Kung minsan ba ay mistulang mas malakas ang mga commercial sa telebisyon kaysa sa mga sinusundang palabas ng mga ito? Pinagbabawalan ang mga istasyon ng TV na lakasan ang average na volume ng mga commercial sa mga antas na higit pa sa mga programang sinusundan ng mga ito.

Nakabatay ang mga panuntunan ng FCC para sa malalakas na commercial sa TV sa Commercial Advertisement Loudness Mitigation (CALM) Act.

Isaayos ang iyong mga setting

Kung biglang lumalakas ang volume sa mga programa at commercial, maaari mong baguhin ang mga setting ng iyong telebisyon o home theater system upang ma-stabilize ang pangkalahatang lakas ng volume ng mga ito. Maraming telebisyon at home theater system ang may mga feature na kumokontrol ng lakas ng volume, gaya ng awtomatikong gain control, pag-compress ng audio, o limiter ng audio na maaaring i-on upang hindi maging pabagu-bago ang lakas ng volume sa mga programa at commercial. Madalas ay kailangang i-activate ang mga function na ito sa pamamagitan ng menu na "Set Up/Audio" ng kagamitan.

Ang ilang commercial na may mga eksenang malakas at mahina ang volume ay maaari pa ring maging "masyadong malakas" sa ilang manonood, ngunit sumusunod pa rin ang mga ito sa panuntunan dahil ang average na volume ang kailangang sundin.

Paghahain ng reklamo

Hindi sinusubaybayan ng FCC ang programming para sa malalakas na commercial. Umaasa kaming ipapaalam sa amin ng mga taong tulad mo kung sa palagay nila ay may problema. Kung sa palagay mo ay nakaranas ka ng paglabag sa mga panuntunan kaugnay ng lakas ng volume ng mga commercial sa TV, maaari kang maghain ng reklamo sa FCC nang walang bayad.

Ano ang dapat isama sa iyong reklamo:

  • Kung napanood mo ang commercial sa pay TV (cable o satellite) o kung napanood mo ito sa isang istasyon sa pag-broadcast
  • Ang pangalan ng advertiser o produktong na-promote sa commercial
  • Ang petsa at oras kung kailan mo nakita ang commercial
  • Ang pangalan ng programa sa TV na ipinalabas noong umere ito
  • Ang provider ng istasyon ng TV (sa pamamagitan ng call sign at/o channel number at komunidad ng istasyon) o pay TV na nag-transmit sa commercial
  • Kung napanood mo ang commercial sa pay TV, ang channel number kung saan mo ito napanood, at ang programmer o network ng cable

 

Date Last Updated/Reviewed:

Mga Kahilingan para sa Alternatibong Format

Maaaring humiling ang mga taong may kapansanan sa paningin ng mga bersyon sa braille, may malaking print, o magagamit sa screen-reader ng artikulong ito sa pamamagitan ng anyong email sa fcc504@fcc.gov (sa English). Para sa audio at iba pang access, gamitin ang link na "I-explore ang Mga Opsyon sa Accessibility."

 

Help Center ng Consumer

Matuto tungkol sa mga isyu ng consumer - bisitahin ang Help Center ng Consumer ng FCC sa fcc.gov/consumers. Nasa wikang Ingles ang web page)

 

Maghain ng Reklamo sa FCC

Maghain ng Reklamo sa FCC

Pumunta sa aming Center sa Pagrereklamo ng Consumer sa consumercomplaints.fcc.gov (nasa wikang Ingles ang web page) upang maghain ng reklamo o sabihin sa amin ang nangyari sa iyo.