Aksyon ng FCC tungkol sa mga Awtomatikong Robocalltungkol sa Warranty

Inuutusan ng Komisyon ang lahatng U.S. voice service provider na i-block ang lahat ng trapiko ng awtomatikong robocall tungkolsa warranty. (Hulyo 21, 2022)

Kung mayroon kang sasakyan o telepono, maaari kang makatanggap ng mga tawag mula sa mga scammer na nagpapanggap bilang mga kinatawan ng dealer, manufacturer o insurer ng sasakyan, at nagsasabi sa iyo na ang auto warranty o insurance mo ay malapit nang mag-expire. Kabilang sa tawag ang animo'y pag-pitch para sa pag-renew ng iyong warranty o patakaran.

Sa panahon ng tawag – na madalas nagsisimula nang naka-automate o naka-prerecord – maaari kang bigyan ng tagubilin na pumindot ng isang partikular na numero o manatili sa linya, at pagkatapos ay hilinging magbigay ng personal na impormasyon, na posibleng gamitin upang manloko gamit ang impormasyon mo.

Ang partikular na nagpapahirap na matukoy kung mapanloko ang uri ng tawag ay maaaring may impormasyon ang scammer tungkol sa iyong partikular na sasakyan at warranty na ginagamit nila upang maloko kang sila ay lehitimong tumatawag.

Mga hakbang upang maprotektahan ang iyong sarili

Una, huwag magbigay ng anumang personal na impormasyon, gaya ng social security number, impomasyon ng credit card, numero ng driver’s license o impormasyon ng bank account sa sinumang tumatawag maliban kung mave-verify mo na direkta kang nakikipag-usap sa isang lehitimong kumpanya kung saan nakabuo ka ng ugnayang pangnegosyo. Mahusay ang mga scammer sa telepono sa ginagawa nila at maaari nilang palabasin na nagtatrabaho sila sa isang kumpanya na pinagkakatiwalaan mo. Huwag magpaloko. Mag-ingat nang husto.

Kung mayroon kang caller ID, maaari mong piliin ang mga papasok na tawag. Inaatasan ang mga lehitimong telemarketer na i-transmit o ipakita ang kanilang numero ng telepono at pangalan at/o numero ng telepono ng kumpanyang kinakatawan nila. Dapat kabilang sa display ang numero ng telepono na maaari mong tawagan sa regular na oras ng negosyo upang hilingin na huwag ka nang matawagan.

Dapat kang maging maingat kahit pa mukhang lehitimo ang isang numero. Maaaring magsagawa ang mga kriminal ng "spoofing" ng caller ID – sadyang pamemeke ng impormasyon na tina-transmit sa display ng iyong Caller ID upang mapagtakpan ang kanilang pagkakakilanlan.  (Tingnan ang aming gabay sa consumer tungkol sa Caller ID at Spoofing, sa Ingles.) Iwasan ang pagsagot ng anumang tawag na pinaghihinalaan mong nauugnay sa spoofing.

Paghahain ng Reklamo

Maaari kang maghain ng reklamo sa FCC (sa Ingles) tungkol sa mga pinaghihinalaang scam na tawag. Bukod pa sa pagiging mapandaya, posibleng nalalabag ng mga tawag na ito ang mga panuntunan sa telemarketing at robocall. (Tingnan ang aming gabay tungkol sa Pagpapahinto sa Mga Hindi Gustong Tawag.)

Bagama't hindi nagbibigay ang FCC ng danyos para sa mga indibidwal na pinsala sa mga consumer, maaaring makatulong sa amin ang iyong reklamo upang matukoy ang mga scammer at makapagsagawa ng naaangkop na pagkilos. Sa karamihan ng mga kaso, maaaring magbigay ang FCC ng babala at magtalaga ng mga multa laban sa mga kumpanya na lumalabag sa Telephone Consumer Protection Act.

Kung sa palagay mo ay nakatanggap ka ng tawag na nauugnay sa pandaraya, maaari ka ring maghain ng reklamo sa Federal Trade Commission (sa Ingles).

 

Date Last Updated/Reviewed:

Mga Kahilingan para sa Alternatibong Format

Maaaring humiling ang mga taong may kapansanan sa paningin ng mga bersyon sa braille, may malaking print, o magagamit sa screen-reader ng artikulong ito sa pamamagitan ng anyong email sa fcc504@fcc.gov (sa English). Para sa audio at iba pang access, gamitin ang link na "I-explore ang Mga Opsyon sa Accessibility."

 

Help Center ng Consumer

Matuto tungkol sa mga isyu ng consumer - bisitahin ang Help Center ng Consumer ng FCC sa fcc.gov/consumers. Nasa wikang Ingles ang web page)

 

Maghain ng Reklamo sa FCC

Maghain ng Reklamo sa FCC

Pumunta sa aming Center sa Pagrereklamo ng Consumer sa consumercomplaints.fcc.gov (nasa wikang Ingles ang web page) upang maghain ng reklamo o sabihin sa amin ang nangyari sa iyo.