"Sa pinakaunang pangungusap ng Communications Act, idinirekta ng Kongreso ang Federal Communications Commission na tumulong na gawing available ang mga serbisyo ng komunikasyon sa 'lahat ng tao ng Estados Unidos … nang walang diskriminasyon sa batayan ng lahi, kulay, relihiyon, bansang pinagmulan, o kasarian.' Hindi na ito bago. Pero oras na para aksyunan ito nang may panibagong matinding pangangailangan." – FCC Chairwoman Jessica Rosenworcel |
Broadband Access Experience Form
Ibahagi ang mga natatangi mong karanasan at hamon sa pagkuha ng broadband internet access. Sa pagbabahagi ng mga kuwento mo sa broadband access, matutulungan mo ang FCC na matukoy ang mga hadlang na nararanasan ng mga komunidad na dati nang hindi nabibigyan ng serbisyo sa internet o may limitadong access sa internet, at makapagbibigay-impormasyon ito para sa gawain ng Task Force.
Mga Listening Sessions
Nagsagawa ang Task Force ng serye ng mga listening session para mangalap ng direkta at personal na kaalaman tungkol sa mga hamon, hadlang, at mga karanasan habang nagsisikap ang FCC na tiyakin ang pantay-pantay na access sa broadband. Available ang higit pang impormasyon sa ibaba:
Topeka, KS - Okt. 5, 2023
Mga Detalye ng Event at Abiso sa Publiko
New York City - Set. 29, 2023
Mga Detalye ng Event at Abiso sa Publiko
Gallaudet U., Washington, DC - Set. 14, 2023
Mga Detalye ng Event at Abiso sa Publiko
Transcript: Word | PDF
Baltimore - Mar. 28, 2023
Mga Detalye ng Event at Abiso sa Publiko
Los Angeles - Peb. 21, 2023
Ang lahat, saan man sila nakatira at sinuman sila, ay nangangailangan ng access sa matatag at mabilis na mga serbisyo sa broadband para magtagumpay sa ika-21siglo. Ang pagpili kung saan magtatayo ng mga broadband network ay hindi dapat ibatay sa kita, lahi, etnisidad, o relihiyon ng mga komunidad na pagseserbisyuhan. Para itaguyod ang pantay-pantay na access, hinihiling ng Infrastructure Investment and Jobs Act sa FCC na gumawa ng mga tuntunin at patakaran para tugunan ang digital discrimination at redlining.
Inanunsyo ni Chairwoman Jessica Rosenworcel ang pagbuo ng isang cross-agency Task Force Para Maiwasan ang Digital Discrimination na magpopokus sa paggawa ng mga tuntunin at patakaran para labanan ang digital discrimination at para itaguyod ang pantay-pantay na access sa broadband sa buong U.S., anuman ang zip code, antas ng kita, etnisidad, lahi, relihiyon, o pinagmulang bansa.
Inatasan din ng Kongreso ang FCC na bumuo ng mga modelong patakaran at pinakamahusay na pamamaraan na maaaring tularan ng mga pamahalaang pang-estado at lokal para maiwasan ang digital discrimination sa mga komunidad nila. Pangangasiwaan ng Task Force ang mahalagang gawaing ito. Gayundin, hiniling ng Kongreso sa FCC na repasuhin ang proseso nito sa mga reklamo ng konsyumer. Magtatrabaho rin ang Task Force para pagbutihin pa ang paraan ng paghingi ng ahensya ng feedback mula sa mga konsyumer na maaaring nakakaranas ng digital discrimination sa mga komunidad nila.
Noong Oktubre 24, 2023, inanunsiyo ng FCC na magbobotohan ito sa mga tuntunin para maiwasan at mawakasan ang digital discrimination sa Open Meeting ng Komisyon sa Nobyembre 15, 2023.
Sa Marso 16, 2022 na Bukas na Pagpupulong ng FCC, ipinagtibay ng Lupon ang Pagbibigay-alam sa Imbestigasyon upang maumpisahan ang paglilitis (GN Talaan Blg. 22-69) sa mga pagkukusang ito, na dapat makumpleto sa Nobyembre 2023 ayon sa iniutos ng Kongreso sa Batas na Pamumuhunan sa Istruktura at Trabaho. Sa Disyembre 21, 2022 na Bukas na Pagpupulong ng FCC, ipinagtibay ng Lupon ang Pagbibigay-alam sa Iminungkahing Pagsasagawa ng Alituntunin [Notice of Proposed Rulemaking (NPRM)], at ipinagbigay-alam ang mga petsa para sa ikot ng kuru-kuro ng NPRM sa Enero 20, 2023. Ang mga kuru-kuro ng NPRM ay dapat na isumite sa o bago ang Pebrero 21, 2023. Ang panahon ng pagsagot sa kuro-kuro ay ipinalawig: Ang pagsagot sa mga kuro-kuro ay dapat na maisumite sa o bago ang Abril 20, 2023. (Hanapin ang GN Talaan Blg. 22-69 sa FCC's Electronic Filing System.)
