U.S. flag

An official website of the United States government

Dot gov

Official websites use .gov
A .gov website belongs to an official government organization in the United States.

SSL

Secure .gov websites use HTTPS
A lock ( ) or https:// means you’ve safely connected to the .gov website. Share sensitive information only on official, secure websites.

Sa pamamagitan ng programang E-rate ng FCC, nagiging mas abot-kaya ang mga serbisyo ng telekomunikasyon at impormasyon para sa mga paaralan at aklatan. Sa tulong ng pondo mula sa Pondo para sa Pangkalahatang Serbisyo (sa Ingles), nagbibigay ang E-rate sa mga kwalipikadong paaralan at aklatan ng mga diskwento sa mga telekomunikasyon, access sa Internet, at panloob na koneksyon.

Dahil sa kasalukuyang paglaganap ng mga makabagong digital na teknolohiya sa pag-aaral at sa pangangailangang maiugnay ang mga mag-aaral, guro, at consumer sa mga trabaho, patuloy na pag-aaral, at impormasyon, nagkaroon ng patuloy na pagtaas sa pangangailangan ng bandwidth sa mga paaralan at aklatan. Sa mga nakalipas na taon, inilipat ng FCC ang pinagtutuunan ng E-rate mula sa mga serbisyo ng legacy na telekomunikasyon papunta sa broadband, na may layuning higit na palawakin ang access sa Wi-Fi. Ang mga hakbang na ito upang modernisahin ang programa ay nakakatulong sa E-rate na makasabay sa pangangailangan ng higit pang access sa Internet. (Matuto pa tungkol sa pagmodernisa ng programang E-rate.(sa Ingles))

Ano ang mga magagamit na kapakinabangan sa ilalim ng programang E-rate?

Makakatanggap ang mga kwalipikadong paaralan at aklatan ng mga diskwento sa mga telekomunikasyon, serbisyo ng telekomunikasyon, at access sa Internet, gayundin sa mga panloob na koneksyon, serbisyo ng pinamamahalaang panloob na broadband, at pangunahing pagmementina ng mga panloob na koneksyon.

Ang mga diskwento ay mula 20 hanggang 90 porsyento, na may mas matataas na diskwento para sa mas mahihirap at nasa rural na paaralan at aklatan. Dapat bayaran ng mga tatanggap ang ilang bahagi ng mga gastos sa serbisyo.

Tingnan ang listahan ng mga kwalipikadong serbisyo (sa Ingles).

Paano gumagana ang programang E-rate?

Tutukuyin ng kwalipikadong paaralan o aklatan ang mga serbisyong kailangan nito at magsusumite ito ng kahilingan para sa mga kumpetitibong pag-bid sa Universal Service Administrative Company. Ipo-post ng USAC ang mga kahilingang ito sa website nito para sa pagsasaalang-alang ng mga vendor. Pagkatapos masuri ang mga alok nito, pipili ang paaralan o aklatan ng (mga) gusto nitong vendor at mag-a-apply ito sa USAC para sa pag-apruba ng mga gustong bilhin.

Pagkatapos, maghahayag ang USAC ng mga pangako nitong pagpopondo sa mga kwalipikadong aplikante. Kapag ibinigay ng vendor ang mga piniling serbisyo, magsusumite ng mga kahilingan sa USAC ang vendor o ang aplikante para sa pagbabalik ng ibinayad sa mga naaprubahang diskwento.

Dapat ay sumusunod ang kahilingan sa pag-bid at mga proseso ng kumpetitibong pag-bid sa mga panuntunan ng FCC at sa mga pang-estado at lokal na kinakailangan sa procurement.

Para sa higit pang impormasyon tungkol sa pagiging kwalipikado, tingnan ang mga pagpapakahulugan ng USAC (sa Ingles).

Paano nakikinabang ang mga paaralan at aklatan sa aking lugar?

Upang malaman kung aling mga paaralan at aklatan sa iyong lugar ang nakikinabang sa E-rate, gamitin ang tool para sa mga pangako ng USAC (sa Ingles).

Paano ang sistema ng pagsasapriyoridad sa mga kahilingan?

Una munang pinopondohan ang mga pinakamahirap na paaralan at aklatan, pagkatapos ay ang sunod na mga pinakamahirap na aplikante, at ang mga sumusunod dito.

Magkano ang pondong magagamit?

Ang pagpopondo ng programang e-rate ay batay sa pangangailangan hanggang sa isang taunang limitasyon na itinatag ng Komisyon na $4.456 bilyon.

Nagagawa ba ng programang E-rate ang mga katulad na pagsisikap ng estado at lokal na pamahalaan?

Nagsisilbing pambuo ang plano ng FCC sa mga pagsisikap ng mga estado at lokalidad upang makapaghatid ng mga advanced na serbisyo ng telekomunikasyon at impormasyon sa mga paaralan at aklatan. Noong nabuo ang programang E-rate sa taong 1996, 14 na porsyento lang ng mga silid-aralan para sa K-12 ng bansa ang may access sa Internet.

 

Date Last Updated/Reviewed:

Mga Kahilingan para sa Alternatibong Format

Maaaring humiling ang mga taong may kapansanan sa paningin ng mga bersyon sa braille, may malaking print, o magagamit sa screen-reader ng artikulong ito sa pamamagitan ng anyong email sa fcc504@fcc.gov (sa English). Para sa audio at iba pang access, gamitin ang link na "I-explore ang Mga Opsyon sa Accessibility."

 

Help Center ng Consumer

Matuto tungkol sa mga isyu ng consumer - bisitahin ang Help Center ng Consumer ng FCC sa fcc.gov/consumers. Nasa wikang Ingles ang web page)

 

Maghain ng Reklamo sa FCC

Maghain ng Reklamo sa FCC

Pumunta sa aming Center sa Pagrereklamo ng Consumer sa consumercomplaints.fcc.gov (nasa wikang Ingles ang web page) upang maghain ng reklamo o sabihin sa amin ang nangyari sa iyo.