Madalas natin silang makita sa kalsada – mga driver na gumagamit ng kanilang telepono para mag-text, tumawag, o makakuha ng mga direksyon. Bagama’t mukhang nakakatulong ang naturang device, nailalagay ang mga driver sa panganib sa tuwing gumagamit sila nito habang nagmamaneho.  Ayon sa National Highway Traffic Safety Administration, ang hindi nakatuong pagmamaneho ang pangunahing sanhi ng pinsala o pagkamatay sa kalsada.

Sa pagtataya ngNHTSA, (sa Ingles) 3,116 na katao ang nasawi dahil sa hindi nakatuong pagmamaneho noong 2017, ang taong may mga pinakabagong istatistika.   Ang mga naturang trahedya ang dahilan kung bakit nagpatupad ang karamihan ng mga estado ng mga batas na tutugon sa paggamit ng telepono habang nagmamaneho.  Mukha namang nakakabuti ang kanilang mga pagsisikap – sa isang kamakailang pag-aaral na inilathala ng American Journal of Public Health, (sa Ingles) napag-alamang nauugnay ang mga pagsisikap ng mga estadong bawasan ang hindi nakatuong pagmamaneho, sa pamamagitan ng pag-ban ng pagte-text at pagsusulong ng mga kampanyang nagbibigay ng kaalaman, sa pagbagsak ng bilang ng mga pagbisita sa mga emergency room na resulta ng mga aksidente sa sasakyan.

Idineklara na naman ng National Safety Council ang Abril bilang Pambansang Buwan ng Pagpapalaganap ng Kaalaman Tungkol sa Hindi Nakatuong Pagmamaneho.  Sa FCC, tumutulong kami sa pagsisikap na itong magpalaganap ng kaalaman tungkol sa mga panganib ng hindi nakatuong pagmamaneho, at sa pagsusulong ng mga paraan para manatiling ligtas sa mga kalsada.

Ilang bagay na dapat tandaan kapag nagmamaneho ka:

  • I-silent o i-off ang iyong telepono o ang anumang wireless na device bago mo i-start ang iyong sasakyan at panatilihing naka-silent o naka-off ang mga ito habang nagmamaneho ka.
  • Kung kailangang-kailangan mong mag-text o tumawag, huminto sa isang ligtas na lugar bago iyon gawin.
  • Maging halimbawa sa iba. Hikayatin ang mga bago at mas batang driver na maging responsable at panatilihin ang kanilang mga mata sa kalsada, at hindi sa kanilang mga device.

Para sa higit pang impormasyon, bisitahin ang sumusunod:

 

 

 

   

 

 

Updated:
Friday, April 12, 2019