Ang mga AMBER alert ay ginagamit ng pulisya para abisuhan ang publiko tungkol sa mga nawawalang bata na pinaghihinalaang dinukot.  Ang mga AMBER Alert ay ginagamit lang para sa pinakamalulubhang kaso ng pagdukot ng bata, kapag pinaniniwalaan ng mga awtoridad na nasa napipintong panganib ang isang bata ng malubhang pinsala sa katawan o pagkamatay. Ang layunin ng mga AMBER Alert ay magdagdag ng milyun-milyong karagdagang tao para makapagmasid, makinig at makatulong sa ligtas na pagpapabalik sa bata at sa paghuli sa nagdukot.

Paano ito gumagana

Ang mga opisyal ng pulisya ay naglalabas ng mga AMBER Alert na may kasamang mga larawan at impormasyon tungkol sa mga nawawalang bata at mga posibleng nagdukot, kasama ang mga numero sa pakikipag-ugnayan para mag-ulat ng mga namataan o magbigay ng impormasyon. Ipinapadala ang mga alerto sa mga istasyon ng radyo at telebisyon at mga cable TV outlet na gumagamit sa Emergency Alert System para ihayag ang impormasyon sa mga lokal na komunidad sa buong United States at mga teritoryo nito.

Ang mga subscriber ng mga nakikilahok na wireless service provider ay maaari ding makatanggap ng mga AMBER Alert bilang mga text message sa kanilang mga wireless device nang hindi sinisingil. Makipag-ugnayan sa iyong wireless service provider para tukuyin kung nakikilahok ito sa programang ito.  Kinakailangan ng FCC na ang mga AMBER Alert na ipinapadala gamit ang Wireless Emergency Alert system na magsama ng mga web link sa mga larawan ng mga nawawalang bata at mga numero ng telepono para sa pulisya.

Anong maaari mong gawin

Kung makakakita ka ng bata, matanda o sasakyang tumutugma sa isang paglalarawan ng AMBER Alert, tumawag kaagad sa numero ng telepono na ibinigay sa AMBER Alert at magbigay sa mga awtoridad ng maraming impormasyon hangga't posible.

Kung naniniwala kang nawawala ang isang bata, dapat kang makipag-ugnayan kaagad sa lokal na pulisya, pagkatapos ay tumawag sa National Center for Missing & Exploited Children sa 1-800-THE-LOST (1-800-843-5678). Maaaring makakita ng higit pang impormasyon tungkol sa mga available na resource sa missingkids.org/MissingChild (sa Ingles).

 

Date Last Updated/Reviewed:

Mga Kahilingan para sa Alternatibong Format

Maaaring humiling ang mga taong may kapansanan sa paningin ng mga bersyon sa braille, may malaking print, o magagamit sa screen-reader ng artikulong ito sa pamamagitan ng anyong email sa fcc504@fcc.gov (sa English). Para sa audio at iba pang access, gamitin ang link na "I-explore ang Mga Opsyon sa Accessibility."

 

Help Center ng Consumer

Matuto tungkol sa mga isyu ng consumer - bisitahin ang Help Center ng Consumer ng FCC sa fcc.gov/consumers. Nasa wikang Ingles ang web page)

 

Maghain ng Reklamo sa FCC

Maghain ng Reklamo sa FCC

Pumunta sa aming Center sa Pagrereklamo ng Consumer sa consumercomplaints.fcc.gov (nasa wikang Ingles ang web page) upang maghain ng reklamo o sabihin sa amin ang nangyari sa iyo.