Ang paggawa ng mga telemarketing na tawag sa mga wireless na telepono ay - at palaging - ilegal sa karamihan ng pagkakataon.

Bakit may kalituhan tungkol sa telemarketing sa mga wireless na telepono?

Nag-uulat ang mga consumer ng pagtanggap ng mga email na nagsasabing makakatanggap na sila ng mga telemarketing na tawag sa kanilang mga wireless na telepono. Ang pagkalito ay mukhang nagmula sa mga talakayan sa industriya ng wireless na telepono tungkol sa pagtataguyod ng wireless 411 phone directory, tulad ng iyong tradisyunal na (wired) 411 phone directory. Tila iminumungkahi ng ilang bilang ng kampanya sa email na kung nakalista ang iyong wireless na numero ng telepono sa isang wireless 411 directory, magiging available ito sa mga telemarketer, at magsisimula kang makatanggap ng mga tawag para sa pagbebenta. Bilang karagdagan, iminumungkahi ng ilan sa mga kampanya sa email na ito na may hiwalay na do-not-call "cell phone registry," na dapat mong tawagan upang masakop ng mga panuntunan ng do-not-call ang iyong wireless na numero ng telepono. Hindi tumpak ang impormasyong ito.

Ang mga ebidensya

Kahit na mayroon nang nabuong wireless 411 directory, ilegal pa rin ang karamihan ng mga telemarketing na tawag sa mga wireless na telepono. Halimbawa, labag sa batas para sa sinumang tao na tumawag (maliban sa tawag na ginawa para sa mga layuning pang-emergency o ginawa nang may isinaad na paunang pahintulot) gamit ang anumang awtomatikong telephone dialing system o anumang artipisyal o paunang na-record na voice message sa mga wireless na numero. Nalalapat ang batas na ito nakalista man ang numero sa pambansang listahan ng Do-Not-Call o hindi.

Hindi nagpapanatili ang pamahalaang pederal at hindi bumubuo ng isang hiwalay na listahan ng Do-Not-Call para sa mga wireless na numero ng telepono. 

Simula pa dati, nagagawa na ng mga subscriber ng wireless na telepono na idagdag ang kanilang personal na wireless na numero ng telepono sa pambansang listahan ng Do-Not-Call, sa online (sa Ingles), o sa pamamagitan ng pagtawag sa toll-free - 1-888-382-1222 - mula sa numero ng teleponong gusto nilang iparehistro. Hinihiling ng mga panuntunan ng do-not-call na ihinto ng mga tumatawag na hindi nakabukod sa mga panuntunan ang paggawa ng mga telemarketing na tawag 30 araw pagkatapos mong magrehistro ng numero.

Walang nakatakdang panahon para sa pagpaparehistro ng numero sa pambansang listahan ng Do-Not-Call. Hindi na kailangang muling magrehistro ng numero – mananatili ito sa pambansang listahan ng Do-Not-Call hanggang sa kanselahin mo ang iyong pagpaparehistro o hindi ipagpatuloy ang serbisyo.

Paghahain ng Reklamo

Maaari mong ihain ang iyong reklamo online sa FCC (sa Ingles).

Maaari ka ring maghain ng mga reklamo tungkol sa mga hindi gustong telemarketing na tawag sa iyong wireless na telepono sa FTC sa www.ftccomplaintassistant.gov (sa Ingles) , tumawag sa FTC nang toll-free sa 1-877-382-4357 (sa Ingles) ; TTY: 1-866-653-4261 (sa Ingles) , o sumulat sa:

Federal Trade Commission
600 Pennsylvania Ave., NW
Washington, DC 20580

 

Date Last Updated/Reviewed:

Mga Kahilingan para sa Alternatibong Format

Maaaring humiling ang mga taong may kapansanan sa paningin ng mga bersyon sa braille, may malaking print, o magagamit sa screen-reader ng artikulong ito sa pamamagitan ng anyong email sa fcc504@fcc.gov (sa English). Para sa audio at iba pang access, gamitin ang link na "I-explore ang Mga Opsyon sa Accessibility."

 

Help Center ng Consumer

Matuto tungkol sa mga isyu ng consumer - bisitahin ang Help Center ng Consumer ng FCC sa fcc.gov/consumers. Nasa wikang Ingles ang web page)

 

Maghain ng Reklamo sa FCC

Maghain ng Reklamo sa FCC

Pumunta sa aming Center sa Pagrereklamo ng Consumer sa consumercomplaints.fcc.gov (nasa wikang Ingles ang web page) upang maghain ng reklamo o sabihin sa amin ang nangyari sa iyo.