U.S. flag

An official website of the United States government

Dot gov

Official websites use .gov
A .gov website belongs to an official government organization in the United States.

SSL

Secure .gov websites use HTTPS
A lock ( ) or https:// means you’ve safely connected to the .gov website. Share sensitive information only on official, secure websites.

Iniaatas ng Children's Television Act sa bawat broadcast television station sa U.S. na magpalabas ng programang partikular na idinisenyo para maibigay ang mga kinakailangan sa edukasyon at kaalaman ng mga bata. Nililimitahan din nito ang tagal ng oras na maitatalaga ng mga broadcaster, cable operator, at satellite provider sa mga patalastas habang ipinapalabas ang mga programang pambata.

Sa Hulyo 10, 2019, gumawa ng mga bagong panuntunan (sa English) ang Commission para bigyan ang mga broadcaster ng higit na kakayahang umangkop para matugunan ang mga kinakailangan sa programa sa telebisyong pambata. Iaanunsyo sa Federal Register ang mga petsa kung kailan magkakaroon ng bisa ang mga bagong panuntunan. Kapag nagkabisa na ang mga bagong panuntunan, kailangan ng mga TV station na:

  • Magpalabas ng hindi bababa sa 156 na oras ng taunang pangunahing programa, kasama ang hindi bababa sa 26 na oras kada tatlong buwan na regular na nakaiskedyul na lingguhang programa.
  • Ipalabas ang karamihan sa kanilang mga pangunahing programa sa kanilang pangunahing stream ng programa. Ang mga station na nagmu-multicast nang mahigit sa isang stream ng programang video ay puwedeng magpalabas ng hanggang 13 oras kada tatlong buwan ng regular na nakaiskedyul na lingguhang programa sa isa sa kanilang mga multicast stream.

Pangunahing programa para sa mga bata

Partikular na idinisenyo ang pangunahing programa para maihatid ang mga kinakailangang edukasyon at kaalaman ng mga batang 16 na taong gulang at mas bata, kabilang ang mga intelektwal/cognitive o social/emosyonal na kinakailangan ng mga bata. Bilang karagdagan, ang pangunahing programa ay:

  • Ihinahatid ang mga kinakailangang edukasyon at kaalaman ng mga bata bilang makabuluhang layunin.
  • Dapat na hindi bababa sa 30 minuto ang haba, ngunit pinapahintulutan ang mga TV station na magpalabas ng limitadong dami ng maiikling programa na wala pang 30 minuto ang haba, kabilang ang mga anunsyo ng serbisyo sa publiko at mga interstitial na programa, at isasama ang mga programang iyon sa mga pangunahing programa.
  • Ipapalabas sa pagitan ng 6:00 a.m. at 10:00 p.m.
  • Regular na nakaiskedyul na lingguhang programa, ngunit pinapahintulutan ang mga TV station na magpalabas ng limitadong dami ng pangunahing programa na hindi regular na nakaiskedyul linggu-linggo, tulad ng mga espesyal na pang-edukasyon at regular na nakaiskedyul na hindi lingguhang programa, at isama ang mga programang iyon bilang mga pangunahing programa.

Dapat magbigay ang mga pangkomersyong television station ng impormasyong tumutukoy sa mga programang pang-edukasyon para sa mga bata sa mga publisher ng TV guide at TV listing. Bilang karagdagan, dapat na tukuyin ng mga pangkomersyong television station ang mga pangunahing programa sa pamamagitan ng pagpapakita ng simbolong E/I sa kabuuan ng programa.

Mga limitasyon ng oras ng patalastas

Nililimitahan ng mga panuntunan ng FCC ang dami ng patalastas na puwedeng ipalabas sa programa ng telebisyong pambata para sa mga batang manonood na 12 taong gulang at mas bata sa 10.5 minuto kada oras sa mga weekend at 12 minuto kada oras sa mga weekday. Iniaatas din ng FCC na ihiwalay ang materyal ng programang ito sa mga patalastas sa pamamagitan ng paglalagay ng pagitan at hindi nauugnay na materyal ng programa. Hindi nalalapat ang mga limitasyon ng oras sa mga pampublikong television station dahil karaniwang ipinagbabawal sa mga station na ito ang pagpapalabas ng mga patalastas.

Pagpapakita ng mga address sa web habang ipinapalabas ang mga programa

Ang pagpapakita ng mga address ng website habang ipinapalabas ang mga programang nakadirekta sa mga batang may edad na hanggang 12 taong gulang ay pinapahintulutan lang kung natutugunan ng website ang sumusunod na pamantayan:

  • Nag-aalok ito ng marami-raming content na tunay na nauugnay sa programa o iba pang content na hindi pangkomersyo.
  • Hindi ito pangunahing nilayon para sa mga layuning pangkomersyo.
  • Malinaw na pinaghihiwalay ng home page at mga page ng menu ang mga seksyong hindi pangkomersyo sa mga pangkomersyong seksyon.
  • Ang page ng website kung saan idinidirekta ang mga manonood ay hindi ginagamit para sa e-commerce, advertising o iba pang mga pangkomersyong layunin.

Hindi puwedeng magpakita ang mga television broadcaster, cable operator, at satellite provider ng mga address ng website habang nagpapalabas ng o kasabay ng isang programang pambata kung nagbebenta ng mga produkto na nagtatampok ng karakter sa programa, o ginagamit ang karakter ng programa para magbenta ng mga produkto. Hindi nalalapat ang pagpapakita ng website sa ilang anunsyo ng serbisyo sa publiko, station identification at emergency na anunsyo.

Pagsubaybay sa pagsunod sa mga panuntunan ng FCC

Iniatas sa mga pangkomersyong TV station na ipasa sa FCC ang mga taunang ulat na tumutukoy sa mga pangunahing programa ng station at iba pang mga pagsisikap para sumunod sa kanilang mga obligasyon sa programang pang-edukasyon. Ang mga ulat na ito - Children's Television Programming Reports (FCC Form 2100 Schedule H) – ay dapat na available sa publiko. Makukuha ang mga ulat mula sa online na public inspection file ng station sa publicfiles.fcc.gov (sa English) o mula sa Children's Educational Television Reporting (sa English) page ng FCC. Gayundin, dapat na magpanatili ng record ang mga pangkomersyong TV broadcaster, cable operator, at satellite provider para makumpirma ang pagsunod sa mga limitasyon sa tagal ng patalastas at gawing available ang mga record na ito para sa pagsisiyasat ng publiko.

 

Date Last Updated/Reviewed:

Mga Kahilingan para sa Alternatibong Format

Maaaring humiling ang mga taong may kapansanan sa paningin ng mga bersyon sa braille, may malaking print, o magagamit sa screen-reader ng artikulong ito sa pamamagitan ng anyong email sa fcc504@fcc.gov (sa English). Para sa audio at iba pang access, gamitin ang link na "I-explore ang Mga Opsyon sa Accessibility."

 

Help Center ng Consumer

Matuto tungkol sa mga isyu ng consumer - bisitahin ang Help Center ng Consumer ng FCC sa fcc.gov/consumers. Nasa wikang Ingles ang web page)

 

Maghain ng Reklamo sa FCC

Maghain ng Reklamo sa FCC

Pumunta sa aming Center sa Pagrereklamo ng Consumer sa consumercomplaints.fcc.gov (nasa wikang Ingles ang web page) upang maghain ng reklamo o sabihin sa amin ang nangyari sa iyo.