U.S. flag

An official website of the United States government

Dot gov

Official websites use .gov
A .gov website belongs to an official government organization in the United States.

SSL

Secure .gov websites use HTTPS
A lock ( ) or https:// means you’ve safely connected to the .gov website. Share sensitive information only on official, secure websites.

Ginawang ilegal ng mga batas ng pederal at estado ang pagharang at pagbubunyag ng mga komunikasyon sa radyo at mapapatawan ng mabibigat na parusang kriminal, na may ilang partikular na pagbubukod.

Anong uri ng mga pagharang at pagbubunyag ng mga pag-transmit sa radyo ang legal?

Hindi ipinagbabawal ng FCC at ng Communications Act ang ilang partikular na uri ng pagharang at pagbubunyag ng mga komunikasyon sa radyo, kasama ang:

  • Simpleng pagharang ng mga komunikasyon sa radyo, gaya ng pakikinig sa pakikipag-usap ng iyong kapitbahay sa isang cordless na telepono, o pakikinig sa mga ulat sa mga serbisyong pang-emergency sa isang scanner ng radyo (bagama't ang pagharang at/o pagre-record ng mga komunikasyon sa radyo na nauugnay sa telepono ay maaaring isang paglabag sa iba pang batas pederal o batas ng estado).
  • Pagbubunyag ng ilang partikular na komunikasyon sa radyo na na-transmit para sa paggamit ng publiko (gaya ng mga pag-broadcast sa radyo at telebisyon).
  • Pagbubunyag ng mga broadcast na nauugnay sa mga barko, aircraft, sasakyan o taong humihingi ng tulong.
  • Pagbubunyag ng mga pag-transmit ng mga amateur na radio o citizen band radio operator.

Anu-anong uri ng pagharang at pagbubunyag ang ipinagbabawal?

Pinagbabawalan ng Communications Act ang isang tao na gumamit ng naharang na komunikasyon sa radyo para sa sarili niyang kapakinabangan. Kasama sa mga halimbawa nito ang:

  • Isang kumpanya ng taxicab na naghaharang ng mga komunikasyon sa radyo sa pagitan ng mga dispatcher at driver ng isang kakumpitensyang kumpanya upang magkaroon ng kalamangan sa kumpetisyon.
  • Hindi awtorisadong pagharang ng mga signal mula sa mga binabayarang serbisyo ng telebisyon, gaya ng cable o satellite.
  • Isang taong nagbebenta o nagpa-publish ng recording o mga content ng pag-uusap sa wireless na telepono ng ibang tao.

Paano naman ang tungkol sa kagamitang ginagamit upang magharang ng mga komunikasyon sa radyo?

Pinagbabawalan ng Communications Act ang FCC na magbigay ng awtorisasyon sa mga kagamitan ng pag-scan ng radyo na:

  • Maaaring tumanggap ng mga transmission sa mga frequency na nakatalaga sa mga cellular na serbisyo sa bansa.
  • Madaling mababago ng user upang harangin ang mga cellular na komunikasyon.
  • Maaaring baguhin upang ma-convert ang mga digital na transmission sa analog na audio ng boses.

Ilegal na gumawa, mag-import, magbenta o magparenta ng nasabing hindi awtorisadong kagamitan sa Estados Unidos.

 

Date Last Updated/Reviewed:

Mga Kahilingan para sa Alternatibong Format

Maaaring humiling ang mga taong may kapansanan sa paningin ng mga bersyon sa braille, may malaking print, o magagamit sa screen-reader ng artikulong ito sa pamamagitan ng anyong email sa fcc504@fcc.gov (sa English). Para sa audio at iba pang access, gamitin ang link na "I-explore ang Mga Opsyon sa Accessibility."

 

Help Center ng Consumer

Matuto tungkol sa mga isyu ng consumer - bisitahin ang Help Center ng Consumer ng FCC sa fcc.gov/consumers. Nasa wikang Ingles ang web page)

 

Maghain ng Reklamo sa FCC

Maghain ng Reklamo sa FCC

Pumunta sa aming Center sa Pagrereklamo ng Consumer sa consumercomplaints.fcc.gov (nasa wikang Ingles ang web page) upang maghain ng reklamo o sabihin sa amin ang nangyari sa iyo.