Naglabas ang FCC ng Consumer Alert tungkol sa mga Robotext Scam
Inaalerto ng Robocall Response Team ng FCC ang mga consumer tungkol sa lumalaganap na banta ng mga robotext. Ginagawang malinaw ng kapansin-pansing pagdami ng mga reklamo ng consumer sa FCC, mga ulat ng mga serbisyo ng pag-block ng robocall at robotext na hindi galing sa pamahalaan, at pag-uulat ng anecdote at balita na ang mga text message ay lalo pang ginagamit ng mga scammer para mag-target ng mga American consumer.
Lumalaganap na ang mga robotext scam at maaaring nalalampasan pa nito ang mga robocall bilang isang tool para sa mga con artist.
Tulad ng mga robocall, ang mga text ay puwedeng i-spoof para itago ang pinagmulang numero at palabasin na ang text ay nagmumula sa isang numerong mas malamang na pagkakatiwalaan mo. Maaaring piliin ng mga spoofer ang isang lokal na numero, o magpanggap bilang isang ahensya ng pamahalaan, gaya ng IRS, o isang kumpanyang pamilyar sa iyo. Ginagamit ng mga scammer ang mga paraang ito para mapasagot ka sa isang text.
Ang mga consumer na naghain ng mga reklamo sa FCC ay nagsabing ang ilan sa mga text ay kamukha ng email spam, na may mga link sa mga hindi kanais-nais at hindi hinihinging produkto. Pero marami sa mga text ang mukhang mga paraan para magnakaw ng mahahalagang personal o pinansyal na impormasyon. Ang ilang recipient ay pinilit na mag-"login" sa isang pekeng pekeng web site ng bankgo para i-verify ang isang pagbili o mag-unlock ng credit card na na-freeze. Ang iba naman ay gumagamit ng mga udpate sa package delivery bilang pain sa phishing.
Ngayon, ang Better Business Bureau (BBB) ay nagbababala sa mga consumer tungkol sa isang bagong paraan, ang mga "wrong number" text scam, at marami sa mga ito ay nanggagaling sa mga chat bot.
Susubukang puntiryahin ng ilang scammer ang iyong wallet, pero ang iba naman ay naghahanap ng personal na impormasyong magagamit nila sa mga susunod na scam o para ibenta sa iba pang mga masasamang-loob.
Inirerekomenda ng FCC ang sumusunod:
- Huwag sumagot sa mga text mula sa mga hindi kilalang numero, o iba pang mukhang kahina-hinala.
- Huwag mag-share ng sensitibong personal o pinansyal na impormasyon sa pamamagitan ng text.
- Tingnan kung may mga maling spelling, o mga text na nanggagaling sa isang email address
- Magdalawang-isip bago mag-click sa anumang mga link sa isang text message. Kung papadalhan ka ng kaibigan mo ng isang text na may kahina-hinalang link na mukhang wala sa character, tawagan siya para matiyak na hindi siya na-hack.
- Kung papadalhan ka ng isang negosyo ng text na hindi mo inaasahan, hanapin ang numero nila online at tawagan sila.
- Tandaan na ang mga ahensya ng pamahalaan ay hindi kailanman nagsisimula ng contact sa pamamagitan ng telepono o text.
- Iulat ang mga pagtatangka ng texting scam sa iyong wireless service provider sa pamamagitan ng pag-forward ng mga hindi kanais-nais na text sa 7726 (o "SPAM").
- Maghain ng reklamo sa FCC.
Kung sa palagay mo ay biktima ka ng texting scam, iulat ito kaagad sa inyong lokal na ahensya ng mga alagad ng batas at abisuhan ang iyong wireless service provider at mga pinansyal na institusyon kung saan mayroon kang mga account.
Paki-share ang mga tip na ito sa mga kaibigan at pamilya.
Para sa higit pang impormasyon tungkol sa mga scam na tawag at text, bisitahin ang FCC Consumer Help Center at ang FCC Scam Glossary.