Tingnan ang isang video (sa Ingles) mula sa Office of the Inspector General ng Social Security Administration tungkol sa paano hadlangan ang panloloko. Gayundin, basahin ang isang blog post: Binabalaan ng IG ang Publiko Tungkol sa Caller ID 'Spoofing' ng Numero ng Telepono ng Social Security Fraud Hotline (sa Ingles)

Halos lahat ng iyong pinansyal at medikal na rekord ay konektado sa iyong Social Security number, kung kaya't patuloy na sinusubukan itong nakawin ng mga magnanakaw ng data para sa paggamit sa mga plano ng panloloko o ilegal na pagbenta rito.

Ginagamit ng mga robocall scammer ang spoofing para sadyaing doktorin ang caller ID na lumalabas sa iyong telepono para makubli ang kanilang pagkakakilanlan sa mga pagtangkang nakawain ang iyong Social Security number at iba pang mahalagang personal na impormasyon.

Karaniwang sinu-spoof ng mga scammer ang isang numero ng telepono ng Social Security Administration para isipin mong tumatawag ang ahensya. Ang SSA ay kamakailang nag-post ng babala tungkol sa scam na ito sa blog nito (sa Ingles).

May ilang hakbang na maaari mong gawin para iwasang maging biktima ng isang spoofing scam. Sundin ang mga nakakatulong na tip sa consumer guide ng FCC sa spoofing, gaya ng:

  • Huwag sumagot ng mga tawag mula sa mga hindi kilalang tawag. Kung masasagot mo ang isang naturang tawag, ibaba ito kaagad.
  • Kung tatanungin ka ng isang taong nagsasabing kinakatawan nila ang isang ahensya ng pamahalaan, ibaba ang telepono at tawagan ang numero ng telepono sa opisyal na website ng ahensya para kumpirmahin ang pagiging tunay ng kahilingan.
  • Bilang karagdagang sa pagprotekta sa iyong Social Security number, huwag magbigay ng iba pang personal na impormasyon gaya ng mga account number, pangalan sa pagdadalaga ng iyong ina, o iba pang makapagpapakilalang impormasyon bilang tugon sa mga hindi inaasahang tawag kung may hinala ka.
  • Mag-ingat kung pinipilit kang magbigay ng impormasyon o agad na magbayad.

Kung makakatanggap ka ng kahina-hinalang tawag mula sa isang taong nagsasabing mula siya sa SSA o sa Office of the Inspector General nito, dapat mong iulat ang impormasyong iyon sa OIG online sa https://oig.ssa.gov/report (sa Ingles) o sa pamamagitan ng pagtawag sa (800) 269-0271, Lunes hanggang Biyernes, 10 a.m. hanggang 4 p.m. Eastern Time. Maaari mo ring iulat ang mga scam na ito sa Federal Trade Commission sa pamamagitan ng isang bagong site na partikular sa mga scam sa Social Security: https://identitytheft.gov/ssa (sa Ingles)

Kung sa tingin ka ay biktima ka ng naturang scam, iulat ito sa mga lokal na alagad ng batas. Maaari ka ring maghain ng reklamo (sa Ingles) sa FCC nang walang bayad. Basahin ang FAQ ng FCC Complaint Center (sa Ingles) para matuto pa tungkol sa hindi pormal na proseso ng pagrereklamo sa FCC, kasama ang kung paano maghain ng reklamo at kung anong mangyayari pagkatapos maghain ng reklamo.

 

 

   

 

 

Updated:
Tuesday, April 16, 2019