Pinipigilan ng mga alintuntunin ng FCC ang mga kumpanya ng telepono sa biglaang pagputol o pagbabawas ng serbisyo sa anumang dahilan, kasama ang pagkalugi. Ang mga alintuntunin, na nalalapat din sa serbisyong Voice-over Internet Protocol (VoIP), ay idinisenyo upang protektahan ka mula sa biglaang pagbabago o pagtatapos ng serbisyo at nang bigyang oras na mag-ayos ng serbisyo sa ibang provider.

Mga pangangailangan sa abiso sa mamimili para sa mga pagbabago sa serbisyo ng telepono

Inaatasan ang mga provider sa U.S. na nagbabalak na putulin o bawasan ang domestic na serbisyong wireline na:

  • Ipaalam sa mga apektadong customer sa pamamagitan ng pagsulat ang tungkol sa naturang mga plano at ipaalam sa kanila ang karapatan nilang maghain ng mga komento sa FCC.
  • Humiling ng pahintulot mula sa FCC pagkatapos abisuhan ang mga customer.
  • Pansamantalang ipagpatuloy ang pagbibigay ng serbisyo – 31 araw para sa mas maliliit na provider at 60 araw para sa mas malalaking provider – pagkatapos maglabas ng FCC ng pampublikong abiso na nag-aanunsyo at naghahanap ng komento sa iminumungkahi ng provider ng serbisyo. Maaaring pahabain ng FCC ang petsa ng pagtatapos.

Dapat abisuhan ng mga internasyunal na provider ng serbisyo ang mga customer 60 araw bago ang takdang petsa.

Paghahain sa FCC ng mga pagtutol sa mga pagbabago

Kung tutol ka sa plano ng provider na putulin o bawasan ang serbisyo, maaari kang tumugon sa pampublikong abisyo, na may kasamang mga proseso at deadline para sa pagsasampa ng mga komento. Isasaalang-alang ng FCC ang mga pagtutol at iba pang komento kapag sinusuri ang kahilingan.

Kadalasan, pinahihintulutan ng FCC ang kahilingan ng provider maliban kung walang makukuha ang mga customer na mga katulad na serbisyo o isang makatuwirang kamalit mula sa ibang provider.

Mga opsyon kung mailipat ang iyong serbisyo

Kung ibenta o ilipat ng isang provider ng serbisyo sa telepono ang customer base nito sa ibang kumpanya, nakasaad sa mga alintuntunin FCC na:

  • Dapat magbigay ang kumpanyang kukuha sa mga customer ng 30 araw na paunang abiso ng paglipat, kasama ang impormasyon ng rate at serbisyo.
  • Maaaring piliin ng mga customer na manatili sa kumpanyang kukuha o pumili ng ibang kumpanya.

Kung nailipat ang iyong account sa isang kumpanyang kukuha nang walang sapat na abiso, maaaring saklawin ka ng mga alintuntunin ng FCC sa slamming. Para sa higit pang impormasyon, basahin ang aming Gabay ng mamimili sa slamming (sa Ingles).

Wireless na serbisyo

Kung pinutol o binawasan ng wireless provider ang iyong serbisyo nang walang dahilan o abiso, hindi nagbigay ng alernatibong serbisyo ng telepono, maaari kang magsampa ng reklamo sa FCC.

 

Date Last Updated/Reviewed:

Mga Kahilingan para sa Alternatibong Format

Maaaring humiling ang mga taong may kapansanan sa paningin ng mga bersyon sa braille, may malaking print, o magagamit sa screen-reader ng artikulong ito sa pamamagitan ng anyong email sa fcc504@fcc.gov (sa English). Para sa audio at iba pang access, gamitin ang link na "I-explore ang Mga Opsyon sa Accessibility."

 

Help Center ng Consumer

Matuto tungkol sa mga isyu ng consumer - bisitahin ang Help Center ng Consumer ng FCC sa fcc.gov/consumers. Nasa wikang Ingles ang web page)

 

Maghain ng Reklamo sa FCC

Maghain ng Reklamo sa FCC

Pumunta sa aming Center sa Pagrereklamo ng Consumer sa consumercomplaints.fcc.gov (nasa wikang Ingles ang web page) upang maghain ng reklamo o sabihin sa amin ang nangyari sa iyo.