Higit pa Tungkol sa Mga Romance Scam

Pakinggan ang audio (sa English) mula sa isang biktima ng romance scam at mula sa isang ahente ng FBI na naglalarawan sa mga romance scam.

Kung sa palagay mo ay naging biktima ka ng isang romance scam, maaari mo itong iulat sa Internet Crime Complaint Center (IC3) ng FBI (sa English).

Maaari ka ring maghain ng reklamo sa FTC (sa English) o, kung nagsimula ang scam sa pamamagitan ng isang tawag sa telepono o mensahe sa text, maaari kang maghain ng reklamo sa FCC (sa English).

Para sa higit pang impormasyon tungkol sa iba't ibang uri ng scam sa consumer, bisitahin ang Glossary ng Scam ng FCC (sa English).

Maaaring nakakahikayat na opsyon ang pakikipagkilala sa isang dating app para sa romansa at virtual na pakikipag-ugnayan.  Posibleng mapataas ng isang app ang iyong tsansang makahanap ng kapareha, ngunit sa kasamaang-palad, maaari din nitong mapataas ang tsansang makakilala ka ng isang scammer.

Gumagawa ang mga romance scammer ng mga pekeng profile sa mga dating app at website para mahanap ang kanilang mga biktima. Pagkatapos makahanap ng "match," kukunin nila ang tiwala ng taong iyon. Pagkatapos ay manghihingi sila ng pera sa kanilang "sweetheart," nang idinadahilan ang isang medikal o pampinansyal na "emergency." Kapag napaniwala na ang biktima sa panloloko at nagpadala siya ng pera, biglang hindi na magpaparamdam ang scammer.

Ang mga ganitong scam ang isa sa mga may pinakamalaking halagang nakukuha kaugnay ng "kawalan ng biktima," ayon sa Federal Bureau of Investigation (sa English). Kung naiisipan mong subukan ang online dating, mag-ingat sa mga red flag at sundin ang mga tip na ito:

  • Maging mapagduda sa sinumang nangangako ng kanilang pagmamahal at debosyon, gaano man karangal ang sinasabi nila.
  • Bago makipagrelasyon at magbuhos ng emosyon, gumawa ng pagsusuri:
    • Hanapin ang iyong bagong kakilala online, para makapagsuri ng mga pampublikong tala. Baka gusto mo ring pag-isipang magbayad para sa isang serbisyong makakatulong para sa isang background check.
    • Magsagawa ng reverse image search (sa English) sa naka-post na larawan sa profile para makita kung isa itong pekeng stock photo.
    • Tandaang maaaring gumagamit ng mga ninakaw na pagkakakilanlan ang mga scammer para makagawa ng mga profile na mukhang totoo.
  • Mag-ingat sa sinumang ayaw makipagkita sa personal. Bagama't nakakapagbigay ang pangangailangan para sa social distancing ng dagdag na palusot sa hindi pakikipagkita o biglaang pagkansela sa pakikipagkita ng mga scammer, dapat mo pa rin itong ituring na babalang senyales. 
  • Kung may sinumang hihingi ng personal na impormasyon o pera, ituring itong red flag. Huwag na huwag magpapadala ng pera sa isang taong hindi mo gaanong kilala o hindi pa nakikilala sa personal. Putulin kaagad ang lahat ng komunikasyon sa taong iyon at iulat ang indibidwal sa tagapamahala ng dating app at sa tagapagpatupad ng batas.

Kadalasang nagsasagawa ng "slow roll" ang mga romance scammer. Posibleng hindi lumabas ang balak – paghingi ng pera bilang tulong sa isang malalang "sakit" o malubhang "pampinansyal na emergency" – sa loob ng ilang linggo o kahit buwan kapag nakuha na ang iyong tiwala.

Tandaan ang mga babalang senyales at palaging mag-ingat. Kung hindi ka sigurado o naghihinala ka, magtiwala sa pakiramdam na iyon. Bago gumawa ng anumang desisyon, makipag-usap sa isang pinagkakatiwalaang kapamilya o kaibigan para malaman kung nakakabahala ito para sa kanila.

Updated:
Thursday, February 1, 2024