Karamihan sa mga presyong sinisingil ng mga kumpanya ng cable television ay hindi pinapangasiwaan ng FCC. Pinapangasiwaan ang serbisyo ng cable television ng mga lokal na franchising authority na inaprubahan ng estado, karaniwan lungsod, county o iba pang organisasyon ng pamahalaan. Maaaring pangasiwaan ng iyong LFA ang presyo na masisingil ng provider mo para sa "basic" na serbisyo ng cable, bagama't walang iniaatas ang FCC para sa nasabing regulasyon.
Mga basic tier service at presyo
Sa pangkalahatan, inaatasan ang mga cable system na mag-alok ng "basic tier" ng programming sa lahat ng subscriber bago nila bilhin ang anumang karagdagang programming. Dapat kasama sa basic service tier ang karamihan sa mga local broadcast station, gayundin ang mga pampubliko, pang-edukasyon at pampamahalaang channel na iniaatas ng kasunduan sa franchise sa pagitan ng LFA at ng kumpanya ng iyong cable.
Maaaring magsuri ang mga LFA ng anumang pagtaas sa mga presyo ng basic service tier upang ma-verify na tumpak na naipapakita ng mga ito ang mga pagdami ng programming ng kumpanya ng cable o iba pang gastusin kung saan pinapayagan ang mga cable operator na ipasa sa mga customer.
Mga presyo para sa mga premium na serbisyo
Hindi pinapangasiwaan ng mga LFA ang mga presyo para sa anumang tier ng serbisyo maliban sa basic service. Ang kumpanya ng iyong cable ang tutukoy sa mga presyong sisingilin para sa mga serbisyong ito, kabilang ang pay-per-channel programming, gaya ng mga premium movie channel, at pay-per-program na serbiyso, gaya ng mga pay-per-view sports event.
Maaaring hindi hihilingin sa iyo ng kumpanya ng cable mo na bumili ng anumang karagdagang service tier maliban sa basic service tier upang magkaroon ng access sa mga pay-per-view event o premium channel na iniaalok bilang "a la carte" o nang paisa-isa. Hindi inaatasan ang mga kumpanya ng cable na – o pinagbabawalang – mag-alok ng mga channel o programa bilang "a la carte".
Mga karagdagang panuntunun at alituntunin ng FCC para sa mga cable service provider
Maipapatupad ng iyong LFA ang mga panuntunan at alituntunin ng FCC sa mga sumusunod na lugar:
- Customer service, kabilang ang mga reklamo tungkol sa mga bill, gayundin ang pagtugon ng cable operator sa mga tanong tungkol sa kalidad ng signal o mga kahilingan sa serbisyo
- Mga bayarin sa franchise na binayaran sa LFA ng kumpanya ng cable para sa access sa public rights of way upang mag-alok ng serbisyo ng cable
Kanino makikipag-ugnayan para sa mga reklamo at tanong
Makipag-ugnayan sa iyong cable provider o sa iyong LFA tungkol sa customer service, mga presyo ng basic service tier, o mga bayarin sa franchise. Naka-print ang pangalan ng iyong LFA sa cable bill mo at sa local telephone book mo.
Makipag-ugnayan sa kumpanya ng iyong cable tungkol sa mga presyo ng mga tier ng serbisyo maliban sa basic service tier at tungkol sa anumang pay-per-channel programming at mga pay-per-program na serbisyo. Hindi sumasailalim ang mga presyong ito sa regulasyon.
Maaaring magbigay ang iyong mga local at state consumer protection organization ng impormasyon tungkol sa iyong mga karapatan bilang isang cable subscriber.
Mga Kahilingan para sa Alternatibong Format
Maaaring humiling ang mga taong may kapansanan sa paningin ng mga bersyon sa braille, may malaking print, o magagamit sa screen-reader ng artikulong ito sa pamamagitan ng anyong email sa fcc504@fcc.gov (sa English). Para sa audio at iba pang access, gamitin ang link na "I-explore ang Mga Opsyon sa Accessibility."
Help Center ng Consumer
Matuto tungkol sa mga isyu ng consumer - bisitahin ang Help Center ng Consumer ng FCC sa fcc.gov/consumers. Nasa wikang Ingles ang web page)
Maghain ng Reklamo sa FCC
Pumunta sa aming Center sa Pagrereklamo ng Consumer sa consumercomplaints.fcc.gov (nasa wikang Ingles ang web page) upang maghain ng reklamo o sabihin sa amin ang nangyari sa iyo.