sa mga menor de edad ng naaangkop na asal online, kabilang ang pagkikipag-ugnayan sa ibang indibidwal sa mga social networking na website at chat room, at kamalayan at pagtugon sa cyberbullying.

Ang mga paaralan at aklatan na napapailalim sa CIPA ay inaatasang gumamit at magpatupad ng isang patakaran sa kaligtasan sa Internet na tumutugon sa:

  • Pag-access ng mga menor de edad sa mga hindi naaangkop na bagay sa Internet;
  • Kaligtasan at seguridad ng mga menor de edad sa paggamit ng electronic mail, mga chat room at iba pang uri ng direktang electronic na komunikasyon;
  • Hindi awtorisadong pag-access, kabilang ang tinatawag na “pag-hack,” at iba pang labag sa batas na aktibidad ng mga menor de edad online;
  • Hindi awtorisadong pagbubunyag, paggamit, at pagpapakalat ng personal na impormasyon patungkol sa mga menor de edad; at
  • Mga hakbang na naghihigpit sa pag-access ng mga menor de edad sa mga materyal na mapanganib para sa kanila.

Dapat patunayan ng mga paaralan at aklatan na sumusunod sila sa CIPA bago sila makatanggap ng pondo mula sa E-rate.

  • Hindi nalalapat ang CIPA sa mga paaralan at aklatan na tumatanggap ng mga diskwento para sa mga telecommunication na serbisyo lang;
  • Maaaring i-disable ng isang awtorisadong tao ang pag-block o pag-filter, sa oras ng paggamit ng isang nasa hustong gulang upang makapag-access para sa tunay na pananaliksik o ibang pang naaayon sa batas na layunin.
  • Hindi iniaatas ng CIPA ang pagsubaybay sa paggamit ng Internet ng mga menor de edad o nasa hustong gulang.

Magagawa mong may matutunan pa tungkol sa CIPA o mag-apply para sa pagpopondo ng E-rate sa pamamagitan ng pakikipag-ugnyan sa Universal Service Administrative Company (USAC) (sa Ingles). Tumatakbo rin ang USAC sa pamamagitan ng client service bureau upang magsagot ng mga tanong sa 1-888-203-8100.

 

Date Last Updated/Reviewed:

Mga Kahilingan para sa Alternatibong Format

Maaaring humiling ang mga taong may kapansanan sa paningin ng mga bersyon sa braille, may malaking print, o magagamit sa screen-reader ng artikulong ito sa pamamagitan ng anyong email sa fcc504@fcc.gov (sa English). Para sa audio at iba pang access, gamitin ang link na "I-explore ang Mga Opsyon sa Accessibility."

 

Help Center ng Consumer

Matuto tungkol sa mga isyu ng consumer - bisitahin ang Help Center ng Consumer ng FCC sa fcc.gov/consumers. Nasa wikang Ingles ang web page)

 

Maghain ng Reklamo sa FCC

Maghain ng Reklamo sa FCC

Pumunta sa aming Center sa Pagrereklamo ng Consumer sa consumercomplaints.fcc.gov (nasa wikang Ingles ang web page) upang maghain ng reklamo o sabihin sa amin ang nangyari sa iyo.