Ang Leadership Team
Nagpapatuloy si D'wana Terry na maglingkod bilang Special Advisor kay Chairwoman Rosenworcel, kung saan siya'y nagbibigay ng payo sa Chairwoman hinggil sa magagawa ng ahensya para matukoy at matugunan ang mga hindi pagkakapantay-pantay sa mga patakaran at programa ng FCC, at sa Office of Workplace Diversity ng Director ng FCC. Ang Office of Workplace Diversity ay nagde-develop, nagko-coordinate, nag-e-evaluate, at nagrerekomenda sa Komisyon ng mga patakaran, programa, at pamamaraan na nagpapalaganap ng diverse na workforce, at nagtataguyod at tumitiyak ng pantay-pantay na oportunidad sa trabaho (equal employment opportunity, EEO) para sa lahat ng empleyado at aplikante anuman ang kanilang lahi, kulay, kasarian, bansang pinagmulan, relihiyon, edad, kapansanan, o sekswal na kagustuhan. Gayundin, humawak na si D'wana ng ilang senior leadership na posisyon sa Wireline Competition Bureau, sa Wireless Telecommunications Bureau, at sa Consumer and Governmental Affairs Bureau.
Natanggap ni D'wana ang kanyang J.D. degree mula sa University of Virginia School of Law at ang kanyang B.A. degree na may major sa International Affairs at Mathematics mula sa Lafayette College.
Kasali sa Task Force si Sanford S. Williams na mula sa Office of the Chairwoman, na nagbibigay ng payo hinggil sa magagawa ng ahensya para matukoy at palawakin ang mga oportunidad para sa mga komunidad na dati nang hindi nabibigyan ng serbisyo sa internet, at naglilingkod din siya bilang Deputy Managing Director ng FCC. Nakapaglingkod na si Sanford sa iba't ibang tungkulin sa FCC mula 1999. Naging abogado rin siya para sa Womble, Carlyle, Sandridge & Rice at kasalukuyang nagtuturo sa UCLA School of Law. Naglilingkod si Sanford bilang miyembro ng Federal Communications Bar Association Executive Committee.
Sa edad na 15, nag-aral si Sanford sa Cornell University, kung saan nakamit niya ang undergraduate degree sa operations research at industrial engineering at Master's in Business Administration mula sa Johnson School of Management. Nakamit niya ang kanyang law degree mula sa University of Virginia School of Law kung saan naging miyembro siya ng Virginia Law Review.
Si Alejandro Roark ang Chief ng Consumer and Governmental Affairs Bureau (CGB) na nagde-develop at nagpapatupad ng mga patakaran sa konsyumer ng komisyon, kabilang ang disability access. Ang CGB ay naglilingkod bilang kinatawan ng komisyon sa publiko sa pamamagitan ng outreach at edukasyon, responsable ito sa pagtugon sa mga tanong at reklamo ng mga konsyumer, at pinananatili nito ang mga pagtutulungan sa pagitan ng mga pamahalaang pang-estado, lokal, at Tribal. Bago sumali sa FCC, namuno si Alejandro sa CEO roundtable ng mga Latino civil rights organization sa bansa na nagkikipagtulungan para itaguyod ang access, pagtanggap, at lubos na paggamit ng mga resource sa teknolohiya at telekomunikasyon ng komunidad ng Latino sa buong Estados Unidos.
Natanggap ni Alejandro ang kanyang Master's in Public Administration na may pokus sa applied politics, at ang kanyang B.A. degree sa Interdisciplinary Studies: Communication, Legal Institutions, Economics, and Government mula sa American University.
Task Force Team
Consumer and Governmental Affairs Bureau
- James Brown
- Aliza Katz
Enforcement Bureau
- Traci Randolph
Media Bureau
- Jamila-Bess Johnson
Office of Economics and Analytics
- Joanna Fister
Office of General Counsel
- Malena Barzilai
Wireline Competition Bureau
- Alison Baker
- Rashann Duvall
- Kiara Ortiz
Wireless Telecommunications Bureau
- Morasha Younger
Makipag-ugnayan sa Team
Nais naming marinig ang opinyon niyo. Para humiling ng meeting sa Task Force Team, i-click ang button na "Humiling ng Meeting". Salamat.
News Media Contacts & Resources
Paloma Isabel Perez
FCC Press Secretary
paloma.perez@fcc.gov
Office of Media Relations
mediarelations@fcc.gov
202-418-0500
Mga Pinakaulo ng Balita (sa Ingles)
- Pinagtibay ng FCC ang Mga Panuntunan upang Pigilan at Tanggalin ang Digital na Diskriminasyon (11/15/23)
- Ang FCC ay Boto sa Mga Panuntunan upang Pigilan at Tanggalin ang Digital na Diskriminasyon sa Nob. 15, 2023 Open Meeting (10/24/23)
- Panahon sa Pagsagot sa Kuru-kuro Para sa NPRM Ipinalawig (3/17/23)
- Pangkat na Itinalag ng FCC Magdadaos ng Rehiyonal na Mga Sesion sa Pakikinig sa Baltimore, Md. (3/15/23)
- Pangkat na itinalaga ng FCC Nagsimula ng Mga Sesyon sa Pakikinig sa Los Angeles, California (2/15/23)
- Ipinagbibigay-alam ng FCC ang Bagong Kadaupan Para sa Mga Kwento ng Mamimili Tungkol sa Karapatan sa Broadband (1/25/23)
- Ikot ng Kuru-kuro sa Pagpigil ng Didyital na Diskriminasyon Ipinagbigay-alam ng NPRM, (1/20/23)
- Ipinagbigay-alam ang Iminungkahing Pagsasagawa ng Alituntunin Upang Maiwasan ang Didyital na Diskriminasyon (12/22/22)
- FCC Nagsagawa ng Mga Hakbang Upang Maiwasan ang Didyital na Diskriminasyon (12/21/22)
- Burador ng Iminungkahing Pagsasagawa ng Alituntunin (11/30/22)
- FCC Nagpasimula ng Imbestigasyon Upang Maiwasan ang Didyital na Diskriminasyon (3/17/22)