Suicide Prevention Lifeline
Sa panahon ng paglipat sa "988", dapat na magpatuloy ang mga Amerikano na kailangan ng tulong na makipag-ugnayan sa National Suicide Prevention Lifeline sa pamamagitan ng pagtawag sa 1-800-273-8255 (1-800-273-TALK) at sa pamamagitan ngmga online na chat. Puwedeng makipag-ugnayan ang Mga Beterano at Miyembro ng Serbisyo ang Veterans Crisis Line sa pamamagitan ng pagpindot ng "1" pagkatapos mag-dial, mag-chat online sa www.veteranscrisisline.net, o mag-text sa 838255.
Ano ang Sampung Digit na Pag-dial?
Kailangan para sa sampung digit na na-dial na tawag sa telepono na ilagay ang parehong tatlong digit na area code at ang pitong digit na numero ng telepono para makumpleto ang tawag, kahit na pareho lang ang area code sa sarili mong area code. Kapag nalipat na ang area code sa sampung digit na pag-dial, hindi ka na makakapag-dial ng pitong digit para makagawang lokal na tawag.
Hindi maaapektuhan ng paglipat sa sampung digit na pag-dial ang kasalukuyan mong numero ng telepono. Hindi magbabago ang iyong numero ng telepono, kasama ang area code mo. Sa California at sa Illinois na area code 708, posibleng kailangan mong i-dial ang numerong "1" bago ang area code at pitong digit na numero ng telepono para sa mga lokal na tawag.
Paparating na Paglipat sa Sampung Digit na Pag-dial: Saan at Kailan?
ayroong 82 area code sa 35 estado at isang teritoryo ng U.S. na kasalukuyang gumagamit ng "988" bilang kanilang lokal na exchange at pumapayag sa pitong digit na pag-dial. Ang lokal naexchange, na kilala rin bilang central office code, ay ang unang tatlong numero sa pitong digit na numero ng telepono. Para makapaghanda sa pagpapatupad ng mas mabilis na paraan na ma-dial ang National Suicide Prevention Lifeline –gamit lang ang "988" para ikonekta ang mga tumawag sa Lifeline - dapat lumipat ang mga area code na ito sa sampung digit na pag-dial para sa lahat ng tawag, kasama ang mga lokal na tawag.
May listahan ang North American Number Plan Administration ng mga estado at area code na apektado. Puwede mong tingnan ang listahan para malaman kung isa ang iyong area code sa lilipat: https://nationalnanpa.com/transition_to_10_digit_dialing_for_988/docs/NPAsRequiredtoTransitionto10DD.pdf
Kung kasama ang iyong area code sa mga ito, simula sa Oktubre 24, 2021, dapat kang mag-dial ng sampung digit (area code + numero ng telepono) para sa lahat ng lokal na tawag. Sa petsang ito, at pagkatapos, posibleng hindi makonekta ang mga lokal na tawag nana-dial gamit ang pitong numero lang, at may recording na magsasabi sa iyong hindi makukumpleto ang iyong tawag dahil sana-dial.Dapat mong ibaba ang telepono at mag-dial muli gamit ang area code at ang pitong digit na numero.
Pinagana ang sampung digit na pag-dial para sa mga lokal na tawag sa mga area code na ito simula Abril 24, 2021, at puwede kang magsimulang mag-dial ng sampung digit anumang oras, gayunpaman makukumpleto pa rin ang pitong digit na mga lokal na tawag bago ang Oktubre 24, 2021.
Walang kaugnayan sa paparating na paglipat ng "988," sa Oktubre 9, 2021, lilipat din ang area code na "202" sa sampung digit na pag-dial. Magbibigay-daan ang paglipat na ito para sa bagong area code, "771", na idaragdag sa kasalukuyang "202" na area. Pagkatapos ng petsang ito, hindi makukumpleto ang mga tawag na na-dial gamit lang ang pitong digit.
Anong Mga Pagbabago ang Kailangang Gawin ng Mga Negosyo?
Kung gumagamit ang iyong kumpanya ng PBX o VoIP phone system, posibleng kailangan mong i-update o i-reprogram ito para sa sampung digit na pag-dial. Dahil naging available na ang sampung digit na pag-dial noong Abril 2021 sa mga lugar kung saan ihihinto na ang paggamit ng pitong digit na pag-dial sa Oktubre 2021, puwede nang magsimula anumang oras ang pag-reprogram ng mga PBX o VoIP system. Dapat kang magplano na makumpleto ang anumang kinakailangang pag-reprogram at pagsubok sa iyong system bago ang Oktubre 2021.
Bakit Kailangan ang Sampung Digit na Pag-dial??
Mas marami ang telepono sa America kaysa sa mga tao, at kailangan ng bawat telepono ng sarili nitong numero ng telepono. Simula ng unang bahagi ng 1990s, para ma-accommodate ang lumalaking pangangailangan para sa higit pang numero ng telepono, nagsimula ang ilang lugar na magdagdag ng pangalawang area code para sa mga lokal na tawag. Kinakailangan ang pag-dial ng parehong area code at pitong digit na numero para matiyak na makakarating ang tawag sa nilayong tatanggap. Dahil parami nang parami ang area code na nauubusan ng bagong pitong digit na numero na itatalaga, posibleng magdagdag ng pangalawang lokal na area code, na humihiling sa lugar na iyon na lumipat sa sampung digit na pag-dial.
Noong 2020, itinatag ng FCC ang "988" bilang bago, pambuong bansang tatlong digit na numero ng telepono para sa National Suicide Prevention Lifeline. Magiging available sa buong bansa ang tatlong digit na code sa pag-dial sa Hulyo 16, 2022 at magbibigay ng madaling tandaang tatlong digit na numero para maabot ang mga suicide prevention at mental health counselor, katulad ng "911" para sa mga emergency at "311" para sa mga serbisyo ng lokal na pamahalaan. Para makatulong na mapangasiwaan ang paglikha ng "988", ang mga area code na gumagamit ng "988" bilang lokal na exchange, o ang unang tatlong digit ng pitong digit na numero ng telepono, ay mangangailangang gumamit ng 10 digit na pag-dial.
Mga Kahilingan para sa Alternatibong Format
Maaaring humiling ang mga taong may kapansanan sa paningin ng mga bersyon sa braille, may malaking print, o magagamit sa screen-reader ng artikulong ito sa pamamagitan ng anyong email sa fcc504@fcc.gov (sa English). Para sa audio at iba pang access, gamitin ang link na "I-explore ang Mga Opsyon sa Accessibility."
Help Center ng Consumer
Matuto tungkol sa mga isyu ng consumer - bisitahin ang Help Center ng Consumer ng FCC sa fcc.gov/consumers. Nasa wikang Ingles ang web page)
Maghain ng Reklamo sa FCC
Pumunta sa aming Center sa Pagrereklamo ng Consumer sa consumercomplaints.fcc.gov (nasa wikang Ingles ang web page) upang maghain ng reklamo o sabihin sa amin ang nangyari sa iyo.