Nangungunang Limang Reklamo as Robocall ng 2021
Para sa pangalawang sunod na taon, ang mga tawag para sa pag-renew ng warranty ng sasakyan ang nangungunang reklamo sa robocall na naihain sa FCC ng mga consumer noong 2021. Bagama’t ang kabuuang bilang ng mga reklamong ihinain sa FCC tungkol sa mga scam sa warranty ng sasakyan ay tumaas mula sa halos 7,600 noong 2020 sa mahigit 12,000 noong 2021, pababa na ang bilang ng mga reklamo sa mga huling buwan ng taon.
Madalas na kasama sa mga tawag ang mga partikular na impormasyon tungkol sa iyong partikular na sasakyan at warranty na nagpapamukhang mas lehitimo ang tawag. Para makarinig ng sample na audio ng isang tawag para sa warranty ng sasakyan at para malaman kung paano maiiwasang ma-scam, bisitahin ang aming gabay sa consumer sa mga scam sa warranty ng sasakyan.
Ang pangalawang pinakanireklamo tungkol sa mga robocall scam noong 2020, mga tawag para sa scam na phishing sa social security number, ay bumaba sa panglima nitong nakaraang taon kung saan bumaba ng halos 60 porsyento ang mga reklamo. Ang bubuo sa nangungunang limang kategorya ng hindi gustong tawag na iniulat sa FCC noong 2021 ay mga scam sa credit at credit card, pekeng insurance at healthcare, at pekeng lawsuit o criminal charge.
Ang karamihan sa mga ulat na natanggap namin ay nagbanggit na nagsimula ang hindi gustong tawag sa automated o pre-recorded na mensahe na posibleng magsabi sa iyo na pumindot ng isang partikular na numero o manatili sa linya. Para maiwasan ang mga robocall scam, sundin ang mga nangungunang tip na it:
- Huwag sagutin ang mga tawag mula sa mga hindi kilalang numero. Kung masagot mo nang hindi sinasadya, ibaba agad ang tawag.
- Huwag kailanman magbigay ng personal o pampinansyal na impormasyon sa tumatawag sa iyo.
- Palaging mag-ingat kung pinipilit kang hingan agad-agad ng impormasyon o pera.
Matuto pa tungkol sa mga robocall at bisitahin ang Scam Glossary ng FCC sa fcc.gov/scams. Tingnan din ang aming gabay sa consumer sa mga tool at resource sa pag-block ng tawag. Para maghain ng reklamo ng consumer sa FCC, bisitahin ang fcc.gov/complaints.
Ipinapakita ng mga chart na ito ang breakdown, ayon sa kategorya, ng nangungunang limang hindi pormal na reklamo ng consumer sa mga robocall scam na natanggap ng FCC noong 2021. Ihinain ang mga reklamo sa FCC sa pagitan ng Enero 1 at Disyembre 31, 2021. Ang mga isyung ipinapakita sa bawat chart ay inilarawan ng mga consumer kapag nagsusumite ng mga reklamo sa FCC. Hindi vine-verify ng FCC ang lahat ng isinaad sa mga reklamo.