May karapatan ang mga subscriber ng cable television na magkaroon ng signal na nakakatugon sa mga pangunahing pamantayan ng teknikal na kalidad, tulad ng tinukoy ng FCC. Sa pagsunod sa mga alintuntunin ng FCC, dapat sumailalim sa pagsusuri dalawang beses sa isang taon ang mga kumpanya na naglilingkod sa 1,000 o higit pang subscriber upang patunayang natutugunan nila ang mga pamantayang ito. May ilang kinakailangang pagsusuri na maaaring magdulot ng pansamantalang pagkaantala ng serbisyo na makakaapekto sa ilang partikular na channel. Karaniwang nangyayari ang mga pagkaantalang ito sa loob ng mga oras na kakaunti ang nanonood at hindi dapat tatagal nang ilang minuto.
Kahit pa matugunan ang mga pangangailangan sa pagsusuri, may mga pagkakataon pa ring mas mahina sa inaasahan ang kalidad ng signal ng cable.
Narito ang mga kailangang malaman ng mga subscriber kung nakakaranas sila ng mga problema sa kanilang signal ng cable:
Mababang kalidad ng picture
Kung nakakaranas ka ng mga problema sa kalidad ng picture, siguraduhing suriin kung maayos bang nakakonekta sa cable ang iyong kagamitan at wiring, kasama ang iyong mga TV at set-top box. Kung walang isyu sa koneksyon, at walang malinaw na sira sa kagamitan, makipag-ugnayan sa iyong kumpanya ng cable upang tingnan kung mayroong anumang isyu sa signal sa loob ng system. Kung hindi mo matukoy ang sanhi ng mababang kalidad ng picture, maaaring kailanganing mong tumawag ng cable technician upang i-troubleshoot ang problema.
Mga reklamo sa signal ng cable
Hinihingi ng mga alintuntunin ng FCC sa mga lokal na kumpanya ng cable na magkaroon ng mga plano upang lutasin ang mga reklamo ng subsciber tungkol sa kalidad ng signal. Dapat direktang isumite ang naturang mga reklamo sa iyong kumpanya ng cable.
Dapat ding abisuhan ng mga kumpanya ang mga subscriber kahit isang beses lang sa isang taon tungkol sa proseso ng pagsusumite at paglulutas ng naturang mga reklamo. Bukod pa rito, hinihingi rin ng mga alintuntunin ng FCC sa iyong kumpanya ng cable na panatilihin ang mga pamantayan ng kalidad ng signal nito sa isang file na naa-access ng publiko sa lugar ng negosyo nito.
Tulong ng Lokal na Awtoridad sa Pag-franchise (Local Franchising Authority - LFA)
Kung hindi malutas ng iyong kumpanya ng cable ang reklamo mo, maaari kang makipag-ugnayan sa iyong lokal na awtoridad sa pag-franchise, o local franchising authority (LFA), na isang organisasyon ng lokal na pamahalaan na siyang nangangasiwa sa iyong serbisyo ng television cable. Dapat makita ang pangalan ng iyong LFA sa bayarin ng cable. Kung hindi, makipag-ugnayan sa iyong kumpanya ng cable o sa lokal na munisipyo o city hall mo para sa tulong.
Karaniwang ipinatutupad ng mga LFA ang mga teknikal na alintuntunin ng FCC. Tinutulungan din ng mga alintuntunin ang LFA na pagpasiyahan ang teknikal na performance ng kumpanya ng cable habang nasa proseso ng pag-renew ng franchise, na makakatukoy kung maaaring magpatuloy o hindi ang kumpanya ng cable na maglingkod sa komunidad.
Closed captioning
Hinihingi rin ng FCC sa mga kumpanya ng cable na ihatid nang buo ang data ng closed-captioning. Binibigyang-daan ng pangangailangang ito ang mga subscriber na may kapansanan sa pandinig na makatanggap ng visual display ng bahagi ng audio ng programming sa mga digital television receiver.
Mga Kahilingan para sa Alternatibong Format
Maaaring humiling ang mga taong may kapansanan sa paningin ng mga bersyon sa braille, may malaking print, o magagamit sa screen-reader ng artikulong ito sa pamamagitan ng anyong email sa fcc504@fcc.gov (sa English). Para sa audio at iba pang access, gamitin ang link na "I-explore ang Mga Opsyon sa Accessibility."
Help Center ng Consumer
Matuto tungkol sa mga isyu ng consumer - bisitahin ang Help Center ng Consumer ng FCC sa fcc.gov/consumers. Nasa wikang Ingles ang web page)
Maghain ng Reklamo sa FCC
Pumunta sa aming Center sa Pagrereklamo ng Consumer sa consumercomplaints.fcc.gov (nasa wikang Ingles ang web page) upang maghain ng reklamo o sabihin sa amin ang nangyari sa iyo.