Ang mga serbisyo ng pay-per-call ay nagbibigay sa mga user ng malawak na hanay ng mga serbisyo ng telekomunikasyon, kabilang ang impormasyon sa audio, paglilibang o pag-uusap. Karaniwang gumagamit ang mga provider ng serbisyong ito ng mga numero ng teleponong may mga code ng lugar na mga numerong 900, at ang mga tumatawag ay nagbabayad ng karagdagang singil sa bawat pagtawag o sinisingil sa bawat minutong rate na mas mataas kaysa sa mga karaniwang pagtawag sa telepono.

Mga toll-free na numero at mga serbisyo ng pay-per-call

Ang mga toll-free na numero, gaya ng 800, 888, 877 at 833, ay maaari ding gamitin para sa mga serbisyo ng pay-per-call, kabilang ang ilang partikular na serbisyo ng directory o mga serbisyo kung saan may paunang bayad o pag-aayos ng subscription ang mga user. Gayunpaman, masisingil ka lamang pagkatapos tumawag sa numerong 800 para sa impormasyon kung:

  • Pumasok ka at ang kumpanyang nag-aalok ng mga serbisyo ng numerong 800 sa isang nakasulat na kasunduang isinasaad ang:
    • Ang halagang sisingilin sa iyo para sa bawat pagtawag.
    • Ang pangalan, address ng negosyo at numero ng telepono ng provider ng serbisyo ng impormasyon.
    • Isang natatanging PIN o device na panseguridad upang mapigilan ang mga hindi awtorisadong pagsingil sa iyong account.
  • Sinisingil ka para sa impormasyon sa pamamagitan ng credit, prepaid, debit, charge o calling card. Bago ka masingil para sa isang pagtawag sa isang numerong 800, dapat magbigay ang provider ng serbisyo ng panimulang mensaheng magsasabi sa iyong:
    • Mayroong singil sa pagtawag.
    • Magkano ang kabuuang halaga sa bawat minuto ng provider ng serbisyo at anumang iba pang bayarin.
    • Sisingilin ang mga bayarin sa isang credit, prepaid, debit, charge o calling card, at dapat ibigay ang iyong card number.
    • Magsisimula ang mga pagsingil sa pagtawag sa pagtatapos ng panimulang mensahe.
    • Maaari mong tapusin ang tawag sa panahon ng panimulang mensahe o sa pagtatapos ng panimulang mensahe at hindi ka masisingil para sa pagtawag.

Kung tatawag ka sa isang toll-free na numero, hindi ka awtomatikong makokonekta ng provider ng serbisyo ng impormasyon sa isang serbisyo ng numerong 900 o sa isang collect call.

Walang kinakailangang nakasulat na kasunduan upang masingil ka kapag tumatawag sa isang numerong 800 para sa mga serbisyo ng directory, para sa pagbili ng iba pang produkto at serbisyo, o para sa paggamit ng mga device na naghahatid ng mga serbisyo ng telekomunikasyon sa mga taong may mga kapansanan sa pandinig o pagsasalita.

Paano lumalabas sa iyong bill ng telepono ang mga singil sa pay-per-call

Ang mga singil para sa mga pay-per-call sa 900 at mga serbisyo ng impormasyon sa numerong 800 ay dapat ipakita sa isang seksyon ng iyong bill sa telepono na malinaw na nakahiwalay sa iyong mga lokal at long distance na singil sa telepono. Para sa bawat tawag na isinagawa sa isang serbisyo ng pay-per-call, nakasaad dapat ang impormasyon hinggil sa uri ng serbisyo, ang halaga ng pagsingil, ang petsa at oras ng araw at tagal ng tawag. Dapat mag-abiso ang mga provider ng serbisyo ng impormasyon sa kanilang mga customer nang hindi bababa sa isang yugto ng billing bago magsagawa ng anumang pagbabago sa kanilang mga pagsingil o tuntunin ng serbisyo.

Hindi maaaring idiskonekta ng iyong kumpanya ng telepono ang iyong lokal o long distance na serbisyo para sa hindi pagbabayad ng mga tinututulang pagsingil sa numerong 900 o 800. Gayunpaman, maaari kang hadlangan ng iyong kumpanya ng telepono sa pagsasagawa ng mga tawag sa mga numerong 900 kung hindi mo babayaran ang mga lehitimong singil sa numerong 900.

Pag-block ng mga numerong 900

Sa karamihan ng mga lugar, maaari mong hilingin sa iyong lokal na kumpanya ng telepono na i-block ang pag-dial ng numerong 900 mula sa iyong telepono. Dapat itong gawin ng kumpanya nang libre kung hihilingin mo ito sa loob ng 60 araw pagkatapos magsimula ng bagong serbisyo ng telepono. Maaaring maningil ang kumpanya ng makatuwirang isahang beses na bayad kung hihilingin mo ang pag-block pagkatapos ng 60 araw. Kung magpapasya kang alisin sa pagkaka-block ang pag-dial ng numerong 900, nakasulat dapat ang kahilingan mo sa iyong lokal na kumpanya ng telepono.

Paghahain ng reklamo

Kung may reklamo ka hinggil sa isang serbisyo ng numerong 900 o 800, subukan muna itong lutasin sa pamamagitan ng provider ng serbisyo o sa kumpanya ng billing. Kung hindi mo ito direktang malulutas, maaari kang maghain ng reklamo sa FCC (sa Ingles). Walang bayad ang paghahain ng reklamo.

Paghahain ng Reklamo sa Federal Trade Commission

Kung may reklamo ka tungkol sa isang provider ng serbisyo ng impormasyon na hindi isang kumpanya ng telepono, maaari mo itong idulog sa FTC sa https://www.ftccomplaintassistant.gov (sa Ingles).

 

Date Last Updated/Reviewed:

Mga Kahilingan para sa Alternatibong Format

Maaaring humiling ang mga taong may kapansanan sa paningin ng mga bersyon sa braille, may malaking print, o magagamit sa screen-reader ng artikulong ito sa pamamagitan ng anyong email sa fcc504@fcc.gov (sa English). Para sa audio at iba pang access, gamitin ang link na "I-explore ang Mga Opsyon sa Accessibility."

 

Help Center ng Consumer

Matuto tungkol sa mga isyu ng consumer - bisitahin ang Help Center ng Consumer ng FCC sa fcc.gov/consumers. Nasa wikang Ingles ang web page)

 

Maghain ng Reklamo sa FCC

Maghain ng Reklamo sa FCC

Pumunta sa aming Center sa Pagrereklamo ng Consumer sa consumercomplaints.fcc.gov (nasa wikang Ingles ang web page) upang maghain ng reklamo o sabihin sa amin ang nangyari sa iyo.