Kapag tumawag ka nang long-distance gamit ang isang pampublikong telepono – gaya ng sa payphone, hotel, o airport phone – gamit ang isang calling card o code sa pag-access para sa long-distance na serbisyo kung saan ka nag-subscribe, may tyansang maaari itong ma-route sa isang distant call center bago mipasa sa iyong long-distance na kumpanya. Dahil dito, maaari kang singilin kagaya ng pagsingil kung nagmula ang iyong tawag sa distant call center sa halip na sa aktwal na lokasyon, nang may mas mataas na bayad sa long-distance kaysa sa inaasahan mo.
Ang kasanayang ito ay tinatatawag na “call splashing.”
Legal ba ito?
Pinapahintulutan ang isang kumpanya ng telepono na magbatay ng mga singilin sa isang alternative point of origination kung ikaw ay:
- Humiling na mailipat sa ibang operator ng kumpanya
- Nasabihan (bago magpataw ng anumang singilin) na sisingilin ang tawag kagaya ng singil kung nagmula ito sa ibang lugar
- Pumayag sa paglipat
Iwasang ma-splash
- Pakinggang mabuti ang operator ng telepono at huwag pumayag sa anumang paglipat ng tawag maliban kung nauunawaan mo kung ano ang tinatanong ng operator.
- Basahing mabuti ang iyong bill ng telepono upang matiyak na tama ang mga lokasyong pinagmulan at pinatunguhan ng mga long-distance na tawag mo.
- Kung nasingil ang tawag mo sa mas mataas na presyo nang hindi mo pinapahintulutan, maghain ng reklamo sa iyong long-distance na kumpanya.
- Kung hindi niyo malutas ng iyong long-distance na kumpanya ang problema, maaari kang maghain ng reklamo sa FCC.
Mga Kahilingan para sa Alternatibong Format
Maaaring humiling ang mga taong may kapansanan sa paningin ng mga bersyon sa braille, may malaking print, o magagamit sa screen-reader ng artikulong ito sa pamamagitan ng anyong email sa fcc504@fcc.gov (sa English). Para sa audio at iba pang access, gamitin ang link na "I-explore ang Mga Opsyon sa Accessibility."
Help Center ng Consumer
Matuto tungkol sa mga isyu ng consumer - bisitahin ang Help Center ng Consumer ng FCC sa fcc.gov/consumers. Nasa wikang Ingles ang web page)
Maghain ng Reklamo sa FCC
Pumunta sa aming Center sa Pagrereklamo ng Consumer sa consumercomplaints.fcc.gov (nasa wikang Ingles ang web page) upang maghain ng reklamo o sabihin sa amin ang nangyari sa iyo.