Batid ng FCC ang mga scam na pumupuntirya sa mga aplikante ng istasyon ng low power FM radio. Nag-uulat ang mga aplikante na nakatanggap sila ng mga email o liham na nag-aalok ng "mabilis na pagsisimula" ng istasyon ng LPFM o nagsasabi sa kanilang bumili ng kagamitan o mga serbisyo na maaaring hindi mapapakinabangan o hindi kinakailangan. Maaaring tukuyin ng mga taong gumagawa ng mga scam na ito ang kagamitan o istasyon bilang "Part 15 device" o "Part 15 transmitter."

Ang mga Part 15 device o transmitter ay mga low-power, na hindi lisensyadong transmitter. Ang mga halimbawa ng mga uring ito ng mga transmitter ay mga cordless na telepono, baby monitor, garage door opener, mga wireless na system ng seguridad sa tahanan at daan-daang iba pang uri ng mga karaniwang elektronikong kagamitan na kumokonsumo ng napakakaunting kuryente. Hindi kinakailangang kumuha ang mga operator ng mga Part 15 device ng lisensya sa FCC upang makagamit ng mga ito.

Ina-advertise ng mga scammer ang mga Part 15 device bilang mga paraan upang magsimula ng isang istasyon ng LPFM radio. Pinayuhan ng ilang taong gumagawa nito ang mga posibleng aplikante na gamitin ang kanilang libreng kahusayan/mga serbisyo upang maiwasan ang pagtanggi ng FCC sa mga aplikasyon nila.

Mga paraan upang mabawasan ang panganib

Huwag magpaloko sa pagbili ng hindi kinakailangang produkto o serbisyo. Kapag bumili ng Part 15 device o transmitter, hindi nangangahulugan na awtomatiko ka nang makakapagsisimula ng isang istasyon ng LPFM radio. Pinapahintulutan ng FCC ang lahat ng lisensya para sa mga istasyon ng LPFM radio. Libre at kinakailangan ang lisensya bago masimulan ang paggawa o pagpapatakbo ng istasyon.

Upang magsimula ng isang istasyon ng LPFM radio, dapat na mag-file ng aplikasyon ang mga posibleng aplikante sa panahon ng isang partikular na time frame, kapag bukas ang kanilang naaangkop na window sa pag-file. Kapag inanunsyo ang mga petsa ng bagong window sa pag-file, ipo-post ang mga abiso sa web page ng FCC sa www.fcc.gov/lpfm (sa Ingles). Kasama roon ang impormasyon tungkol sa pag-apply para sa lisensya.

 

Date Last Updated/Reviewed:

Mga Kahilingan para sa Alternatibong Format

Maaaring humiling ang mga taong may kapansanan sa paningin ng mga bersyon sa braille, may malaking print, o magagamit sa screen-reader ng artikulong ito sa pamamagitan ng anyong email sa fcc504@fcc.gov (sa English). Para sa audio at iba pang access, gamitin ang link na "I-explore ang Mga Opsyon sa Accessibility."

 

Help Center ng Consumer

Matuto tungkol sa mga isyu ng consumer - bisitahin ang Help Center ng Consumer ng FCC sa fcc.gov/consumers. Nasa wikang Ingles ang web page)

 

Maghain ng Reklamo sa FCC

Maghain ng Reklamo sa FCC

Pumunta sa aming Center sa Pagrereklamo ng Consumer sa consumercomplaints.fcc.gov (nasa wikang Ingles ang web page) upang maghain ng reklamo o sabihin sa amin ang nangyari sa iyo.