Tumatawag ba sa iyo ang Social Security Administration, o ang SSA, para sabihin na takdang panahon na para sa pagtaas ng cost-of-living mo para sa mga buwanang pagbabayad ng benepisyo mo? Magandang balita iyon, 'di ba? Kahit na parang lehitimo ang taong tumatawag sa iyo, maaaring sinusubukan lang ng tumatawag na nakawin ang pera mo.

Nag-post ang SSA ng mga alerto (sa Ingles) tungkol sa mga ganitong scam sa telepono kung saan magpapakilala ang isang tumatawag bilang empleyado ng SSA at sasabihin niyang takdang panahon na para sa pagtaas ng cost-of-living mo, at hihilingin niya sa iyong i-verify ang iyong personal na impormasyon. Sa mga katulad na bersyon ng scam (sa Ingles), maaaring sabihin ng tumatawag na "hindi gumagana ang mga computer ng SSA" o maaaring banggitin niya ang pagpapatala sa programa ng inireresetang gamot ng Medicare. Ayon sa SSA, ginagamit ng mga scammer ang impormasyon ng mga biktima at sinusubukang baguhin ang kanilang mga direct deposit account upang nakawin ang mga natatanggap nilang pagbabayad ng social security.

Mas matandang Lalaki Hinahanap sa Cellphone na may Sorpresa

Kung may nakipag-ugnayan sa iyo sa anumang paraan — tawag sa telepono, email, sulat, o text — na nagsasabing mula sila sa SSA na mukhang kahina-hinala, dapat kang makipag-ugnayan sa SSA (sa Ingles) at humiling ng verification. Kung hindi ma-authenticate ng SSA ang natanggap mong komunikasyon, dapat mo itong iulat sa Office of Inspector General ng SSA sa 1-800-269-0271 o online sa https://oig.ssa.gov/report (sa Ingles). Kung naniniwala kang nabiktima ka ng isang scam, dapat ka ring makipag-ugnayan sa tagapagpatupad ng batas.

Regular na nakakatanggap ang FCC ng mga reklamo mula sa consumer tungkol sa mga scam sa telepono at nakatanggap ito kamakailan ng mga reklamong nauugnay sa panggagaya ng caller ID ng numero ng telepono ng Social Security.

Binibigyan ka ng babala ng FCC na mag-ingat sa panggagaya ng caller ID, na nangyayari kapag gumagamit ang mga scammer ng makabagong teknolohiya upang itago ang kanilang pagkakakilanlan bilang pagtatangka na dayain ka nang sa gayon ay magbigay ka ng mahahalagang personal na impormasyon na magagamit nila sa pagnanakaw ng pera mula sa iyo.  Kayang ipakita ng mga manggagaya sa caller ID mo ang numero ng telepono ng mga bangko, creditor, kumpanya ng insurance, o kahit ng pamahalaan, gaya ng IRS o, sa kasong ito, ng SSA.

Para sa mga tip sa kung ano ang magagawa mo upang maprotektahan ang iyong sarili, suriin ang gabay sa consumer ng FCC na Panggagaya at Caller ID. Maaari ka ring matuto pa tungkol sa kung paano Ihinto ang Mga Hindi Gustong Tawag at Text, at maghanap ng mga mapagkukunan sa web para sa pag-block ng mga robocall.

Maghain ng reklamo sa FCC

Ang mga consumer ay maaaring maghain ng mga reklamo online (sa Ingles) tungkol sa mga isyu sa billing at serbisyo ng telecom, hindi gustong tawag, at iba pang bagay na pinangangasiwaan ng FCC. May available na impormasyon tungkol sa proseso ng hindi pormal na reklamo ng FCC, kasama kung paano maghain ng reklamo, at kung ano ang mangyayari pagkatapos maghain ng reklamo, sa FAQ ng Center ng Reklamo ng FCC (sa Ingles).

 

 

 

   

 

 

Updated:
Wednesday, April 25, 2018