U.S. flag

An official website of the United States government

Dot gov

Official websites use .gov
A .gov website belongs to an official government organization in the United States.

SSL

Secure .gov websites use HTTPS
A lock ( ) or https:// means you’ve safely connected to the .gov website. Share sensitive information only on official, secure websites.

Matuto Pa

Para makatulong na mapalawak ang kamalayan ng publiko tungkol sa mga mapanlokong produkto at pagsusuring medikal kaugnay ng COVID-19, inilunsad ng FDA ang Operation Quack Hack (sa English) pagkatapos na may mga naiulat na alok para sa mga huwad na gamot at panggagamot sa coronavirus na nagsimulang maglabasan sa unang bahagi ng taong ito.

Binalaan ang Mga Provider

Iniatas ng FCC at FTC sa mga gateway service provider na gawin ang kanilang parte para pigilan ang mga robocall na scam na nauugnay sa virus dahil kung hindi ay may kakaharapin silang seryosong kahihinatnan. Matuto pa. (sa English)

Impormasyong para sa Consumer

Ang Gabay sa Consumer para sa COVID-19 ng FCC ay may impormasyon tungkol sa mga scam kaugnay ng coronavirus at paano ka makakaiwas na mabiktima, at mga kapaki-pakinabang na tip sa kalinisan ng cell phone at pag-optimize sa iyong home wireless network, at higit pa.

Habang tumitindi ang karera para sa mga mabisang panggagamot at bakuna para sa COVID-19, patuloy na pinupuntirya ng mga scammer ang ating mga pag-asa at takot para makanakaw ng impormasyon ng insurance, pera o pareho.

Ang isa sa mga pinakabaogng pekeng alok ay para sa mga mapanloko at hindi aprubadong pagsusuri para sa mga antibody kaugnay ng COVID-19 (sa English).  Nagbababala ang FBI na marami sa mga tumatawag na nag-aalok n gmga pagsusuri para sa antibody ang nanghihingi ng personal na impormasyon, tulad ng mga numero ng Social Security, impormasyon ng Medicare o pribadong health insurance na posibleng magresulta sa pagkakanakaw ng pagkakakilanlan at magagamit sa mga scam sa hinaharap.

Dapat ding mag-ingat ang mga consumer para sa mga scam na tawag mula sa mga pekeng parmasya na nag-aalok ng "pre-approved" na gamot o supply sa mga consumer. Sasabihin ng scammer na sagot ng insurance ang mga gastusin, pero kailangan nila ng karagdagang impormasyon para maproseso ang pagpapadala.  Bukod pa sa paghingi sa mga detalye ng insurance, hihingin nila ang impormasyon sa pakikipag-ugnayan para sa iyong pangunahing doktor sa pangangalaga.  Gagamitin nila ang impormasyon para singilin ang provider ng iyong insurance para sa mga hindi kinakailangang gamot o supply ng medikal na kagamitan na hindi mo kailanman natanggap.

Puwede ring magpanggap ang mga scammer na ito bilang kinatawan ng mga tunay na kumpanya ng insurance, na nalaman ng chief operating officer ng Independent Health, isang kumpanya ng insurance na nakabase sa Buffalo, New York, noong makatanggap siya ng tawag na nagsasaad na mula sa sarili niyang kumpanya, ayon sa WBFO, NPR station ng Buffalo (sa English).

Kung makatanggap ka ng tawag mula sa isang taong nagpapanggap na mula sa iyong kumpanya ng insurance, ibaba ang tawag at tawagan ang numero sa likod ng iyong card ng medical insurance o prescription para kumpirmahin kung tunay ang tawag.

Mga Tip para Maiwasang Ma-scam

Inaalok ng FCC ang mga sumusunod na tip para matulungan kang maprotektahan ang iyong sarili mula sa mga scam na robocall at text, kabilang ang mga scam kaugnay ng coronavirus:

  • Palaging mag-ingat sa mga hindi hininging alok na humihiling sa iyong ibigay mo ang impormasyon ng iyong insurance o doktor.
  • Huwag sagutin ang mga tawag o text mula sa mga hindi kilalang numero, o sinumang iba pang mukhang kahina-hinala.
  • Huwag kailanman ibahagi ang iyong personal na impormasyon o impormasyon sa pananalapi sa pamamagitan ng email, text message, o sa telepono.
  • Mag-ingat kung pinipilit kang agad na magbigay ng anumang impormasyon o magbayad.
  • Madalas na gawin ng mga scammer na gayahin ang mga numero ng telepono para linlangin ka sa pagsagot.
  • Huwag i-click ang anumang link sa isang text message mula sa hindi kilalang nagpadala.
  • Para sa higit pang impormasyon tungkol sa mga scam kaugnay ng coronavirus, bumisita sa fcc.gov/mga-scam-kaugnay-ng-coronavirus-mga-mapagkukunan-ng-consumer.

Abisuhan ang Mga Awtoridad

Kung naniniwala kang naging biktima ka ng scam kaugnay ng COVID-19, iulat ito agad sa National Center for Disaster Fraud Hotline sa (866) 720-5721. Puwede ka ring maghain ng reklamo sa Department of Justice (justice.gov/disastercomplaintform (sa English)), o makipag-ugnayan sa FBI (ic3.gov (sa English), tips.fbi.gov (sa English), o sa 1-800-CALL-FBI). Ang mga medikal na scam kaugnay ng COVID ay maaari ring iulat sa Food and Drug Administration ( (sa English) en español).

Para sa mga scam na robocall at text kaugnay ng coronavirus, maghain ng reklamo ng consumer sa FCC sa fcc.gov/complaints (sa English).

Updated:
Friday, September 18, 2020