Ina-upgrade na ang mga cellular network dahil sa pagdating ng ikalimang henerasyon, o teknolohiyang "5G". Tulad ng mga naunang henerasyon, makakaasa ang mga konsumer sa mga bagong gamit at pinahusay na mga karanasan ng user.

Maliban sa mga mobile phone, ang matitinding pagsulong sa koneksyon dahil sa 5G ay magbibigay-daan sa mga paggamit mula sa mga hanay ng telemedicine upang matulungan ang mga komunidad na pangasiwaan ang mga lokal na sanggunian tulad ng mga trapik sa signal at mga suplay ng tubig. Susuportahan ng 5G ang lumalaking bilang ng mga nakakonektang device upang mapahusay ang kalidad at pagiging epektibo ng lahat ng uri ng mga produkto at serbisyo na tinatamasa ng mga konsumer ngayon. Ang iba pang mga potensyal na gamit ay kinabibilangan ng augmented reality, virtual reality at mga sasakyang minamaneho ang sarili. Alamin ang higit pa tungkol sa kung ano ang aasahan sa pagdating ng 5G:

Ano ang 5G?

Ang 5G ay kumakatawan sa ikalimang henerasyon ng mga mobile na komunikasyon. Ipinapangako nitong susunod na henerasyon ng teknolohiya ang mas mabibilis na data rate ng konsumer na may mas mababang latency, o mga pagkaantala, sa pagtransmit ng data. Ipinapangako rin nito ang higit na kapasidad para sa mas mabisang network. Ang 5G ay dinidisenyo nang isinasaalang-alang ang pagiging flexible, upang masuportahan ang mga serbisyo sa hinaharap at mga gamit na maaaring hindi pa umiiral sa ngayon.

Paano naiiba ang 5G mula sa 4G?

Ang teknolohiyang 5G ay makapagbibigay ng mas matataas na bilis ng data nang may mas mababang pagkaantala kumpara sa 4G, minsan ay tinutukoy bilang 4G LTE. Ang ilang mga serbisyo ng 5G ay magbibigay sa mga saklaw na lugar ng mga bilis ng data na hanggang 100 beses na mas mabilis at halos kaagad ang oras ng pagtugon. Halimbawa, aabutin nang halos anim na minuto upang ma-download ang isang feature-length na pelikula sa 4G. Sa 5G, ang parehong pelikula ay maaaring ma-download nang kasingbilis ng 15 segundo. Sa teknikal na pananalita, ang bilis ng kasalukuyang 4G ay tinatayang 12-36 megabytes bawat segundo (Mbps), habang ang mga serbisyo ng 5G ay inaasahang susuporta sa bilis na hanggang 300 Mbps o higit pa.

Kailang magiging available ang 5G?

Kailangan ng teknolohiyang 5G ang upgraded na mga cellular network gayundin ang mga device na may kakayanang i-access ang mga bagong network na ito. Pinapalawak na ang mga 5G network sa ilang bahagi ng bansa. Sumangguni sa inyong mobile provider para sa detalyadong impormasyon tungkol sa mga plano nito sa pagpapalawak ng 5G.

Gagana ba ang 5G na telepono sa lugar na limitado o hindi available ang serbisyong 5G?

Ang mga 5G na telepono na kasalukuyang nasa merkado ay "backward compatible," ibig sabihin ay may kakayanan ang mga ito na gumana sa mas naunang mga henerasyon ng network sa labas ng mga saklaw na lugar ng 5G.

Gagana pa rin ba ang isang 3G o 4G na telepono?

Patuloy na gagana ang mga 4G device. Inaasahan sa mga mobile provider na pananatilihin nila ang kanilang mga 4G network habang namumuhunan sila sa pagpapalawak ng 5G. Kung mahigit sa ilang taong gulang ang iyong mobile device, maaaring isa itong 3G device. Sumangguni sa iyong mobile provider upang malaman kung may plano itong i-phase out ang mga serbisyo nitong 3G.

Gagana ba ang 5G sa mga umiiral na device na ginawa para sa 3G o 4G?

Hindi. Kinakailangan ang mga bagong device. Kabilang dito ang mga mobile phone at ibang mga cellular device, tulad ng mga tablet at mga smart watch. Bago bumili ng isang 5G device, sumangguni sa iyong mobile provider upang malaman kung available sa inyong lugar ang serbisyong 5G.

Magagamit ko ba ang naka-unlock na 5G device sa anumang network?

Habang marami sa mga mobile phone na nabibili ngayon ay "naka-unlock" upang makapagpalit ka ng mga provider, maaaring hindi gagana ang mga 5G na telepono – kahit na na-advertise na naka-unlock – sa 5G network ng ibang provider. Ang mga naunang 5G-capable device ay maaaring may kasama lamang na partikular na mga antenna na idinisenyo para sa mga serbisyong 5G ng isang kumpanya. Tingnan ang mga specification ng device para sa iba’t ibang mga frequency na katugma nito at ihambing ito sa mga frequency ng mga provider na isinasaalang-alang mo.

Paano naman ang serbisyong 5G home broadband?

Available ang serbisyong 5G home broadband sa ilang merkado bilang alternatibo sa DSL, Fiber o mga serbisyong Cable. Kung mag-subscribe ka sa serbisyong 5G home broadband, kakailanganin mo ng tugmang kasangkapan.

May 5G sa pangalan ng aking home wi-fi router, may 5G na ba ako sa bahay?

Hindi. Ang markang 5G sa isang home Wi-Fi router ay tumutukoy na gumagana ito sa 5GHz (gigahertz) na spectrum band. Ang Wi-Fi ay batay sa ibang teknolohiya kumpara sa 5G o ikalimang henerasyon na wireless.

Ano ang papel ng FCC sa 5G?

Ang FCC ay nagtataguyod ng isang komprehensibong istratehiya upang mapadali ang pagpapalawak ng 5G sa U.S. Kabilang sa istratehiyang ito ang tatlong pangunahing bahagi: pagtataguyod ng higit na espektro sa merkado; pag-update sa patakaran ng imprastruktura; at pagpapabago sa mga lipas nang regulasyon. Para sa higit pang impormasyon, tingnan ang 5G FAST Plan ng FCC.

Ang Limang G – Isang Pagkasunod-sunod

Button Image - 'The 5Gs - A Chronology'

5G – Gumagana Na Ngayon
Nangangako ng mas mabilis na mga halaga ng data at katipiran sa enerhiya. Pinapahusay ang umiiral nang mga network at hinahatid ang mga bagong gamit tulad ng telemedicine at virtual reality.

4G – Pag-stream ng Video
Mas mabilis na mga pag-download at pag-upload ng data, sumusuporta sa data-intensive na mga application, mga serbisyong pang-gaming, mobile TV, video conferencing, at iba pang mabibilis na tampok.

3G – Internet at Video
Pinapagana ang full-feature na access sa mobile internet at video calling, nang may mas mabilis na paghahatid ng data.

2G – Messaging
Pinapalitan ang mga analog ng digital na network. Pinapagana ang encryption ng tawag at text, text, at multimedia messaging.

1G – Wireless na Pagtawag
Inalis ang pangangailangan ng mga kable ng telepono at copper na kable, pinapagana ang mga pagtawag sa network. Tinig lamang. Mahinang baterya at kalidad ng tinig.

 

 

 

   

 

 

Updated:
Tuesday, December 17, 2019