Ang karamihan ng mga subscriber ng satellite ay maaaring makasagap ng mga broadcast na channel ng telebisyon na mula sa kanilang lokal na lugar, ngunit maaaring hindi available ang ilang channel na bino-broadcast sa mga kalapit na market. Maaaring tanungin ng mga subscriber sa kanilang mga kumpanya ng satellite TV kung maidaragdag nila ang mga channel na ito.
Ano ang 'lokal patungo sa lokal' na serbisyo?
Ang mga serbisyo ng satellite na naghahatid ng mga lokal na broadcast na istasyon ng TV - na karaniwang tinatawag na “lokal patungo sa lokal” (“local-into-local”) na serbisyo - ay available sa karamihan ng mga subscriber. Maaaring maningil ang iyong kumpanya ng satellite para sa ganitong serbisyo.
Sa pamamagitan ng lokal patungo sa lokal na serbisyo, muling ipapadala ng mga kumpanya ng satellite TV mula sa mga istasyong nasa partikular na “nakatalagang lugar ng market” (“designated market area”) ang mga signal papunta sa mga subscriber na nasa parehong DMA. Itinatalaga ng Nielsen Company ang bawat county sa isang DMA, na pangunahing nakabatay sa pagsukat nito ng mga lokal na gawi sa panonood.
Pag-access sa mga 'may maraming manonood' na kalapit na istasyong nasa labas ng market
Kung nakakatanggap ka ng lokal patungo sa lokal na serbisyo, maaari ding maghatid ang iyong kumpanya ng satellite TV ng mga wala sa market na broadcast na istasyong nakatalaga sa kalapit na lokal na TV market na natukoy ng FCC na “may maraming manonood.” Ito ay mga istasyong mapapanood nang over-the-air ng “malaking” bilang ng sambahayan sa iyong komunidad.
Nagpo-post ang FCC ng listahan ng mga istasyong (sa Ingles) kwalipikado bilang mga signal na may maraming manonood at ng mga komunidad kung saan nagmumula ang maraming manonood ng mga ito. Makukumpirma ng iyong satellite carrier kung ang isang istasyon ay nasa listahan ng may maraming manonood at kung iaalok nito ang istasyon.
Ang proseso ng pagbabago ng market ng FCC
Maaaring magdagdag ang FCC ng iba pang istasyon ng TV sa iyong lokal na TV market sa pamamagitan ng proseso ng pagbabago ng market kung maipapakita ng istasyon na naghahatid ito ng lokal na serbisyo sa iyong komunidad at may teknikal na kakayahan ang iyong kumpanya ng satellite TV upang ihatid ang istasyon.
Kinakailangan sa prosesong ito na maghain ng kahilingan sa FCC ang istasyon, ang iyong kumpanya ng satellite TV, o ang pamahalaan ng iyong county. Hindi maaaring maghain nang direkta ang mga subscriber.
Ang proseso ng pagbabago ng market ng STELAR (sa Ingles) (STELA Reauthorization Act of 2014) ay nagbibigay ng higit pang impormasyon, kabilang ang mga pamantayan na isinasaalang-alang ng FCC sa pagsusuri ng kahilingan mula sa istasyon, iyong kumpanya ng satellite TV, o pamahalaan ng iyong county.
Pag-access sa mga wala sa market na istasyon ng mga 'hindi sineserbisyuhang' subscriber
Kung ang iyong kumpanya ng satellite TV ay hindi nag-aalok ng lokal patungo sa lokal na serbisyo, o hindi nag-aalok ng broadcast na istasyon ng TV ng partikular na network bilang bahagi ng lokal patungo sa lokal na serbisyo nito sa iyong market, at hindi ka makasagap ng magandang signal nang over-the-air mula sa lokal na istasyon ng network, ikaw ay isang “hindi sineserbisyuhang” subscriber. Sa ganitong sitwasyon, maaari mong tanungin sa iyong kumpanya ng satellite TV kung makakapaghatid ito sa iyo ng wala sa market na istasyong naka-affiliate sa parehong network.
Pag-access sa broadcast TV na hindi sa pamamagitan ng satellite
Ang mga subscriber ay makakasagap din ng mga libre, over-the-air, at lokal na broadcast na istasyon ng TV, nag-aalok man o hindi nag-aalok ang kanilang kumpanya ng satellite TV ng lokal patungo sa lokal na serbisyo, sa pamamagitan ng pagkakabit ng tradisyonal na antenna na gagamitin kasama ng kanilang serbisyo ng satellite. Gayunpaman, nakadepende sa ilang salik ang iyong kakayahang makasagap ng mga over-the-air na signal, kung saan kabilang ang heograpikong lokasyon at kalidad ng antenna.
Para sa higit pang impormasyon
Matuto pa tungkol sa broadcast TV mula sa satellite (sa Ingles). Para sa impormasyon tungkol sa iba pang isyu sa pakikipag-ugnayan, bisitahin ang Help Center para sa Consumer ng FCC (sa Ingles).
Mga Kahilingan para sa Alternatibong Format
Maaaring humiling ang mga taong may kapansanan sa paningin ng mga bersyon sa braille, may malaking print, o magagamit sa screen-reader ng artikulong ito sa pamamagitan ng anyong email sa fcc504@fcc.gov (sa English). Para sa audio at iba pang access, gamitin ang link na "I-explore ang Mga Opsyon sa Accessibility."
Help Center ng Consumer
Matuto tungkol sa mga isyu ng consumer - bisitahin ang Help Center ng Consumer ng FCC sa fcc.gov/consumers. Nasa wikang Ingles ang web page)
Maghain ng Reklamo sa FCC
Pumunta sa aming Center sa Pagrereklamo ng Consumer sa consumercomplaints.fcc.gov (nasa wikang Ingles ang web page) upang maghain ng reklamo o sabihin sa amin ang nangyari sa iyo.